Maaaring marami sa mga turista sa South Korea ay nahalina na magpunta roon dahil sa mga Korean series na sikat sa Pilipinas. Once na naroon ka na, mas maa-appreciate mo ang kanilang kultura at bakit kayang-kaya pa rin nila gumawa ng epic series gaya ng Jewel in the Palace. Isa pa mayroon sa mga tourist spots na nila na Admission Free.
part I? Balik ka rito Places to Visit in South Korea
part III? forward ka rito Tourist Spots to Visit in South Korea
Namsangol Hanok Village
Masarap magpunta rito dahil unang-una ay FREE. Dito makikita ang mga traditional houses ng mga Koreans nung Joseon dynasty, plus lagi ring may mga activities. Ang makalumang village na ito ay binubuo ng mga pamamahay nina
- Carpenter Yi Seungeop sa Samgak-dong,
- Gim Chunyeong sa Samcheong-dong,
- Min Family sa Gwanhun-dong,
- Yun Taekyeong sa Jegi-dong,
- Yun Family sa Ogin-dong
at iba pang structure na kinuha mula sa iba’t ibang lugar ng South Korea. Maliban sa mga nabanggit, mayroon din Traditional Craft Exhibition Hall. Nakakatakot pero nakaka-amaze magpa-picture sa mga ermitanyong Koreans sa loob nito, na malapit sa gumagawa ng Talisman.
Kung mahilig ka sa ancient house architecture ito na nga ang destination for you at hindi ka rin naman mababato dahil maraming tao na karaniwan ay bata na ang ku-cute. By the way, dito ko rin nakita anf traditional wooden back pack nila na mukhang mabigat pero magaan lang pasanin.
N Seoul Tower: Love Padlock/ Heart Chair
Hindi ko alam kung tama ako pero I think isa sa highlight ng series na My Girl starring Lee Da Hee at Lee Dong Wook ay sa N Seoul Tower kinuha. Gusto ko rin mapasok sana ito kung may pagkakataon pero okay lang din kung hindi. Iisang area lang ito ng Teddy Bear Museum na siyempre mas pinili namin kasi mahilig kami sa trak-trakan (charr!). Ang entrance fee dito ay mababayaran sa Observatory deck o loob ng N Seoul Tower.
Kung hindi ka interested to view the ibaba from the top, gaya ka na lang din sa amin na lumigid-ligid sa mga Heart Chair and Love Padlock area. Ayon sa kanila (kung sino mang partikular na Korean), ang Heart chair o N-Sarang Gom ay nakakatulong sa dalawang shy-type na couple na magkalapit. Samantala ang Love Padlock naman ay token of eternal love daw at symbol of commitment and love.
Dahil wala naman akong kasama na lalandiin ko este puwede kong i-couple, puro patawang dedikasyong pagpa-padlock na lang ginawa ko. Hehehe. By the way, mas nalaman ko ang area na ito dahil sa rom-com Thai Film na Hello Stranger starring Chantavit Dhanasevi at Nuengthida Sophon.
National Palace Museum of Korea
Sa lahat ng napuntahan na sulit na sulit ang aming ibinayad, ito na ang National Palace Museum of Korea. Sa laki kasi, ang tindi nang pagod namin sa kakalakad. Sakto din ang istasyon na babaan mo para makapunta rito (forget ko na yung name). Hindi rin ganoon kamahal ang aming ibinayad para makapasok sa Gyeongbokgung Palace. Marami pang ibang palace sa paligid bukod dito. Kaloka ang lawak nito ng lugar nito. Kung i-imagine ko nung panahon na may mga kawal dito, hingal na hingal na bago pa makarating sa paanan ng Hari o emperor.
Hindi ako fan ng mga epic series hindi ko alam kung alin ang nai-shoot na rito. Pero baka Jumong, Jewel in the palace, Queen Seondeok or The Legend.
Pingback: 11 Places to Visit in South Korea part 1 - aspectos de hitokiriHOSHI
Pingback: 11 Tourist Spots to Visit In South Korea part 3 - aspectos de hitokiriHOSHI
Pingback: 11 Places to Visit in South Korea IV | aspectos de hitokiriHOSHI
tama ka hoshi ako ay nanalangin na may mailagay na padlock sa puno na un….teddy bear museum ako nag enjoy nang sobra siguro dahil mahilig ako sa mga bear simula pa nung bata ako….
talagang walang kagatol-gatol mong sinabi yan ah. yeah mangyayari yan sa atin.
mabuhay and more power!
wow..korea is one of the places na gusto ko talaga puntahan.. :))
Hi Nix and welcome sa Hoshilandia!
makakarating ka rin dyan, abang-abang lang ng promo o matinding preparasyon. ako rin hindi ko alam na makakarating ako dito.