Inviting Arts & Crafts and Book Sale


Because everyone is so excited na sa Christmas season, sunod-sunod na rin ang cool and irresistible sale. Ilan sa inviting promotions ng aking nahagip ay ang Art & Crafts fair at 10 Alabama Street, Warehouse Sale ng National Book Store, at Book Sale ng Adarna House Publishing. 

Syngkit & Yeng with CEO Femi

Syngkit & Yeng with CEO Femi

Handmade Art & Crafts Fair

Ngayong araw (November 10) ang second & last day ng Arts & Crafts Fair na matatagpuan sa  bahay na may address na 10 Alabama Street. Mababagtas ito through E. Rodriguez at malapit lamang din sa Tomas Morato.

Ito ang gusto kong klase ng fair kasi (ako na!) very artistic, unique yung mga items na bibihira na may makakatulad kang magsusuot, may mga  items na gawa sa recycled materials (which I really like), sakto lang ang presyo at hindi intimidating ang presentations. Siyempre dapat bisitahin n’yo ang GawaniFemi at sana magtinda rin ang gusto kong JunkShop Abubot.

Aginaldong Adarna: Book Sale up to 65% off

Una kong naiisip dito ang aking mga pamangkin pero aminado ako na mahilig din akong magbasa ng mga Children’s Books.  November 15 to December 20  (from 8am to 5pm )ang kanilang book sale sa kanilang showroom sa 109 Scout Fernandez corner Scout Torillo Streets, Barangay Sacred Heart, Quezon City.Adarna House Books

Pero  mas masaya na magpunta sa December 7  dahil sa araw na iyon ay magagaganap din na Book Signing (2-5pm) ang mahigit 30 book author and illustrator gaya nila May Tobias-Papa (100 Questions Filipino Kids Ask Volume 2 at Araw sa Palengke), Rhandee Garlitos (Chenelyn! Chenelyn! at May Higante sa Aming Bahay), Russell Molina (Ang Madyik Silya ni Titoy  at Sampu Pataas, Sampu Pababa), Sergio Bumatay IIINaku, Nakuu, Nakuuu! at Tight Times), Jordan Santos (Ibong Adarna) at Kora Dandan Albano (Alamat ng Ampalaya; Ang Tikbalang, Kung Kabilugan ng Buwan;  at Si Pilandok storybooks).

Ang maganda pa nito ay may libre ring Pambihirang Buhok ni Raquel notebook. For inquires, here’s their contact information: (632) 352-6765 / adarnahouse@adarna.com.ph

National Book Store: Warehouse Sale

Dahil na-experience ko na ito,  hindi ko maatim na palagpasin. Hanggang 80% ang bagsak presyo ng kanilang mga libro na karamihan naman ay good quality pa.  I recommend it dahil mas mura yung mga school or office supplies then maganda na magregalo ng libro sa mga bata kaysa laruan.

Patalastas

Ang kanilang Book Sale ay tatakbo mula November 14 to 19 pero may preview sale sa November 13 na yun ang tina-target kong puntahan. Doon ko kasi magagamit ang kanilang laking national card and siguro naman hindi pa ganun kadami ang tao at mauuna ako sa  magagandang item. Hehehe!



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.