Delicacies or food ang isang yummy sa pagta-travel. At ito rin ang pambatong feature ng iba’t ibang tourist destinations sa Philippines. Iyong tipong hindi lang fun sa eyes kundi “wow” din sa tummy. So ano naman kaya ang mayroon sa San Fernando, Pampanga?
(Invitation! Please SUBSCRIBE to my YOUTUBE Channel for more food and travel tips/stories. Salamat and Mabuhay 🙂

Noong sumama ako sa bloggers and media tour for Giant Lantern Festival sa San Fernando, Pampanga ay hindi lamang paggawa ng malaking parol ang ipina-experience sa amin ng City of Tourism Office of San Fernando. Kasama roon ang maging ang masasarap na food mula sa tatlong kainan sa kanilang probinsya. Unahin na natin ang…
Wil-Fel’s Delicacies
Na-excite ako sa pagpunta namin sa outlet ng Wil-Fel’s Delicacies sa Bantayan, Dolores (beside Dolores Church). Umeksena ako sa interview portion sa manager nito na si Mr. Wilfred Q. Sanga. Dalawang bagay kasi, una ay mahilig ako sa kakanin at ang pangalawa ay interes ko ang money and business matters. Family business pa man din ito kaya nakaka-inspire malaman kung paano nila napalago.
Ayon kay Sir Wilfred, nag-umpisa lamang sila sa paglalako. Nung nakita nila yung chance na magtayo na mismo ng store sa labas ng kanilang tahanan ay doon na talaga bumongga. Nung time na yun, doon na nila naisipan na pangalanan ang kanilang masasarap na kakanin. Kasama na roon ang pagtuunan ang packaging para mas makilala ang kanilang produkto saan man bitbitin.
business lesson: Tama nga naman kung walang pangalan, hindi lamang parang ordinary kundi mawawalan ka ng chance na mas mai-market ang iyong busines. So, go, sa packaging at pagpapa-rehistro sa DTI or SEC (kung big time ka at corporation ang mayroon ka) para maging legal ang iyong negosyo.
Ang kabuhayan din ang nagbigay-daan para matapos sa pag-aaral ang mga anak ng mag-asawang Wilfredo at Felicitas. Homemade lamag ang kanilang mga produkto kaya mas masarap, ika nga ni Sir Wilfred. Syempre ang peak season nila ay tuwing Pasko.
Products ng Wil-Fel ‘s
- mochie – tatagal ng 3 araw sa viaje
- cassava -tatagal ng 3 araw sa viaje
- maja-blanca (tibok-tibok) – (pinakamasarap for me) – isang araw lang ang itatagal
- rice cake – tatagal ng 3 araw sa viaje
Mayroon silang full and half box. Mayroon din daw silang branch, pero kung gusto mong mas makamura ay sa main outlet ka magandang bumili.



Yun oh! Mga kakanin na iyong paborito! Try mo rin yung kulay itim na kalamay, nalimot ko kasi yung pangalan nun. Yun ang pinakamasarap na natikman kong kakanin so far. Sa Tarlac, Betty’s ang nagbebenta nun.
Mukhang nabigyan mo na ako noon dati. at kung tama ang aking alaala at panlasa, masarap nga yon. wahhhh
gusto ko ng kakakanin.
hay naku puro pagkain talaga ang nababasa ko today sobra na cravings ko! sumabay pa ng mga mga kakanin dito anovey! haist!
hehehe sakto talaga! kain na ng kakanin. we love it!
Mahilig din ako sa mga kakanin. Bukod sa masarap kasi, nakakabusog pa agad. Mabigat sa tiyan kahit maliit lang ang kainin. 🙂
Sa mga malalapit na probinsya sa Maynila, ang Pampanga ang di ko pa talaga napupuntahan. Nadadaanan lang pero yung mag-ikot, di ko pa nagagawa. Though alam ko na maraming magagandang lugar dyan. Hopefully, makarating ako diyan at makatikim ng kakanin ng Wil-Fel.
Oo try mo yang tindahan na yan. hindi naman siya sakto na alam mong resto pero puwede kang mag-take home. mas mura lang din. mayroon din sila branch sa DAO at mayroon din ata minsan sila sa SM or Robinson’s sa lugar nila.
Abangan mo pa may 2 pa ako food sa San Fernando, Pampanga na isusulat.
Mabuhay!