Embracing Digital Lifestyle 18


Digital or electronic na nga lifestyle ng karamihan, mayroon ng E-banking, e-business or e-loading, email at e-wan ko pa sa iba pero talagang halos lahat ata ngayon ay ganyan na  at mas high tech ka pa kung may gadgets ka na magagamit. Ang marami ka ring magagawa sa mahusay na paggamit ng Internet.

At sa ngayon, ang tanong na ay alin ang cool at may mas quality.  Pero siempre malapit sa akin ang mga gawang Pinoy or at least may mga something Pinoy, suportahan taka.

reMINEd – Electronic Sparkbook

reMINEd sa iPhone

Naka-base sa Eastwood, Libis, Quezon City, ang opisina ng AppLabs Digital Studios Inc. na gumawa ng ReMINEd na para sa mga goal -oriented people like me.  May pagka-visual ako kaya  mahilig din akong maggugupit ng mga picture sa mga magazines ng mga pangarap kong bilhin. In fact, mayroon akong sparkbook o ‘yong scrapbook na about achievements and dreams ko.

Puwedeng ang ReMINEd ay sparkbook ko pero techie dahil nasa mobile phone na at helpful para mas ma-achieve ang aking goal.  Mayroon itong Mine Box na storage ng iyong goal. Tas type mo ang name ng ‘yong goal sa first step  ang DESIRE  gaya ng gusto kong tablet, tapos DSLR camera, travel sa South Korea, tsekot, copy/ service center business, at iba pa.

Sunod na noon ang VISUALIZE o pag-upload ng picture. Eh ‘di ba mas nakikita mo ang  itsura at mas specific, mas maaatat kang i-achieve. Siempre sa dami ng laman ng ating kokote, dapat we know din ang chronological order ng mga yan. Ganyan ‘yong  PRIORITIZE sa apps na ito na may level at alarm na nalalaman. Tapos ang ending ay paano i-ATTAIN  o iyong pagse-set ng  amount ng time at money na i-effort mo para makuha mo nang bongga ang iyong goal.

Up to 5 goals lamang ‘yong free  and light version pero nasa $.99 lamang ‘yong may bayad at full version na bahala ka kung ilang pangarap ang gusto mong pangarapin.

Zinio –  digital magazine store

Speaking of magazine, siempre wala akong magugupitan kung first and foremost ay hindi ako mapagbasa n’yan. Nag-start ako noong high school dahil ang ate ko mahilig sa Star Magic Talents at crush na crush n’ya ata si Rico Yan o John Prats. Pero ngayon, kung hindi man palagi pero halos isa na lang binabasa ko ang Entrepreneur Magazine tas occasionally, MoneySense.

Nitong taon na-encounter ko ang Zinio na largest newsstand daw online dahil kung hindi ako nagkakamali ay 350 magazines ang mayroon sila. Digital version ng mga magazines na karamihan ay mabibili sa ibang bansa.  Nagtanong ako sa kanila kung mayroon bang silang magazines na pang-Philippines  and  mayroon silang local version ng Cosmopolitan, Elle, Esquire, FHM, Good Housekeeping, Women’s Health , Men’s Health at ang  binabasa kong Entrepreneur Magazine.

May nabasa nga ako na isang comment sa isang event ng Entrep Mag na kung puwede ‘yong digital magazine niya from Zinio ang kanyang ipakita para makapasok sa event. Okay naman daw sa organizer.

Naisip ko rin yung benefits ng digital magazines:

  1.  Less trash. Lalo na kung tapos ka ng gamitin at nakuha mo na ang dapat mong matima sa magazine.
  2. Convenient.  Goodbye bulky bag, aching shoulder and finding your own space.  Kung nasa favorite gadget mo na ang soft copy nito, kahit saan ka magbasa. Go!
  3. Cheaper.  Siempre may I check ako sa price. Ang entrepreneur mag nila ay nasa $12.50 for 12 issues na kung iko-convert natin sa peso Php 41.5 (for example) ay papatak itong Php 518.75. so every issue ay halos Php 43.25 each. Eh ang hard copy na nabibili ko ay Php 125 current issue tapos yung back issue 150 for 2 layo ng difference di ba?

Heto pa, for this holiday season may 50% off pa sila na magla-last hanggang January 7.  Ito yung LINK

special offer nila

Iyon ay bukod sa mayroon din silang laging promo and contest gaya na rin ng My Zinio Holiday Sweepstakes na ang prize ay iPAd Mini. Kung trip mong sumali punta ka RITO.

Holiday giveaway

 

Online convenience

Of course bukod sa mga ‘yan, ay super endorse ako ng online banking  for your convenience lalo na sa pagbabayad ng bills at even contributions like SSS (dito magaling ang Metrobank). Kasama na d’yan ang pagpapa-appointment sa mga government agencies gaya ng pagkuha ng

Passport ng Department of Foreign Affairs –  dito oh

NBI Clearance

O kaya check ng iyong contributions sa SSS

 Pag-IBIG Fund (https://www.pagibigfundservices.com/)

 Philhealth 

 

 Happy New Year my Ka-HOSHILANDIA ! 

 


About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Online Publisher, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Technopreneur, frugal Traveler, Cinephile since birth, natural Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial, and Multipotentialite or Yuccie? Common socialize with me!


Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

18 thoughts on “Embracing Digital Lifestyle