Why Filipinos Need to Rebuild Visayas Cultural Heritage?


Nagdaos ang National Commission on Culture and the Arts (NCCA) ng isang media conference tungkol sa ongoing assessment program ng  UNESCO, ICCROM, ICOMOS, and the National Museum sa Visayas Heritage Structures.   Noong time na iyon ay nasa early phase pa lamang ang grupo  sa kanilang report na may kinalaman sa earthquake sa Bohol at super typhoon Yolanda. Pero kahit di pa sabihin pa ang kanilang sentiments, the photos alone ay makakapagsabi kung gaano katindi ang pinsala at anu-ano ang kailangang i-rebuild.

Mr. Moussa Elkadhum (Head of UNESCO, Manila Office)

Why We Need To Stand Up again 

Kasama sa media conference sina Mr. Stephen Kelly , a UNESCO (United Nations Educational Scientific and Cultural Organization) Expert-Tangible Heritage, Ms. Aparna Tandon of ICCROM (International Centre for the Study of the Preservation and Restoration of Cultural Property) at Dr. Vellorimo Suminguit (UNESCO-ICH Expert ). Bawat isa sa kanila ay nagbigay ng detalye ng kanilang mga nakuhang inspirasyon. Pero ang pinakanaantig ako ay ang report ni Dr. Suminguit (Intangible Cultural Heritage or ICH) dahil sa naipa-realize niya sa akin yung tindi ng epekto ng mga sakuna sa bawat Boholano at Waray.

Agree rin ako na isa rin sa mahirap ibalik ay ‘yong spirit na ipagpatuloy pa ‘yong namana mong kultura at tradisyon lalo na kung ang inspirasyon mo pa ay mawala.  Oo nga naman paano ka pa magpi-fiesta, magku-cultural show o kahit na gumawa ng ritwal kung bagsak ang feelings mo.

Loss of Symbol & Physical of Security

Isa pang mahalagang part ng findings n’ya ay yung Loss of Symbol of Security. Marami sa ating Pinoy ang matindi ang pananampalataya.  Kapag may kasiyahan at pagsubok ang puntahan natin ay simbahan. Pero  paano kung  ang kaisa-isang mong sanctuary ay gumuho? Kaya naman maliban sa lungkot na mawalan ng tirahan, dagdag pa rito ‘yong maaaring pagkuwestyon na rin sa kani-kanilang pananampalataya.  Kasunod nito ay epekto na rin sa social practices gaya ng holy mass (misa) at pagrorosaryo.

Tigil-palabas na rin ang mga culture-based theater groups dahil  sa:

Patalastas

  • Urgent need to repair or construct their own shelters
  • Damage to equipment  like sound system and lights
  • Cancellations of bookings/ reduced tourist arrivals

Katunayan umano ay kanselado na ang mga pinopondohan  na projects ng NCCA sa mga apektadong lugar.   Samantala ilan naman sa kanilang natanggap na payo at panukala para maibsan, kundi man ay maibalik, ang Intangible Cultural Heritage ay mga sumusunod:

  • Pagkakaroon ng Bohol Rehabilitation Plan
  • Community participation in  generating fund, salvaging operation, restoration and reconstruction
  • Sense of community ownership – okay lang sa kanila na may tumulong na mga banyaga or international agencies pero kailangan may partisipasyon sa pagtatayo ng kanilang mga cultural structure
  • Pagpapatayo ng Science or Culture museum (governor)OLYMPUS DIGITAL CAMERA
  • Paglalathala ng libro o anumang babasahin  na may paksa na gaya ng:
    • Bohol’s Experience of Disaster Response and Recovery Effort (Governor)
    • Miraculous Survival through Divine Intervention (Parish Priest)
    • Elements of Bohol Intangible Cultural Heritage (Culture and Arts Groups)
    • Art therapy para sa mga earthquake victims
    • Scientific mapping of the fault to identify sink holes to dispel fear

Sa huling item, nabanggit din ni Dr. Suminguit na nakakapekto rin sa mga taga-Visaya ‘yong  takot nilang baka mawala sila sa sinkhole (gaya ng sa kumonoy) at  baka lumubog ang isla ng Bohol sa dagat.

Dir. Jeremy Barns (National Museum of the Philippines)



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

One thought on “Why Filipinos Need to Rebuild Visayas Cultural Heritage?