General Emilio Aguinaldo, the first President of the Republic of the Philippines, was also the first to wave our national flag. But if there are two things worth highlighting about his colorful background, it’s that he was a son of Cavite and had a remarkable ancestral home—now known as the Aguinaldo Shrine—where Philippine Independence was declared on June 12, 1898.
(Invitation! Please SUBSCRIBE to my YOUTUBE Channel for more travel tips and stories. Salamat and Mabuhay 🙂
Cavite + Emilio Aguinaldo = Aguinaldo Shrine
May ilang taon na rin ng gawan ng pelikula ang buhay ni Gen. Aguinaldo na may lahing Chinese din. Ginampanan ito ni George Estregan “ER ” Ejercito at ang titulo ng movie ay El Presidente. Muli ay nabigyan buhay ang kanyang kwento na ginampanan ni Mon Confiado sa mga pelikulang Heneral Luna at Goyo.
Hindi naman nakakapagtaka na sa mga makasaysayng tao sa ‘Pinas ay si Gen. Aguinaldo ang isa sa pinagbuhusan ng budget. Hindi rin malabong gawan s’ya ng movie dahil sa sadyang makulay, kung ‘di man ay kontrobersyal ang kanyang istorya. Gusto mo malaman bakit? Makakabuting magbasa ka na ng libro o panoorin na lang ang El Presidente, Heneral Luna, Goyo at Quezon ni Jericho Rosales 😛
Pero wait, ang isang bagay na kadikit ng kanyang ng kasaysayan ay ang kanyang pinamanang ancestral house sa Kawit Cavite—ang Aguinaldo Shrine. Good thing, napuntahan ko na ito. Pagpasok ko nga sa nasabing mansyon ay punong-puno ito ng karakter. Isa sa mga natatanging tahanan na napuntahan ko gaya ng Malakanyang (Mendiola) at Malacanang of the North (Ilocos).

Discover Why the Aguinaldo Shrine Is a Must-Visit in Cavite
Bahagi na pagkakilanlan ng Cavite ang Aguinaldo Shrine. Para bang kung ang Maynila ay may Luneta Park at ang Quezon City ay may Circle, sa Cavite ay ito na ‘yun. Sa labas pa lang ng Shrine ay mae-excite ka ng pasukin ito. Makikita mo kaagad ang pamosong bintana. Iyong tipong dapat ikaw rin makadungaw man lang dun.
Open mula 8am to 4pm Sunday to Tuesday ang shrine. Dito ay mapapakilala rin sa iyo ang kinalakhan at lifestyle ni Gen. Aguinaldo. Ganun din ang mahusay niyang paggamit ng kanyang tahanan para sa kanyang trabaho at laban sa buhay.
Ayon sa tour guide, buhay pa s’ya nang i-donate niya sa National Historical Commission ang kanyang bahay. Mayroon itong 7000 square meters na lote. Ang tangi lang daw niyang request ay dito siya ilibing. Tnupad naman ito dahil ang kanyang himlayan ay nasa garden lamang sa loob ng bakuran ng Aguinaldo Shrine. Pero hindi lang bahay ang kanyang legacy, kundi maging ang kanyang personal car – 1924 Packard 7- passenger Limousine .


Bukod sa mga nabanggit ay may makikita ring kanyon at dambuhalang washing machine nila noon. Akalain mong hindi lang dry clean ang trip nila noon kundi hot clean.
Kung sa labas ay interesting na ang mansyon, lalo ka pang mamangha sa dami ng iyong makikita at malalaman sa loob nito. Of course, hindi mawawala rito ang mga memorabilia gaya ng kasuotan, picture, libro, sapatos, bote ng gamot at miski mga antigong appliances.



Ang mga tunnel at disenyo sa Shrine ni Gen. Aguinaldo
Ang isa wow factor sa lumang bahay na ito ay mga tunnel o lihim na lagusan na ipinuwesto ni Gen. Aguinaldo. Ang mga iyon lulusot sa iba’t ibang lugar sa Cavite. Isa na rito ang tinawag na Bomb Shelter, sa pagpasok rito ay aakalain mo lang daw itong isang maliit na well pero ito pala ay underground tunnel patungo sa church. Ngayon ay sementado na raw ang balon na iyon. Mayroon daw kasi ibang nakakaalam na ginagawang lakwatsa lang ang pagpasok sa Shrine.
Siempre, ang isa sa hindi makakalimutan sa ancestral house na ito ay dito ang unang iwinagayway ang Philippine National Flag. Well, hindi ka madi-dissapoint dahil may mga exhibit tungkol dito sa shrrine. Nalaman ko nga na hindi noong Hunyo 12, 1898 o declaration of Independence day sa mga Kastila una itong ibinandera. Nangyari iyon noong May 28, 1898, pagkatapos ng success fight sa Alapan.
Si Marcella Agoncillo, ang mananahi ng bandila. Si Gen. Aguinaldo ang nagdisenyo nito noong sila ay pare-parehong pansamantalang naninirahan sa Hong Kong. Narito rin ang kopya ng Himno Nacional Filipino o Lupang Hinirang, na komposisyon ni Julian Felipe.


Nga pala, tatlong palapag ang bahay. Sa pinakagitna sa second floor ay daan patungo sa tower na hindi na pinaakyatan. Luma na raw kasi (baka nga naman bumigay sa dami ng tao). Sa pinakatuktok daw noong 3rd floor ang silid ni Gen. Aguinaldo. Kahit matanda na siya ay dito pa rin sya natutulog. Hindi niya ipinagpalit dahil exercise din daw ang pag-akyat at pagbaba.
Samantala, pinagtripan naman niyang tawagin na Balcony of Sinners ang kanilang veranda. Dito kasi madalas daw nalilikha ang kanilang taktika sa rebolusyon at mga ligawan na nauuwi sa kasalan. Dahil sa binigyan n’ya ako ng idea, makapagpagawa nga ng balkonahe 3 pa. hohohoho!
Tingin ko dapat pag-aralan din ng mga architect and interior designer ang Aguinaldo Shrine, bakit? Sa pinakasala ng tahanan ay sari-saring muebles (furniture) ang masining at doble ang gamit. May upunan dito na puwedeng lalagyan ng baril o kagamitan. Gayon din, may mga wall decoration dito na puwedeng lalagyan ng baso o magsilbing ash tray (kung tama ako). Panis, yung mga desin sa bus at airplane.



Mahilg din nga pala sa musika ang pamilya ng Gen. Aguinaldo. Isa sa kanyang mga anak na babae ang madalas na tumugtog sa kanilang gumagana pang piano. Mayroon din silang indoor swimming pool na ang lalim ( 7 feet?).
Tunay nga interesante ang Aguinaldo Shrine, rekomendadong mapuntahan kung mahilig sa history, architecture, culture, politics, at iba pa.





hellowie, hoshi…. ay, napanood ko recently ang kalahati siguro ng El Presidente. maganda ang pagkakagawa ng film. true, medyo grand and fastidious na mama itong si Pres. Aguinaldo. saka, they dressed according to the fashion of the times (West), hoho. tapos, marangya bahay nya at mga gamit, pati lifestyle….parang ano rin, sina Dr. Sun Yat Sen of China, ganoon din wari. mga elite sila baga… ^^
ahihi, natuwa ako sa “where they made wagayway.” aliw mga hirit… happy weekend, kapatid. 🙂
Happy Weekday Ate Sa Saliw ng Awit! oh pag ganito karangya sa buhay at dapat mas lalong ma-give back sa community. sa kaso ni Gen. Aguinaldo sa buong Philippines s’ya naging concern.
Though magkaiba kami ng taste sa interior design gusto ko yung trip niya na may mga lihim na lagusan at multi-purpose yung ilang bahagi ng bahay. magandang tip ang mga yun sa maliit lang space sa bahay.
mabuhay!