It’s true in Arts and culture there are freedom of expression, connection, creativity, and yes, healing too. Let’s all witness and rediscover the cultural wonders of Filipinos in Philippine Arts Festival 2014 this February na may temang Arts on Edge.
It’s my second time to attend Blogger’s Hour ng National Commission Culture and the Arts (NCCA) na mas nagiging exciting pa because of the information and sentiments na ibinabahagi ni chairman Felipe De Leon, Jr. Alam mo ‘yong, nag-aral naman ako ng history, sibika at kultura at MAPE (Music, Arts, & Physical Education) pero marami pa talaga akong ‘di alam, ganun ang feeling in a nice way.
The Art of Healing Activities
Siguro nga dahil sa Super Typhoon Yolanda and earthquake sa Bohol ay ito ang topic sa PAF, pero sa tsika sa amin ni Prof. De Leon ay sadya at noon pa man ay arts ng mga Pinoy ay may koneksyon sa pagpapagaling, pamamahayag at pagkamasining. Ilan nga sa iso-showcase sa PAF ay ang…
- Opening ceremony sa Roxas City, Capiz sa January 31, 2014. Alam n’yo kahit dumaan sa pagsubok ang Capiz ay ipinapangako ng lugar sila na magbigay-aliw at ipakita ang kanilang sining.
- Likha Asya at Lihok Bisaya na parehong may kinalaman sa creative industries at
community-based tourism
- at Ani ng Dangal awarding ceremony na gaganapin sa February 2, 2014 sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila.
Highlights: The Rise of the Artists in Tacloban, CDO and Capiz
Ayon pa kay Prof. De Leon ay originally and naturally ay mahilig sa mixed arts ang mga Pinoy. Pero dahil in-adapt na ang Western influence ay nagkaroon na nga paghahati at ngayon nga sa PAF ay mayroong 7 sub committees na may kani-kaniyang programa..
The National Committee on Architecture and Allied Arts, headed by architect Gerard Lico – “Archi[types/texts] 2014,” which will be held in different institutions across the country from Feb. 2 until March 7.
The National Committee on Cinema, sa pangunguna ni Dr. Miguel Rapatan, ay mayroong “Cinema Rehiyon 6” sa Cagayan de Oro City na tatakbo Feb. 18-22. Tampok dito ang mga Independent filmmakers from Baguio, Pampanga, Calabarzon, Naga, Bacolod, Cebu, Davao, General Santos, Zamboanga at iba pa.
The National Committee on Dance ni Ma’am Shirley Halili-Cruz ay may “Sayaw Pinoy.” Sa Ika-11 taon ng most-awaited part ng PAF ay ini-invite nito ang mga participant and audience na mag-donate ng bagong school supplies gaya ng notebooks, lapis, pens, at papel na ibigay sa mga school children sa Capiz, Bohol, Iloilo at Zamboanga. Isa rin gagawin nila ay ang dance therapy workshops para sa mga kabataan. Ito naman ang kanilang schedule:
- Feb. 1 at 2, 5 munisipalidad and lungsod sa Capiz
- Feb. 8, 2 P.M., SM Aura Premiere at 6 P.M., SM Megamall;
- Feb. 9, 2 P.M., SM Mall of Asia, and 6 P.M., Rizal Park Open-Air Auditorium
- Feb. 14 and 16, SM Cebu, Ayala at Mandaue City
- Feb. 15 and 16, SM Davao (Ecoland and Lanang)
- Feb. 15, SM Marikina;
- February 22, SM Rosales;
- February 23, SM Pampanga and SM Marilao
The National Committee on Literary Arts of Priscilla Macansantos ay magkakaroon ng “Taboan 2014: Philippine Literary Arts Festival” sa Subic Freeport Zone sa Pebrero 24-26, 2014. Dito ay magsasanib ang mga writers, guro at mag-aaral para sa mga aktibidad gaya ng lectures, book fair, literary readings, cultural tours, awards ceremony at iba pa.
The National Committee on Music, headed by Prof. Felipe de Leon, Jr. – tinatampok ang “Taal-Tunugan.” Type ko ito dahil gagamit sila ng mga musical instruments na gawa nila mula sa mga recycled materials.
The National Committee on Dramatic Arts ni Sir Lutgardo Labad ay may “Tanghal 2014,” na pagbibidahan ng mga university-based theater groups.
The National Committee on Visual Arts ni Nemesio Miranda ay magtatampok ng “Philippine Visual Arts Xtreme” (PVAX) sa Tacloban (Feb. 20-23) at Manila Hotel (Feb. 15-19).
Let’s support PAF, and together- let’s rediscover our Arts and Culture- nakaka-heal yan ng identity crisis 😉
Pingback: Pinoy Music Festival’s Battlecry PalakasinAngBosesNgOPM - aspectos de hitokiriHOSHI
Pingback: Ani ng Dangal 2014 present Awe-inspiring Filipino Artists | aspectos de hitokiriHOSHI
Pingback: NCCA’s “Bloggers’ Hour”: Philippine Arts Festival 2014 — Art on the Edge | FILIPINO eSCRIBBLES