Kopikey Kurtain:Curtain Made in Recycled Materials 19


Matagal na akong nag-iisip kung anong puwede kong gawin sa mga coffee or foil wrappers na madalas  na bininili natin. Alam mo naman tayong mga Pinoy, we like retail (tingi) products kaya medyo fan tayo ng products in sachet.  Sa amin, tipikal na ang magtimpla ng coffee, hot coffee or cereal na 3 in 1 bilang bahagi ng aming agahan. Ako nga kahit tanghaling tapat nagkakape pa rin.

Pero ang nagtulak sa akin na gumawa ako ng curtain ay ang isang sirang pintuan sa kuwarto ng Nanay ko. Hindi naman ako nabagsakan noon o naipit man lang para maging turning point ng buhay ko. Gusto ko lang may may takip o tabing ‘yon dahil hindi ko alam kung kailan kami makakabili ng pintuan para roon.

Although nagtingin-tingin din ako sa mga websites about craft, wala akong fantastic idea pagdating sa designs bahala na lang sa kung ano ang magagawa ko sa available materials sa bahay namin. So apart from foil packs, I use red ribbons na nakolekta ko mula sa mga birthday cakes then ‘yong para sa mga notebooks, mga nasirang beads, at ‘yong white na pinagrorolyohan ng sinulid.   Sa finish touch ang adornment ay ang mga collection ko ng keychain.

Para mas madali ay binutas-butas ko (ito talaga ang term) ang mga wrappers using puncher.  Siguro nasa tamang sukat laki at kalidad ng foil ‘yong susi para magandang tingnan ‘pag pinagsama-sama ang mga ito.  Dapat ay hindi rin masyadong masikip at masyadong maluwag ang pagkakakabit ng mga ribbon. Medyo sablay ako rito dahil bukod sa may problema ako sa pagpapantay, nag-experiment pa ako noong una dahil aliw na aliw ako sa hindi uniform na pagkakaayos. Hayun!curtain made in recycled materials

Iisip pa ako ng mas okay na design (mas gusto ko sana as much as possible sarili kong idea) o mas maayos na pagkakagawa ng curtain para na mismo sa door ng Nanay ko at malay natin sa CR na rin namin kasi parang maganda ang foil sa shower room.

After kong magawa ito believe na believe ako sa mga nakakagawa pa ng magandang designs sa kanilang pag-a-upscale unless na bumili sila ng additional materials.

*isinali ko ito sa isang contest, tapos na yung duration kaya atat na akong i-post. Wala pa akong balita kung sinong nanalo pero kung di man palarin, carebears. I made this one with love plus  panaka-nakang pagpatay ng  langgam at pagtatago sa mga  ipis.  


About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Online Publisher, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Technopreneur, frugal Traveler, Cinephile since birth, natural Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial, and Multipotentialite or Yuccie?


Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

19 thoughts on “Kopikey Kurtain:Curtain Made in Recycled Materials