The thought of death brings goosebumps and sadness for many. Let’s face it, we can afford cosmetics and surgeries to look younger but not freedom from dying. If you are into personal finance, achieving that financial freedom involves avoiding savings wreckers – unemployment, debt and emergency. What you need to prevent these things? Life Insurance !
The Big Hole in Your Wealth
Sa post na “What’s the 20/20 Retirement Rule?“ ay ibinahagi ko ang pag-iipon para sa retirement – Kung paanong maganda na makapagtabi habang bata for you and your family’s future. Pero aminin din natin na sa hirap ng buhay ngayon, it’s not easy to save money and to find decent investment- what more in preparing for your retirement and death?
Sa aking nawalang post ( Push Cart is like Entrepreneurship/ Business) ay naikuwento ko ang aking Lolo na ang ikinabubuhay ay pagtutulak ng kariton para makabenta ng gulay at prutas, gayon din para makakuha ng pagkain para sa kanyang piggery. Mula doon ay nagkaroon silang mag-asawa ng house for rent at nakapag-invest sa iba pang maliit na business. Pero bukod doon ay hindi niya nakalimutang kumuha ng memorial plan para sa kaniya at kanyang asawa ( Mamang). Pero ang memorial plan ay hindi life insurance ha.
Why you Need Insurance?
Noong sinusulat ko yung post about sa traditional Push Cart doon ko napagtanto na si Itang pala ang isa sa unang nagturo sa akin tungkol sa business and investment. At ngayon nais ko namang sundan ang kanyang pagkuha ng Insurance.
I also realize these things if you don’t have insurance:
a. Your savings is not enough when you have health trouble
b. Your investments at sources of income ay malugi if you cannot work anymore or become bed ridden
c. You may recover or die at peace knowing that you don’t give burden sa iyong family.
d. most insurance plan ay flexible, transferable at naipapamana. alam mong hindi mo maiiwan ng walang -wala sila.
Get a cushion in case of emergency
Hindi mo masasabi o maiiwasan ang emergency like illness and death. Ito yung mga bagay na kahit sino kinatatakutan na mangyari at dapat lamang na pinaghahandaan.
Kahit profitable business and big savings ka, maaaring ma-drain ang mga ito kung hindi ka rin mag-i-invest like sa health insurance, auto insurance, at life insurance . Ang life insurance ay ang kasiguraduhan na may maiiwan ka sa iyong mga mahal sa buhay sa oras na mag-bye bye ka sa earth. Well running joke iyong pinaghahandaan mo na ba kamatayan mo? Pero ang totoo, hindi nakakatawa ang mamatayan at mamatay nang walang-wala. Parang gusto mo na lang siguro ipatapon sa dagat.
Pero kung may insurance ka, ano’t anoman whether you die young or old – single or married, maaksidente o mapagtripan sa kalye, alam mong hindi na mahihirapan ikaw at ang mga tao sa paligid mo kung saan pa huhugot ng panggastos.
Tips for getting Good Insurance Plan
1. Piliin mo yung subok na matatag na company. Well usually sila yung may sikat na endorsers, may commercial sa TV o may ads. May iba rin na nand’yan na for decades at di na gumagastos masyado sa TVC. Ang mahalaga ay di lang sikat, kundi reputable na magaling sa pag-manage ng pera mo at i-inform ka parati.
2. Pumili ka ng magaling at maalagang ahente– ito kahit saan naman na company – maaaring okay ang insurance company pero hindi agent. Maganda kung yung ahente, hindi ka lang bobolahin para makabenta kundi maaayos na maipapaliwanag sa iyo bakit kailangan mo ng insurance, ano ang bagay sa iyo, at anu-ano ang mapapala mo rito. Tandaan na hindi naman ito pagkain na kinain mo at ipupu mo-tapos. Ito ay investment na binubuno mo ng ilang tao para magamit mo habang panahon o takdang panahon.
3. Alamin n’yo ng ahente mo ang iyong “risk investment profile.” Tulad nang nabanggit sa itaas, maganda na malaman kung “ano bagay sa iyo na plan” base sa iyong kakayahan. kapasidad, kondisyon ( kalusugan), at plano. Hindi lamang ito usapang kung gaano kalakas ang loob mo (conservative, moderate o aggressive) kundi kaya mo nga rin bang pangatawanan? Gaya halimbawa ay anu-ano yung sources of funds mo para pambayad ng insurance every month at lagay ng iyong kalusugan ngayon.
Pingback: Reflection: What’s is your advice to your 18-year old self? – Pambura't Lapis ni Ate Jevs!