In a way, there’s prestige if you have own website as in naka-dotcom ka o binabayaran mo ang domain name mo. Pero sa likod din ng opportunities, invites and glamour nito you need to prepare for serious matters like technical problems, downtime, CSS, SEO, virus and fees too.
Consider that your site is in an isolated area
Nabanggit ko na ito so many times, online and offline. Especially kapag may problem kang mai-encounter, hindi puwede ‘yong maghihintay ka na ma-solve ng admin ng Blogspot, WordPress o Tumblr dahil ikaw na mismo ang admin, publisher at IT ng website mo. So you need to ask for help sa mga nakakaalam.
Isa pa ay kung gusto mong malaman ng iba ang tungkol sa sarili mong website o kung may bago kang post, ikaw mismo ang dapat mag-market. Hindi ito yung kagaya sa wordpress.com na kada-post mo lalabas sa feed nila.
Be extra careful, learn basic technical things
Ilang beses ko na bang nai-down ang aspectos de hitokiriHOSHI? Kung 10 yun, 8 dun ay dahil sa kakalikot ko sa coding/ editor part (mali pa ata ang term ko). Alam mo iyong space lang naman nabago ko, or isang letter or character pero buong site ang nawala.
Ang pinaka-worst na na-experience ko ay ‘yong more than a month na nawala ang hoshilandia sa ere at iyong na-virus na lahat ng sites na under sa account ng webhost ko. Nagmula kasi sa site ko yung virus at nagdala nun ay isang comment na naka-link sa isang site na may problema. Ang bigat sa konsensya!
Choose wisely your webhost,domain name, and links
Unahin na natin yung links side. Hindi po ito usaping isnabera na kumo’t ‘di pa nagra-rank o bago pa lang yung site. Ito ay tungkol sa spams, hidden agenda and gaya ng binanggit ko sa itaas. Magagaling ang mga spammers na mang-uto na akala mo regular na visitor lang and nakakaligtas pa ang iba kay Akismet. I suggest na bisitahin mo muna ang site before mo i-approve. May iba kasi na ni-link ka sa site nila na nagbebenta lalo na ng mga products and services na ayaw mo. Bukod dun mayroon din namang tinatawag na bad link at broken link.
Of course, walang basagan ng trip kung mahaba, maiksi, name mo na talaga o cute lang ang napili mo for your domain name. Pero always remember na hindi na ito mababago unlike sa name ng website mo. Mas catchy at nagre-represent sa content ng blog mo mas better.
I’m thankful kay Salbehe for inviting me na maging part ng webhost account n’ya at free pa. Napakalaking menus at tulong sa aking blog life. Pero siguro pareho kami ng opinyon na ‘di maganda yung service ng company ng webhost n’ya dati.
It’s your own brand and door to different opportunities
Naalala ko last year na nagpa-blog contest ako. Ang tanging tanong lang naman na gusto kong sagutin ng mga sasali ay Bakit Nga Ba Ako Nagba-blog? Hopefully your answer sa question ko ay not to rant till you drop. Well, lahat naman nag-start d’yan including me so hopefully kung puro ka sama ng loob, pawiin mo na at mag-convert ka na. Gumastos ka na rin lang, gawin mo ng positibo ang content ng website mo para positive din ang bumalik sa iyo.
Bukod sa monetization, you can have connections sa fields na gusto mo sa pagba-blog. In fact, mas lucky ang mga bloggers because now parami ng parami yung mga kumukilala sa power nila kaya nga mayroon na ring tinatawag na Bloggers’ conference na isinasagawa ng movie outfits, recording company, TV network, celebrities, and of course yung mga commercial companies.
Sa lahat po ng aking followers, regular readers, blogger friends at mga online/offline pals maraming-maraming salamat sa inyo. MABUHAY! Pitong na taon na ang site ko!
actually malaki ang impact pag kadotcom ka nga pero ako bilang galing na ako sa dotcom masasabi ko na depende talaga yan sa laman ng content mo at masarap balikan ung tipong anu ba latest ganun. kasi may mga nakadotcom naman pero ung content mema lang wala rin, yung tipong makikita mo din sa ibang site na ayy parehas ng content… Basta ang important may magandang content kang maihahain sa reader mo at isipin mo din na kahit maikli lang ang nakasulat mabuusog naman ang kanilang kaisipan.
Tumpak ka d’yan Axl kahit domain or subdomain ka pa, content is king. Ang mahalaga sa kabuuan ng pagba-blog ay kung ano ang magandang maihahain mo sa mga mambabasa. mabuhay!
Congrats! It’s better late than never? LOL!
Sana’y patuloy kang maghasik ng inspirasyon sa aming lahat na mamababasa mo.
Mabuhay ka!
wahhh salamat Unni!
oo maghahasik pa ako at magbudbud pa with matching wisik. hehehe
mabuhay!
Happy 4th birthday sa Hoshilandia, madam Hoshi.
Iniisip ko nga kung magdodomain na ko ng sarili. kaso dahil sa mga considerations na ito nga kaya di ko matuloy tuloy. hahaha.
aray ko, mukhang ako pa ata ang nakasira sa momentum mo. don’t worry reminders lang ang mga to, if you really like to blog at maganda ang content ( na sure ako) mas marami kang perks
🙂
hey! happy 4 years to your site! 🙂
maraming salamat Apollo!