Seeing live performances of Sarah Geronimo , Jed Madela, Pupil, ABS-CBN Philharmonic Orchestra were just added bonus when we watched Ani Dangal 2014 of National Commission on Culture and the Arts . Believe me the artistic spirit of Filipinos were very much alive in that evening at Newport Performing Arts , Resort World Manila last February 2.
Ang Ani ng Dangal ay bahagi pa rin ng Philippine Arts Festival ngayong Pebrero.
Ang makita ang mga celebrities in front of you
Sawi ako again na makita in person si Jericho Rosales na isa pararangalan sa Cinema category pero napakaraming artista ( hindi lang from mainstream movies and television) ang nagsipagdating. Nandoon sila Eugene Domingo, Jun Lana, Kim Atienza, Joel Torre, Eddie Garcia, Alessandra De Rossi, child star Barbara Miguel, Brillante Mendoza, and Nora Aunor.
Kagaya ng karamihan, if may chance nagpa-picture ako kasama ng mga artista. Sawi kami ng hipag ko na makunan ko sya kasama si Ate Guy. Pero sinuwerte ako na makapagpa-picture kay Dir. Brillante Mendoza. Sino si Mendoza sya lang naman ang internationally acclaimed director na naghatid sa atin ng magagandan independent film.
Awe-inspiring performances
Pinangarap ko noon na maging part ng choir pero dahil sa hiya at katamaran, waley. Ang mapanood ang Hail Mary the Queen Children’s Choir (Immaculate Concepcion Cathedral in Cubao) at De La Salle University Chorale ay sadyang nakaka-wow. Mabuti na lang din pla hindi ako nag-attempt, pang instant coffee lang ang pag-blend ng golden voice ko di ko kaya yung ganun.
Kapuri-puri rin ang talent nina Denise Barbacena at Philippine All Stars na kasama ni Sarah sa pag-awit ng Sining ng Pinoy na may rep part ni Gloc 9. Ganun din kina Jed, Bayang Barrios, at Halili-Cruz Dance Ballet. Sa ibang banda, fan na talaga ako ni Gerard Salonga at ng kanyang orchestra ever since na napanood ko sila sa concert ni Aiza Seguerra kaya true isa rin sila sa inaabangan ko.
Gusto mo ba ng something cultured? Na-experience ko yun nung nag-poet reading si Merlie Alunan at yung tumugtog ng instrumental (sorry di ko nakuha ang name kumomportrumako)
Congrats to all panalong artists!
Siempre hindi ko lahat kilala ang mga awardees dahil sa iba’t ibang sining sila nagsimula. Pero tunay na nakakabilib lalo nung tumuntong sa stage si Maria Cecilia Cruz dahil di lang s’ya babae kundi batang-bata pa. Mayroon din sa hanay ng mga pinarangaln sa visual arts pero hindi ko nakuha eksakto yung name so alin sya kina Trisha Co. Reyes, Bianca Jamille Aguilar, Jamia Mei Tolentino, at Maria Angelica Ramos Tejada.
Para sa mga Pinoy na hindi naniniwala na magaling ang kalahi nila pagdating sa arts, dapat maniwala na at manood ng ganitong event. Para sa ibang pang pinarangalan at totoong alagad ng sining- Mabuhay po sa inyo!
Pingback: Now and Before: Remembering former Child Stars | aspectos de hitokiriHOSHI
Thank you very much for your blog post about the Ani ng Dangal.
your welcome Po and mabuhay!