Hoshi in NCCA: Bloggers’ Hour


Gabi bago ang event ay nakatanggap ako ng email mula kay Rei Alba ng  National Commission for Culture and the Arts (NCCA).Inaanyayahan niya akong  dumalo sa kanilang kauna-unahang Bloggers’ Hour. Bukod sa isa ito sa piling pagkakataon na ako ay maimbitahan bilang blogger (nakakatuwa na ma-address ako na Ms. Hitokirihoshi),alam ko rin na marami akong matutuhan mula rito.

Hindi naman ako nagkamali dahil sa buong tanan ng pamamalagi namin sa NCCA building ay mas napatunayan ko kung gaano kayaman ang kultura sa Pilipinas, kung ano ang ginagawa ng komisyon para maipangalat sa lahat ang galing ng mga Pilipino at higit sa lahat mas minahal ko ang ating wika.

Nakakayaman ng kamalayan at kaalaman ang mga pahayag ni NCCA Chairman Felipe de Leon. Iminulat n’ya kami sa katotohanan kung gaano tayo kayaman na lipi kung atin lang kikilanin ang ating pinaggalingan, kagandahan, kultura at ating wika.

(Ang mga kuha kong video sa kanya ay ia-upload ko rin sa aking Hitokirihoshi’s channel (Yotube account) at abangan ang aking hiwalay na mga post tungkol sa kanyang mga tinalakay.)

Ano ang mga nangyari?

Marami. Una ay nakita namin ang naka-exhibit  ngayon sa NCCA gallery na likha ni Egai Talusan Fernandez  at  maging ang Quinta Art2  na lahat ay pinta ng Tradigital fine arts students. Pangalawa ay mapakinggan ang mga malalamang pahayag nila Prof. De Leon na sinundan ng suporta ng kaluluklok pa lamang na si NCCA Executive director Emelita V. Almosara at maging ni Deputy Executive Director Marlene Ruth Sanchez.

Siyempre ang pinakaaabangan ding kainan, gustong-gusto ko po ang kapeng Kalinga, iced tea at halo-halo. Hehehe!

Pagkatapos naman ng talakayan ay inilibot kami sa ang iba’t ibang bahagi ng NCCA building nina Mr. Alba at ng head ng Public Affairs and Information office na si Mr. Rene Napeñas.

 watch my AVP for Bloggers’ Hour here!

Dito ay napasok namin ang Sentro Rizal na isang proyekto na nililinang na makapaturo ng lengguwahe at iba pang may kinalaman sa kulturang Pinoy. Maihahambing ito sa Instituto Cervantes ng Espanya (Spain) at Goethe-Institut ng Alemanya (Germany).  Nabigyan din kami ng maikling lecture tungkol sa sining ng paghahabi (weaving) na gagawan ko rin ng hiwalay na post.

Para mabigyan ka ng ideya, narito ang dalawang kuhang video ko kay NCCA Exec. Dir. Almosara sa kanyang pagbibigay pagpapahalalaga sa mga bloggers at sa papapakalat ng impormasyon sa Kayamanan ng kultura ng Pinas.

Video 1

Video 2




About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Old Millennial, and Multipotentialite or Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

20 thoughts on “Hoshi in NCCA: Bloggers’ Hour