Convenient Bills Payment Tips


Billing statementBill Payment is a chore especially for parents or breadwinners in the family. Mas madali atang maghanap ng oras makapamili sa talipapa o mag-shopping sa Galleria o Glorieta  kaysa magkaroon ng time rito.  Paano weekdays bukas ang mga company na ito at during office hours din.

Avoid deadline/due date:

This is a fact. Ang nakakaloka, maraming makareklamo wagas. Sa totoo lang kahit ‘yong sigh o sitsit ng  pagkainip ay nag-a-attract na ng negative vibe. Be patient kung mahaba ang pila at crowded ang area –ginusto moyan eh!

 Pay early  and in the morning

Morning persons or early birds really do a lot of things. Baka nga mas achiever pa sila  sa smart people. That’s also a fact when you pay ahead of others…Walang pila. Ikaw ang mauuna. Tapos na kaagad ang problema. Tuloy ang labada pati na pamamalantsa. Masarap ang luto sa kusina…Pingi akong pang merienda.

 Payment thru Online Banking

I recommend it as one of the easiest ways to pay your bills or contributions- Such as credit cards,SSS, MERALCO, PLDT, Bayantel, MWSS  or more. Naranasan ko na magbayad thru BDO para sa Citiseconline and credit card pero mas prefer ko ang online payment sa Metrobank.  Mas marami kang puwedeng mabayaran nang mabilis na hindi mo na kailangan i-enroll.  Pero remind ko lang din na maging extra careful against pishing, hacking or any online fraud. Better na sa bahay ito gawin using your own computer.

Of course dapat may laman ang iyong bank account bago makapagbayad at dapat i-print ang iyong resibo para sa personal documentation sakaling magkaproblema.

 Paying thru ATM

Hindi ko pa na-experience pero isa itong option. Hindi man paying bills pero when it comes sa easy depositing okay yung ATM ng BPINagde-deposit ako dun kahit weekend maaga o hapon.

Patalastas

 Paying Thru Banks

matagal na itong alam ng iba pero baka hindi mo pa naiisip. Pagdating sa time at place, dito mo maaasahan ang BDO lalo na at may mga branches sila na bukas mula 8am to 6pm, nasa mall at hanggang Sunday.

Bayad Center

Sikat na sikat ito ngayon lalo na’t lahat ng klase ng bills ay puwedeng mabayaran sa isang pilahan.  Ang maisa-suggest ko ay better to find different Bayad Centers in your area. Mas wala sa mall, mas less ang tao… I guess.  Makapag-franchise nga nito. wish!

 Bills Payment in leading Malls

Convenient dito lalo na kung part na ng pagbabayad mo ang paggasta este pagsa-shopping.  Pero I think better itong taktika para makabawas sa pagiging impulsive buyer. Bayad ka muna ng malaki at maraming bills saka mamili-ewan ko lang kung ganahan at makabili ka pa ng madami. Pagdating sikat ang SM.

 Warning

  • Pag may notice of disconnection at lagpas ka na sa due date, better na dumiretso ka sa mismong agency. Kasi ang mga nabanggit sa itaas ay channels lang para mapabilis payment and naglalaan rin sila ng time to process.  Kaya pag paso na sa due date malamang ay naputulan na kayo ng sebisyo.
  •  
  • Sa bawat pagbayad , que online or offline, never ever forget your receipt. Better get it now than regret a hundred  times later.   
  • Follow the standard procedure- kumuha ng form (if applicable) at pumila nang tama. Kung ayaw mong tamaan ng magaling.

Mabuhay!

 



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

4 thoughts on “Convenient Bills Payment Tips