11 Places to Visit in South Korea IV


Coffee Prince cafeOkay ito na ang pang-4 at last part ng aking blogserye/ series of posts about my tour in South Korea  noong June 12-16, my first ever out of the country trip. Sa tingin ko iba-iba naman talaga ang tabas ng bawat trip que malayo o malapit. Maraming factors para maging masaya, smooth, invigorating and  valuable pero malamang sa hindi nag-uumpisa ang lahat sa pagiging patient and open-minded.

For recap, here are my posts about South Korea:

7 things to remember in visiting or staying in Seoul

Part 1 – Nami Island ( main filming site of  hit series Winter Sonata), Teddy Bear Museum ( a special feature in Princess Hour), and Lotte World Adventure ( kung saan makikita ang pamosomh tsubibo sa Stairway to Heaven)

Part 2 – Namsangol Hanok Village, N Seoul Tower ( Heart Chair & Love Padlock), and National Palace Museum of South Korea

Part 3– National Folk Museum of South Korea, Seoul Global Cultural & Tourism Center ( to wear Korea’s traditonal costume for free), Myeongdong Market, and Myeongdong Cathedral.

Coffee Prince 1st Shop

May pagkamahal ang inumin dito at medyo malayo para matunton (in fact  naligaw kami sa kakasunod sa mapa). Magaling ako sa tanungan at pagpunta ayon sa ala-ala so gustuhin ko man ituro paano papunta roon sa blog, eh maiigi isama n’yo na lang ako. hehehe. Pero let me try, ‘pagbaba mo sa Hongik University station exit 4 . Playground in SKDiretso ka sa likuran lang nito at tuntunin mo ‘yung may playground na ito

Patalastas

na kung hindi ako nagkakamali ay baka isa sa shooting place ng Mary Stayed Out Last Night starring Moon Geun Yong at Jang Geun Seuk. Pag nakita mo yung playground kuman ka rito at pagdating mo sa kanto makikita mo itoP6130320

pero hindi ka sa direksyon nyan pupunta. Tatawid ka lang sa kaliwa tas diretsuhin mo hanggang  deadend ( na wala ka ng didirestsuhin  kundi kumaliwa o kumanan). Doon may nakikita kang isle ng parang playground din.  Tawid ka sa kabilang part at kumaliwa ka.  Kakanan ka sa Wausan-Ro

P6130319Pag nakita mo ito sa Wausan -ro

dire-diretsuhin mo na hanggang sa dulo. Bago ka pa makarating sa kanto dapat nakita mo na sa kanan mo ang Coffee Prince Shop.Coffee Pirnce 2

Kung  fan ka ng series top billed by Yoon Eun Hye and Goong Yoo,  paghihirapan mong makapunta roon at humigop ng kape.  Kung iko-convert naman ang ₩7000 na ininom ko ay papatak na Php 264. Mahal kung nasa ‘Pinas ka (ito na rin ang pinakamahal na isang basong kape na natikman ko sa earth) pero kung nandoon ka na palalampasin mo pa ba? Choice mo na ‘yon.

 

Incheon International Airport 

Ang world-class at award-winning na airport na ito ay masasabi na ring tourist spot. Una wala kang choice kundi magliwaliw dahil dito ka dadaan, interesting ang pag-subway mula sa nilapagan ng eroplano hanggang sa mismong tanggapan sa airport,  malawak ito, malinis at marami ka ring makikita  bukod pa sa alaga rin naman nila ang mga foreigners.

Kakabahan ka lang dahil  baka di mo alam kung saan lulusot pero promise sagana sila sa mapa, convenient stores, at information desk. Marami na ring na-shoot na series dito -alam mo yung aalis yung lead actor o actress tas kung kailan naman na last minute na ay saka maiisipan ng isa na kumaripas ng takbo sa loob at parang aligaga na maghahanap.  Pati anggulo ng kamera, hilo na rin tapos may 3 puwedeng results:

1. slow motion – hindi nagkita yung 2 bida dahil nagsalisi sila

2. slow motion ng pagsasara ng door – nagkita ang 2 bida pero  napagsarhan na ng pintuan yung humahabol

3. fast, close-up sa bida then iikot ang kamera sa kanya (dolly with pan) tas pag stop nasa likod pala nya ang ka-tandem nya.

hehehe!



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

5 thoughts on “11 Places to Visit in South Korea IV

  • Hitokirihoshi Post author

    hmm pareho tayo ng favorite kape, hayaan mo malay natin may event ang Kopiko at bigyan nila ako ng isang box ng kape
    hindi na rin ako gaanong updated sa Korean series, in fact yung mga alam ko ay sobrang noong 2011 pa ata. baka yung iba hindi na rin alam kung ano ang Winter Sonata and Coffee Prince. behhh na lang sa kanila! hehehe!
    hindi ko ma-compare kasi hindi pa ako nakakapunta sa iba pang bansa pero nung umuwi na kami. doon ko na-realize na pagka-mahal nga rin. pero at least, ang South Korea talaga ang isang bansa na gusto ko mapuntahan. so quever na lang siguro sa halaga, priceless ang experience di ba?
    Sayang gusto ko mag-workshop na mga ganyan pero kahit siguro may makita ako at nasa language nila ah eh sige uwi na muna ako, hintayin ko na lang ma-dub sa Tagalog. Hehehe!

    Mabuhay!

  • sasaliwngawit

    hello, hoshi… ang ganda ng theme mo, ang linaw. btw, dito, may pakape? hihihi. oks na me sa 3 in 1, kopiko brown, go na… 🙂 salamat sa pagsilip sa site, ha…

    kakaaliw, nakagala ka talaga sa South Korea, ikaw na… medyo mas mahal daw? than Singapore or Thailand, senga? pero, pero, napanood ko dati ang coffee prince and a few more Koreanobela, hakhak. di ako nakakanood lately, though. ikaw, parang updated pa, kainggit lang, hahaha…

    btw, sa Korea raw, marami workshops sa scriptwriting and filmmaking, magaganda… supported daw ng government nila ang industriya, o, di ba? btw, P264 – mahal nga, hihihi. at least, nakita mow, cool!. 🙂 hope things are well with you these days…