Hindi nakakain, pwedeng hindi gawin, napagkakagastusan, ang daming prosesong dapat pagdaanan at maaaring ‘di ganoon ka-simple. Pero ganoon pa man hindi maitatanggi na mahalaga ang komunikasyon. Ito ay isang bagay na kayang hamunin ang oras, distansya, kultura, pagkatao at higit sa lahat emosyon.
Sa pagpasok ng modernisasyon, puwedeng nag-iba ang pamamaraan o ginagamit na kasangkapan para sa komunikasyon. Nangunguna na rito ang paggamit ng social media sites na resulta ng siyensya at teknolohiya upang magbahagi ng kaalaman, kasiyahan at mga inspirasyon. Ito ay parang apoy na puwedeng mapag-alab sa iyong mga kamay. Puwede makabuti o makasama sa iyo at sa ibang tao kahapon, ngayon at sa hinaharap. Kanta nga ni Joey Ayala, ang lahat ng bagay ay Magkaugnay.
Dear Diary,Dati-rati lagi akong nakakakapagsulat sa iyo ng kung anu-anong kwento’t paniniwala ko sa buhay. Ikaw ang nakakaalam ng kung ano ang mga pinagdaanan at nangyayari sa akin. Wala rin kasi ako mapagsabihan at para bang lagi akong nag-iisa. Hay! MJ
|
What’s on your mind?Ngayon, hindi mo na kailangan ng super power para ispelingin ang naglalaro sa isipan ko. Ako na mismo ang nagsi-share nito sa ibang tao. Kung friend kita sa Facebook, Twitter, Pinterest, Plurk at iba pa. At hindi lang ‘yan simpleng text dahil may naka-attach pang photo, video or both. -Hoshi like·comment∙share |
Dear Ate, |
Sorry kung halos hindi ko na maalala kung kailan ako sumulat sa iyo gamit ang yellow pad paper. |
Hindi mo na tuloy napa-practice ang pagbasa ng aking Nene’s font style. Hindi ko na rin alam kung |
may available pang blank tape na magagamit ko para mai-record ang aking malamyos na boses na kapag |
pini-play sa cassette player mo ay garalgal na with matching tahol pa ang aso. |
Love-Love, |
Nene |
P.S. Natago mo ba ang mga pinadala kong cards and art works? Baka kasi matagalan bago ko masundan |
‘yon. Dami ko na kasing pinagkakaabalahan pero susubukan ko ulit gumawa ulit for you. |
Instapost
Instant na nga ang balitaan ngayon dahil hindi na kailangan nang matagal na hintayin sa sulat dahil pagpasok kaagad ng nakakatuwa o mahalagang balita ay kay dali-dali ng i-post. Hindi na rin paisa-isa dahil sa ilang click lang ay naka- share, mata-tag, mare-recommend na ang iyong info o status kahit kanino.
Post by Hitokirihoshi
Like·Tweet∙Share
@Ate Maricel, @Ate Malot @ Ate Mary Ann @ Kuya Max
May emergency text ako from Nanay!
4 Shares (@kuya Marlon, @kuya Jun-Jun @’te Vic, @ate Medz, @Nanay)
Ang Photo…
sa album o frame
kahit malabo sa unang tingin
Ang ilaw ay kay dilim
At kahit ‘di na maaninag
Ang taong nasa gilid
Pagtiya-tiyagaan pa rin
Dahil nasa litratro ang
Taong nasa malayo
At malapit sa puso
…na in-upload
kahit anong kuha
naka-postura
kuha sa sarili
naka-istambay
kunwari ‘di alam
Cinematic ang background
o parang pang-ID picture lang
ang mahalaga makita nila
masabing okay ka sa comment
at mapa-like sa iyong trip.
Audio |
Video
|
Dati: Gagamit ka ng cassette recorder at magsasalita ka ng matagal. Sagarin mo na hanggang side Bpara sulit ang dating sa kanilang makikinig. | Dati: Masuwerte ka kung may video camera ka. Uupo ka sa harap nito na parang may state of the nation address para sabihin sa mahal, “I love you mwah-mwah.” |
Medyo dati: Para mas astig sasamahan mo na rin ng kantahan ang recording. Puwedeng sabayan ng gitara o kaya naman ng music sa multiplex. | Medyo dati: Papatalo ka ba sa napapanood nila sa MTV dapat ikaw rin magso-showcase ng galing sa performing arts. Dapat makunan ang sayaw sa school, kantahan sa fiesta o speech mo sa kasal ni bestfriend. |
Kailan lang: daming pagpipiliiang gadgets na puwedeng pang-record at kasama na d’yan ang mobile phone. | Kailan lang: marami na ang puwedeng ipang-record na kahit mobile phone at digital camera ay puwede nang pangkuha ng iyong music video at short na independent film pa. |
Ngayon – Ang maire-record na audio, video o audio-video presentation ay maaari mo ring ipakita sa iba. Puwede ka ng mag-upload ng video sa kahit anong social media lalong-lalo na sa Youtube. Hindi mo na nga rin kailangan mag-record dahil kahit “live streaming” puwede basta naka-online sila at puwedeng maka-chat. Maaari na ring maging sensation, magpasikat, sumama sa trending topic at manguna pa sa mga flash report at mag-retweet inspiring quotes kaagad sa mga followers.
|
Pingback: My 10 Blog Events in 2012 « kwento't paniniwala ni hitokiriHOSHI
Pingback: PEBA Awards 2012: Blog Entry Finalists | Patnubay Online
ang ganda ng gawa… iba talaga nagagawa ng social media ngaun!!!
Maraming salamat axl powerhouse!
At oo naman iba talaga ang power ng social media. sayang kung hindi natin magagamit sa maganda.
mabuhay!
dahil sa social media ay naging best friends tayo
yuck
nyahaha
yuck talaga! hehehe
hi MGVDR and welcome dito sa Hoshilandia jr!
naku true ka dyan. I think iba pa rin talaga ang dating ng photo na naka-print kaysa dun sa digital at naka-post parang naging mas special. Although pagdating naman sa mga social media mas naisi-share mo ng “wholesale” hehehe!
try mo i-scrapbook ang mga pics ng baby mo, matrabaho at medyo magastos pero nakakatuwa.
Mabuhay!
Ang sarap naman sariwain kung gaano naging instrumental ang lumang technology sa buhay natin. Kung iisipin mo parang mas maganda pa nung time na ang camera eh ginagamitan pa ng films (magastos nga lang) kasi nandun yung excitement sa pagpapa-develop, at hindi rehearsed and retokado ang mga shots. Yung spontaneity sa moment is alive, ke panget ang angle itatago mo pa rin ang printout kasi mahal magpa-develop at yung paglalagay ng photos sa album is another moment to cherish. Ako nga, yung pics ng anak ko wala sa album at I need to act on it soon to at least make the memories tangible kasi pag nag-crash si PC at needed i-reformat, goodbye sa mga fun memories.
nakaka miss na nga ang lumang paraan. pero puede pa namang balikan. sana makareceive uli ako ng snail mail. pero siguro dapat, mauna din tayong magsend. gawa nga tayo, snail mail day. 😀
oo nga, ginagawa ko yan e early this year. nagpadala ako ng snail mail sa three virtual friends ko. 2 bloggers at isang nakilala ko sa facebook. nagpadala ako ng thank you letter. hehehe!
sige pag sinimulan mo, join ako!
hahaha. sige. babalitaan kita. Ang problem ngayon kung siguro kung virtual friends lang baka hindi nila ibigay ang address. for security purposes. hehehehe
ayun lang. eh paano kung buhayin natin ang PO Box? hehehe
Hoshi wala ka pa rin don sa voting list, sayang baka marami nang naghahanap syo para iboto ka, nkpg fb na b kayi ni zyra, anyway hope everything’s okay. 🙂
nakapag -FB na po ako sa kanya at nakapagpalitan na kami ng email. Napunta nga raw po talaga sa spam yung email ko.
naipasa na rin daw po nya sa PEBA yung concern ko o para mapa-verify yung email ko. so wait na lang din ako. sana nga mabigyan na nga rin ako ng feedback.
Salamat po sa inyong concern sobrang sa inyo ako nakakakantanggap ng info kung nandoon na yung entry ko.
masa-Sad ako kung hindi makapasok pero kung hindi okay lang din, sa comment pa lang ninyo at ng ibang makakabasa masaya na rin ako. Suporta ko na rin ito sa PEBA.
whatta post! 😉 nakaka-aliw as always hehehe love it!
salamat-salamat! Mabuhay!
buti hindi mo nakita yong super error. kaka-edit ko siguro sa mga table. hayun nawala ang ibang laman. huhuhu!
Hoshi salamat talaga sa social media, kita mo ngayon, tayo rin ay magkaugnay 🙂 mukhang malapit na tayong magkita a #excitedsadec15
Good luck sa mga lahok natin!
wahhh kuya kong hindi ka nag-comment hindi ko makikita na ang daming error. hindi ganito ang in-upload ko kagabi. hohoho> pero at least na-correct ko na.
oo nga may chance na tayo mag-meet in person. good luck sa ating mga entry.
super like tweet-tweet mabuhay!