my 6-year old red eco bag
Every week or every weekend maaaring nagsya-shopping o naggo-grocery tayo ng ating pangangailangan sa bahay. Pagkain, tissue, noodles, dish washing liquid, detergent bars, cooking oil o kaya isang dosenang salted eggs. Noon prenteng-prente ka na pupunta ka na lang sa mall na wallet at mobile phone lang ang iyong dala. Ngayon dapat nang magdala ka na rin ng eco bag or grocery bag.
Save More Trees!
pambalot- made in Japan, palaman- made in Quiapo
Kapalit ng plastic bag o cellophane ika nga nila Lola, ay tinatyaga ng mga pamilihan na gawin itong paper bag. In a way, mas okay ito sa plastic dahil biodegradable ito pero, ilang puno naman kaya ang magsa-suffer? Paano naman ang mga mabibigat at basang items?
Ito rin ang dahilan ko kaya ‘pag nagreregalo ako ay recycled magazine o gift wrap ang aking pinipili. Oo, mukha ngang cheap pero gusto ko lang ipursige na wrapper pa lang may statement na ako (hahaha ako na ang defensive).
Saka sisirain naman pagkatapos mong paghirapan, lagyan ng packing, masking or electrical tape with red ribbon pa ha! (paawa effect).
Take it as trick to Save Money
I agree na dapat may fee ang paggamit ng plastic. It’s a way to discipline and encourage buyers to bring eco bag every time they buy. At para naman sa mga isda at mga wet things automatic naman na dapat naka-plastic. Unless siguro, makipag- tie up ang orocan at tuppwerware.
Apart din sa pagse-save ng ilang piso ( 2-10 pesos), isang trick din ang pagdadala ng grocery bag para malaman mo kaagad ang limit na iyong bibilhin. Alam mo na kasi yung laki nito at kayang pasanin ng balikat mo. Unless din na kung marami kang grocery bag.
Alam mo ba noong nasa South Korea kami, isa pinanghinayangan kong hindi dinala ay ang aking pinakatatanging sako bag? Sos puwede naman palang ipang byahe iyon at malamang mas marami pa akong nadalang cc cream, facial mask. noodles at kimchi. Ay hindi nga pala ako nakabili ng Kimchi.
Be Automatic, Save Time
Pag ang isang bagay automatic as in snap of fingers ang peg, madaling natatapos at nakakabawas ng abala. May pagka-sensitive ako sa iba lalo na pag masyado ng humahaba ang oras na nako-consume ko. And minsan ay in the end, pagsisihan ko rin na kakamadali ko hindi ko natse-check nang maiigi. Pag namili ka at may bag ka wala ng tanong-tanong halos.
Isa lang ayaw ko minsan sa ilang cashier ( mga thrice pa lang naman) na hindi inaayos ang paglalagay. Alam mo yung pwede pa sanang isiksik, hindi ginagawa at basta pinaghahalo-halo ang mga kabagayan.
Pingback: The Colorful Loom Bands Phenomenon
Lagi namin dala ang eco-bag pag nagggrocery. Bukod sa bawas hassle at madaling bitbitin, masyadong low quality ang paper bags na ginagamit ng mga groceries ngayon. sana man lang gumaya sila sa SM na may biodegradable plastics na ginagamit na tingin ko mas kapaki pakinabang pa kasi nagagamit pa naming trash bag pagkatapos at hindi rin nagcoconsume ng mga puno na ginagamit para gumawa ng paper bags.
tama ka dyan, parang mapapaisip ka rin talaga kung sulit ang paggamit ng low quality paper bag- though lagi kong naalala ang mga lumang Tagalog films dahil dyan. yung tuwing sahod may dalang pansit na nakalagay sa brown paper bag. hehehe
At madalas yung pansit ay pasalubong sa nanay na may sakit. pagkatapos pagdating, wala nang malay at pumanaw na. hahaha. parang drama lang ni ryzza. laging ganon ang eksena. di na umabot ang paboritong pansit ni nanay.
hahaha, dahil dyan appear tayo! We know Tagalog films so well!