Are you afraid of the dark? Ako sort of, lalo na sa gabing maalinsangaan at dadaan ka sa sala-salabat na mga eskinita then trip mo pang i-capture ang fantastic street lights sa iyong camera. But the night will be young and fearless when you go outside the darkroom and do Manila By Night photowalk with passionate youngsters such as Powerhouse G5.
Join a photowalk of enthusiastic & friendly people
Ang Manila By Night (noong December 29, 2013) ay ikalawang “night shift” photowalk na in-organize ng PhG5 at ang meeting place namin ay sa Sta. Cruz Church, Manila. Before we started, may kanya-kanya kaming introduction at hindi ako natanong ( arte ko lang kasi). But my answer would be simple ->gusto ko lang i-experience. Kasi kung photography o blogging lang baka hindi ko na rin pursigihin.
I want to experience to be with people who like doing photowalk at sa gabi and then to try to take pictures ng mga buildings and places na tila nag-iiba ng anyo kapag moonlight in Paris ang peg. Superb!
By the way, isang ikinakatuwa ko rito ay mga maalam kong kasama especially ang batang-bata na si Stephen – para akong dayuhan in my very own country. Ang dami kong natutuhan sa kanya, kay Internet personality Axl at sa iba ko pang kasama
Discover the potential of your camera before or during your photowalk
Siempre mas maganda na maalam ( in English fluent –joke) ka sa features and capacity ng DSLR or point and shoot digital camera mo. Pero kung gaya kita na maka…kuha at maka..gamit lang ng camera – behold! Mamangha tayo sa kakaibang kuha sa gabi, sa makukulay na ilaw at sa medyo spooky details. Pinakagusto kong kinunan namin ay yung mga tunnels sa Intramuros at bridges near Philippine Post Office. Captivating!
Bring extra paraphernalia like tripod, lens, flashlights etc
Actually wala ako ng 2 nabanggit sa heading pero wish ko talaga ngayon na magkaroon ng tripod dahil sa mga nginig-effect kong shots. In fact, sa photowalk ko lang din na-discover kung gaano ako ka-pasmado ( sabi na e masama ang naglalaba, magko-computer, mamalantsa saka mag titinda ng inihaw na bangus hohohoho!)
At ito pa nga ang masaya sa pagkukuha sa gabi, you don’t need umbrella ( unless sabi ng PAGASA), 2 towels, and sandamakmak na face powder kasi hindi ka naman pagpapawisan. Ang nanakit lang sa akin pagkatapos ay ang aking stomach – gutom.
Yes only three, short cut na short cut because it helps a lot when you go with a group of photographers or photo enthusiasts na ginagawa talaga ng mga ganitong activities! Mabuhay, ang next photowalk ng Powerhouse G5 ay pinamagatang Temple Run – tour around sa Binondo kasabay ng Chinese New Year.
[hana-code-insert name=’Manila Travel Book’ /]
Pingback: Ang Pagkakatuklas ni Hoshi sa Casa Boix
Pingback: Kwentong Luneta: Balik-Tanaw at Pamamasyal
Pingback: Hooray for Manila Art and Dayaw 2014
hahaha internet personally talaga ang tagname ko dito sa post na ito ahaha… salamat sa pagsama… i hope makasama ka ulit!!
bagay naman sa iyo e, muntik na ngang internet action star eh pero balato na natin yun kasy ramon bautista. hohohoh
mabuhay!