Café Scientifique: Filipinos’ views about Science, Disasters


Earthquake in Iloilo then Super typhoon Yolanda in Samar & Leyte, parang suki na ata tayo ng natural disasters ngayong 2013.  Pero kung papansinin, halos taon-taon ay may matitinding kalamidad na tumatama sa ‘Pinas.  Ito ba ay effect ng global warming, natural phenomenon o pagkakatotoo ng mga prophecy?  Sa Café Scientique sa The Mind Museum ay malalim ay na-explain sa akin ‘to.

OLYMPUS DIGITAL CAMERACafé Scientifique: Intellectual and Relevant Talk

First time kong maka-attend sa Café Scientique ( Scientific), a worldwide movement na  ang layunin ay ilapit sa publiko ang Science. Open forum ito sa lahat, bida ang science issues at experts ang panelista.   I’m not sure kong palagi, pero sa Canopy Plaza ng The Mind Museum  ito ginanap.

Hindi usapang pang- genius or boring ang atmosphere sa Café Scientifique lalo na’t interesado ang lahat dahil may kinalaman sa earthquake, typhoon, climate change at iba pa ang tinalakay dito.  Gaya nga ng sinabi ng host (Ms. Maria Isabel GarciaThe Mind Museum Curator), study at evidence ang nakataya para sa mga scientists gaya ng sa PhiVolcs  (Philippine Institute of Volcanology and Seismology), Project Noah,  at Pag-asa ( Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration). Ang maganda pati sa mga panelists ay ‘di ka mano-“nosebleed” dahil ‘di sila namumuktakti ng jargons.

OLYMPUS DIGITAL CAMERAAyon nga kay Dr. Gerry Bagtasa (Professor, part of Institute of Environmental Science and Meteorology of the University of the Philippines and publisher of Weather-Manila.com) ang mga Pinoy naman ay receptive sa science basta ma-explain sa kanila nang maayos.  Para naman kay Dr. Renato SolidumPhiVolcs director, nagkakataon lamang na mas exposed ang mga taga-urban kaysa rural  kaya kailangan maging advocacy ng bawat isa na maipangalat ang kaalaman sa science.

Lack of preparation or “disaster imagination”?

 

Isa sa napag-usapan sa Café Scientifique ay ang reception ng mga Pinoy kapag may nababalitaan na bagyo.  May isang blogger na nagsabi minsan hindi rin kasi sumusunod ang ilang Pinoy  sa warning ng gobyerno at ayaw umalis sa kanilang mga tahanan.  Para kay Dr. Solidum, isa pang kulang ay “disaster imagination” kahit pa roon  sa masasabing may pinag-aralan.  Maaaring may naghahanda sa mga sakuna gaya ng lindol, bagyo at baha pero hindi nila nakikinita-kinita yung  gaano kalala at paano sila maaapektuhan.

OLYMPUS DIGITAL CAMERAAyon kay Dr. Gemma Narisma  (Phd Atmospheric  Science, Manila Conservatory & Professor in Ateneo ) mahalaga na mapag-aralan din kung paano magre-respond ang mga tao sa mga warning ng mga scientists.

Sabi naman ni Dr. Bagtas ay after nung Hurricane Katrina ay nagkaroon ng study sa US. Naniniwala raw sa forecast ang mga tao kaya lang ay hindi nila sinusunod at mas nagre-rely sila sa kanilang past experience.  Ito naman ang bagay na sana raw ay wag asahan ng mga Pinoy ayon kay Dr. Solidum. Dahil may mga natural disaster na nangyayari after ng daang taon o malalayo ang pagitan.  Kaya kapag umano di pa naikukuwento nila Lola at Lola ay huwag ipalagay na hindi na mangyayari.

Patalastas

OLYMPUS DIGITAL CAMERA“Pagdating sa disaster ito lang ang dapat ninyong tandaan pagdating sa aral na sinasabi ng ating mga magulang ‘learn from your own mistakes’ tama? Pero pagdating ng disaster baka magkamali ka lang baka wala ka na sa mundo. So learn from the mistakes of the others, iyong mga nga nangyari sa iba na hindi tama ay aralin din natin para hindi na natin gawin.”

Part 2? There is!



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

4 thoughts on “Café Scientifique: Filipinos’ views about Science, Disasters