Tips in House for Rent business 18


House for Rent 2Year 2001 nang mag-decide si Manang Juling na mag-business ng House for Rent.  Ang lugar na pinatayuan noon ay dating garahe o tambayan.  Kalahati nun ay ginawa naming sari-sari store, which I’m proud to say nabuhay namin ng kuya ko noong 2009.

Base sa experience, masasabi kong mahusay kumilatis ng nangungupahan si Manang Juling. Bukod sa tumatagal nang ilang taon ay wala naman yung nang-iiwan ng utang.  Pinangarap ko rin ng ganitong business kasi ang tahanan or shelter ay isang necessity at place lang yung pinakapuhunan. So base sa observation ko sa good business practice ni Manang Juling…

Here are my tips in house for rent business

  • Have a decent and presentable house.  Hindi gaya ng beauty ng isang tao na puwede mong ibase sa sarili mong pamantayan. Ang bahay ay bagay na puwede mong pintasan kapag hindi mo nagustuhan.  Huwag mo lang ipaparinig siempre sa landlady. Saka sino naman ang uupa sa bahay na sa tingin pa lang, walang tibay na maaasahan.

 

  • Secure water and electrical connection – Puwede ring telephone pero option na ito ng customer kung gusto niyang magpakabit gaya ng Internet connection. Again next sa shelter ang hahanapin ng rerenta ay ang tubig na kanyang iinumin at kuryenteng puwedeng mag-init o magpalamig nito.

 

  • Have a lease/ rental contract – May ibang gumagawa ng verbal na usapan tulad ng sa paupahan ng pamilya ng kaibigan ko. Ang pinakamasaklap na nangyari sa kanila ay magkabaranggayan sila dahil binaliktad sila ng nangungupahan at para hindi na humaba ang kaso ay nagmulta na lang sila. Talong-talo ‘di ba? Iyon ay dahil wala silang malinis na kontrata kung magkano ang buwanang renta at mga kondisyon.  Of course ‘pag may kontrata, bigyan ng trabaho ang mga nasa Notary Public business.

 

  • Choose your lessee/Renter – Promise sa dami ng nangangailangan ng bahay, iba’t ibang tao ang titingin ng inyong paupahan.  Nakaka-tempt yung mga willing magbigay kaagad ng down payment o magsasabi na kahit taasan nila ang bayad. Puwes, hindi mapagpatol si Manang Juling sa mga ganoon kasi ‘di bale na magbaba ng presyo ng paupa as long as regular/ on time nagbabayad at hindi ‘yong tinatawag nilang balasubas o tumatakbo sa babayaran. Nagbigay nga kaagad ng down payment pero baka yun na ang first and last ‘di ba?

 

  • Be accommodating and hospitable – I believe kapag ganito ang approach ng kahit sinong entrepreneur, magiging close siya sa kanyang clients. Isang kapuri-puri (‘di umano) kay Manang Juling ay ang kanyang motherly approach. Nandoon yung concern kapag may sinampay na naiwan, tumutulong bubungan, at mga pakiusap habang wala. Na-appreciate nila na as a landlady, hindi ka lang naghihintay sa perang ibabayad nila sa iyo.

 

  • Detach from their personal/ private matters – Siyempre may paki ka sa bahay ng kanilang tinutulugan pero kung paano yung position nila sa pagtulog tatanungin mo pa ba? Hindi maiiwasan na may nag-aaway na mag-asawa o maiingay na magkaibigan, as long as walang lumilipad na plato sa bintana mo. Silent lang dapat at huwag magsimula ng tsismis.

 

  • Directly talk with your lessee if you have concerns.  Kung naisip mong magtaas ng renta (may batas ukol dito), masyado na silang nakakaapekto sa buong compound. Although ikaw ang may-ari dapat matutuhang maging diplomatiko.

About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Online Publisher, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Technopreneur, frugal Traveler, Cinephile since birth, natural Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial, and Multipotentialite or Yuccie? Common socialize with me!


Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

18 thoughts on “Tips in House for Rent business