Screenwriting Tips by Roy Iglesias 17



Ang award-winning and prolific screenwriter na si Roy Iglesias (na ang boses ay pang radio soap opera) ang naghatid ng Screenwriting Seminar sa UP Film Center para sa Pandayang Lino Brocka. Ilang oras lamang ito pero marami na kaming natutuhan, tungkol sa How to write screenplay, privileges and hardships of scriptwriters and nakit nagsa-suffer ngayon ang Philippine Movie Industry.

Screenwriting by Roy Iglesias

Know the right screenplay format

Ayon kay Iglesias (writer of Baler, Feng Shui, Manila Kingpin: The Asiong Salonga’s Story, Sigaw/The EchoMano Po, at Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon ni Eddie Romero) ang screenplay ay ang feature film sa papel.  Naipagkakamali ang screenwriting sa ibang klase ng scriptwriting pero ayon sa kanya iba ang format ng screenplay at kung nagbabalak gumawa ng pang-Hollywood, siguruhin mong nasusunod ang tamang format or else iisipan nilang amateur ka (kahit totoo ) o hindi seseryosihin ang script mo.

Be clear with your characters/ script

May mga actor na binabasa muna ang script bago tanggapin ang project at mayroon din naman na nagtatanong para sa pag-aaral ng kanilang acting.  Mahalaga na klaro sa isipan ng writer ang kabuuan ng kanyang nilikhang character gaya ng past, marital status, trabaho, social class, at paano ito mag-react.

Siyempre bukod sa character dapat na i-determine din ang plot, premise, theme o dramatic arc ng istorya at kung sino ang pinakabida sa lahat ng bida.

Remember that if you’re the screenwriter you’re also the director… in paper

In fact, puwedeng maging director ang mga screenwriter pero siyempre iba rin ‘yong may personality na maging director sabi niya.  At hindi tatakbo ang movie kung walang screenplay na gawa mo.

Sa pagpili naman ng gaganap o character, importante na may peg ka na. Pero dapat magising ka rin sa katotohanan na pwedeng may ibang gumanap sa character na naisip mo para sa isang partikular na artista. “Huwag kang mag-fix sa isang artista kasi baka ma-frustrate ka.”

Choose the director for your screenplay

Mahirap para sa mga baguhan na mag-demand kaagad pero ideally at lalo na kapag may power ka na ay maiging humanap ka ng direktor na katulad ng iyong vision.    Puwede kasing sa kamay ng direktor ay pumangit o gumanda ang iyong screenplay.

Don’t be discouraged by criticism

Bagaman nakakalungkot aniya na walang matibay na guild para sa mga screenwriters, may problema sa movie industry at maraming movie critic ngayon. Sinasabi niya na siya rin mismo ay dumaan sa mga pagsubok bilang manunulat. Nariyan ang pag-angkin ng credit at hindi pagbabayad kaagad ng producer.

“Critic is just critic. Take it (criticism) kung reasonable then improve. It’s a matter of taste. Kung ikaw ang creator don’t be discouraged. “

Note: Ang mga nasa itaas ay ayon sa pagkakabuod at interpretasyon ko sa lahat ng sinabi Sir Roy Iglesias sa seminar.


About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Online Publisher, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, Cinephile since birth, natural Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial, and Multipotentialite or Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

17 thoughts on “Screenwriting Tips by Roy Iglesias