How to save money while job hunting 22


Easy payment and energy saving tipsWhen you are jobless, automatic, you need to regulate your expenses. You may get support from your parents but not all the time right? Dyahe!  So let’s talk about, frugal ways to to save money while you’re in job hunting mode.

Resume is your personal ad

Kung may maituturing na ad campaign material para sa sarili, isa na rito ang   resume. Goodbye na talaga sa biodata era.  Ang resume ay ang ticket ng isang job hunter para mapansin siya ng isang company at makuha ang matamis na oo para mapasok na niya ang pangarap niyang trabaho.  Mas malinis, maayos at malaman ang content nito ay mas maganda. Pero paano nga ba makakatipid  pagdating sa resume.

  • Always double check your resume’s content –

que simpleng comma, heading, bullets, indention at grammar tingnan mo lahat.  Napaupo ka na rin lang naman sa harap ng PC at gumamit ng electricity ay i-maximize mo na.  Kung mas madalas kang nagpi-print dahil mali ay mas hassle at magastos.

  • Save soft copy

Bukod sa soft copy na nasa iyong computer at USB flash drive, mabuti ring mag-save ka ng copy ng iyong resume sa iyong email. Makalimutan mo man ang hard copy at flash drive, may email ka pang puwedeng pagkunan.

  • Photocopy not reprint

Puwede namang print lang lalo na kung mura ( gaya sa Recto at U-Belt) pero usually  5 pesos to 10 pesos per page ang singil sa mga computer shop para sa printing.   Puwedeng alternative sa reprint ay Xerox photocopy.   Make sure lang na malinaw ang ink at maayos ang pagkaka-photocopy sa paper mo.   Puwedeng maging option din ang  image repeat ng ilang photocopy shop, particularly ‘yong nasa  U.P. Philcoa, Morayta at Mendiola para sa photo.

  • Choose simple and affordable paper 

Marami pa namang company na conservative at traditional. Mas gusto nila ang  clean and simple kaya  ‘di na kailangan ang colorful and scented paper. May nabibili naman na mga papel na above naman sa quality ng bond paper.

 

Try online application

Dapat ngayon kilalanin mo si Lina ( Jobstreet.com),  Best Jobs Philippines, Job Openings.ph, jobmarketonline.com, www.careerjet.ph at iba pa. Para sa akin mas effective na ang mga online application para sa karamihan ng field ngayon pero may iba na ganoon pa rin. Masuerte tayong henerasyon may ganito na dahil uupo ka na lang sa harap ng PC, presto nakapag-apply-apply ka na.  In fact, bukod sa pagpapasa ng resume, online na rin ang application para sa pagkuha ng passport at NBI clearance.

 

Scanned all your documents

Dalawang bagay kung bakit magandang i-scan ang mga importanteng documents and identification cards gaya ng SSS, Philhealth, Pag-Ibig, passport at iba pa.

 a.       Para may kopya ka ‘pag nawala

b.      Para madaling maipasa online kung kailangan.

 In Interview: know the exact address of the company and arrive early 

Sunod sa pagpapasa ng resume, siempre dapat pinaghahandaan mo rin ang iyong interview. Ang mahirap sa hindi nag-search sa google map, wikimapia at iba pang mapa o hindi man lang nagtanong kung saan ang pupuntahan n’yang company ay kung hindi mawala, male-late, at mapapagastos pa. Wala pa d’yan ang tagatak ng pawis at kaba sa dibdib. Bakit mapapagastos?  Dahil hindi mo alam ang lugar, sakay ka ng sakay  at lakad ka ng lakad.  Dahil gahol ka na sa oras, option mo na ang mag-taxi.  Siyempre dahil napagod ka at na-stress, mapapa-upgrade ka pa ng kain. Aminin!

 Bring your “yuppy kit” 

Naks may yuppy kit na nalalaman. Ito lang naman ang tawag ko sa purse na nandoon ang glue, maliit na stapler, black ballpen, Liquid paper correction fluid, flash drive, pictures ( naka-small box) at  candy.  Aba, simple lang ang mga ito pero kung wala ka, not so posh!


About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Online Publisher, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Technopreneur, frugal Traveler, Cinephile since birth, natural Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial, and Multipotentialite or Yuccie?


Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

22 thoughts on “How to save money while job hunting