Hindi mahirap sumakay papunta pero pagbaba ko pa lang somewhere far from Robinsons Starmills ay kinondisyon ko na dinumog ang Giant Lantern Festival [2012] ng San Fernando, Pampanga. Sa dami nga ay hindi na nagbaba ang mga bus sa mismong venue at hindi ko rin alam kung saan ako lulusot, ang giant ko pa naman.
The Competition and the Winners
Maganda at smooth naman ang takbo ng GLF, may mga blue, yellow and other color zones para sa audience at sagana sa mga usherettes na mag-a-assist. Natandaan ako nung nagbigay ng ID [ nag-apply ako ng pass media/blogger pass] ko, at buti nakahabol daw ako. Pareho kami ng wish, apir!
Kung may pasaway na siguro ay ‘yong mga deadma sa puwesto ng iba at lakad nang lakad sa harapan ng mga kamera. Gusto ko ang casual na hosting ng lalaki at formal introduction sa bawat lantern makers. Mahusay na may dating na pang-masa, pang-local turista at maging sa mga foreigners.
Dahil sa nakausap namin at nakita ko ang preparation ng lantern ng Sta. Lucia at sila ang namumuro na maging grand slam winner, espesyal na para sa akin ang grupo. Pero sa bawat lantern na kalahok ay talaga pa lang kaabang-abang na ang kanilang mga pasiklab.
Nakakabilib ang pasok ng mga ilaw, ang musical score at ang pagbuo ng mga pigura. Mayroong naglagay mismo ng picture ng isang bata (Brgy. Calulut), hati ang kulay sa gitna at parang bricks. Kanya-kanya kaming bet ng mga kasama ko na sina Oliver at Jube na in fact lahat ay pasok sa top 3. Nagustuhan ko ang San Jose dahil sa pagka-rock ng pasok ng pagbuo ng mga pigura bukod pa sa ma-star , tapos nagustuhan naman ni Jube ang Brgy, Telabastagan na actually nagustuhan ko rin at maraming pumalakpak ( mapapansin yun sa video ko) at si Ka Ver naman ang may trip sa Del Pilar. By the way, kasama sa mechanics ng competition ang time limit sa bawat presentation at may round na kung saan magpapatugtog na kailangan sayawan ng mga lantern. Cool!
Congrats sa mga 2012 winners!
San Fernando Mayor Rodriguez announced the champion
Champion Lantern of Del Pilar
1st runner up Lantern of Telabastagan
Pagdating sa musical score ay gusto ko ang San Pedro at garbo ng Sta. Lucia. Walang halong pambobola, maganda rin ang Calulut, Dolores, Del Carmen, San Nicolas, Brgy. San Juan, Brgy. Sto Nino lalo na kung katulad kita na first time na ma-experience ang manood nito. Ang hirap i-imagine ang hirap at sipag nila sa paggawa ng mga lantern nito na gumagastos talaga sa bulbs at steel bars. Iyon nga lang talaga may 3 bukod tanging mananalo at siguro nagkatalo sa choice ng music na iyong iba ay halos magkakapareho o kaya naman ay halos walang dating.
Brgy. San Nicolas 1 and 2
Brgy. Sta. Lucia
[hana-code-insert name=’Pampanga Travel Book’ /]
Pingback: Delicacies to taste in San Fernando | aspectos de hitokiriHOSHI
Haha! Sorry, di namin nasabi na mejo mahirap talaga umuwi nun. Akshuli, kahit sa may SM na lang kayo naghintay ng mga Genesis or Bataan transit na bus, keri lang. Pero ganun din katagal. Next yr siguro, better na transport or iinform namin kayo ng mga hotel na mura na pwede pagstayan. Ill take your comment for the improvement of the event and for the benefit of everyone next yr. 🙂
Hi kitey! thank you for reading my post especially my suggestion. nasa sm talaga kami that night dun kami unang naghintay. dun din kasi sumakay nung media tour natin kaya kako madali na lang. ibang-iba nga lang nung gabing yun. dun na rin ako nagtanong kung saan magandang sumakay.
Salamat sa iyo at sana nga mabigyan ng action. Para naman din ito sa GLF, one the best experience for me in 2012. Mabuhay sa inyo at sa iba pang bumubuo ng GLF!
Taga dyan si ermats!
mabuhay sa iyong ermats, kamo next year puwedeng maki-fiesta ulit? hehehe
Pingback: My 10 Blog Events in 2012 « kwento't paniniwala ni hitokiriHOSHI
Bakit walang picture? Nag-iimagin nalang guloy ako. hehe
Hi Archieviner and welcome sa Hoshilandia! Mayroong pic pero punta ka na lang sa myphotographics.tumblr.com. sila ang may magandang kuha at kasama ko silang nagpunta sa event.
Video ang mayroon dito pag-click mo.
Thanks and Mabuhay!
perfect tong event na to. sana nakapunta ako kahit sa dreams lang 😉
Hi Phioxee and welcome sa Hoshilandia!
Oo I think makakapunta ka kung gugustuhin mo. one hour lang siya from Manila or sa Cubao Quezon City.
Mabuhay and Merry Christmas!
Panalo ang media pass! Big time! 😉 Hindi ko makakalimutan ang estranded moment natin, mas lalo pa itong naging memorable dahil dito. More power sa Hoshilandia! 😉 Maraming salamat sa paglagay ng link! ♥♥♥
walang ano man saka naghahanap ang aking mga readers ng magandang pic e, so i-link na nga natin sa may magandang link. hehehe
Oo memorable yun, akala ko nasa somewhere-somewhere lang ako sa Marikina or Kyusi.
Mabuhay!
wow! naiimbitahan ka pala sa mga ganitong event. isa lang ibig sabihin neto: you’re up there na olreydi. 😀
Ah nye, nye! nag-inquire din ako Apollo. Pero wish ko rin yan maimbitahan sa iba’t ibang event kahit gastusan ko na ang pamasahe. hehehe
Merry Christmas and Happy New Year!
Naku reyn hindi kinaya ng mga cam ko. kahit siguro okay an battery at memory cards na dala ko, hindi kaya. dapat dslr na siguro. sabog lang dating.
Kaya ito na ang link ng veryjube photographics para mas makita mo ng maganda. hohohoho!
video sagana ako, hehehe click mo lang yung mga link. makikita mo na.
thanks!
Sana may pics 😀