When I was a blogger without blog
More than a month nang mawala ang aspectos de hitokiriHOSHI, a personal blog magazine where I feature my discoveries or lessons especially sa business, finance, arts, entertainment, work, travel and food. Ito ay isang way ko ng pagbabahagi ng aking sarili at public service sa ibang mambabasa na baka dumadaan o dadaan sa mga tinatahak kong landas. Kaya naman nung ako’y maging blogger without blog…
Blog in my other blog
Before maging suspended, ang problem ko sa Hoshi Jr ay time. May isang regular visitor pa nga ako na nagsabi na check ko naman ‘yong mga errors/typos ko. Siguro dahil padalang na ng padalang ang tama ko, wahahaha! What I do kasi ay post ng diretso then bahala na kung kailan ma-i-edit, which is sort of being irresponsible and non-friendly sa aking mga followers (ganun talaga). I’M SORRY! Eh next pala, nganga nawala sa ere ang blog.
Good thing may isa akong blog for my thought. Thank you sa kwentotpaniniwalanihitokirihos
Part time!
Ayos din ano wala na ngang time, puma-part time pa. tama naman kasi ang kasabihan na when one door closes another opens with a bang… bang! And minsan basta kaya pa naman ng katawan at oras, gusto ko ang busy kaysa wala. At mas gusto ko ang maraming interes kaysa iisa lang parati. kaya nga aspectos di ba? Warning, dapat lang malaman mo ang mag-focus at maglaan ng oras sa mga bagay-bagay. Dun ako sablay minsan, nawawala sa limit ng oras lalo na pag kaharap ang Hugh, my. lap. top.
Study: adding investment portfolio
Gusto ko balikan ang Mutual Fund and this time mas gusto ko alam na alam ko na. Hindi naman ako nagkamali sa aking investment sa BDO EIP, kailangan ko lang i-pull out for personal reason. Then apart dyan may nakita ako na business worth 15,000 na may kinalaman sa laglag piso surfing-surfing the net ang drama. Sa ngayon, nasa mutual fund and pagkuha ng memorial or life insurance ang drama ko. Sana lang ma-hit ko ang quota ko for my Emergency Fund this year para masimulan ko ang mga ito at tuloy-tuloy na.
Cleaning Up My Mess
Literally, kailangan ko pa ring linisin ang aking Orange-Purpe Nassau na puno ng papel, libro, magazines, pictures, scrapbook material. Ewan, naghalo na ata ang pagiging sentimental, masinop, thrifty, artsy patsy, busy at ahmmm laziness ko kaya hirap na hirap ako maglinis. sana lang mas maigi na ito sa next day off ko.
basta ang target ko ay to put out yung mga hindi kailangan , ipa-repair ang sira at recycle!
Re-assessing my Role/ Family Budget
wahhh lalim ano?! ganito kasi, kapag may isang aalis ay hindi lang emotional issue ang concern mo kundi yung gagawin mo to fill the gap. Right now, yung budget ko for things ay kailangan kong i-adjust. Then, honestly ayoko dumating sa point na ma-feel ko na desperate ako or napaka-irresponsible. Gitna na lang desperate irresponsible wahaha!
Siguro to cut it short, ayon sa aking thought bubble (kita mo?) give what you can give basta taos sa puso. Then take it slow and have your me time. Hindi mo kailangan ika-guilty ang lahat ng bagay, kung wala ka naman ginagawang masama.
Mabuhay! Welcome to my Hoshilandia!
Welcome.. back? hehehehe. ano nangyari? sorry, nawala rin ako sa sirkulasyon at medyo naging madalang ang posts ko nga sa mga nakaraang linggo.
By the way, ako rin nagfofocus na uli sa investments. And by the way, licensed financial advisor na rin ako dun sa pinagkunan ko ng insurance before kasi andami ko na rin nairefer dun sa dati kong advisor, naisip ko na bakit di ko subukan maging advisor mismo? So just in case, email mo lang ako ha 😉
Yun something happened bigla sa webhost namin then may na-infect na mga files. sa ngayon iniisa-isa kami linisan at nagpauna na ako hehehe.
hmmm why not maging guest po kita rito ng malaman natin yang financial advice mo? what do you think?
sige madam hoshi. pag hahandaan ko yan 🙂 Salamats!
Mabuhay, excited din akong matuto lalo na when it comes sa finance.