Hooray for Manila Art and Dayaw 2014


Culture is a broad word, but it is something that people can’t live without whether they perceive it relevant to their lives. Philippine Arts and Culture is too rich and colorful to ignore, I agree that these what give Filipinos sense of identity and unique legacy.  Last month, Dayaw and Manila Art served as venues to celebrate and rediscover Pinoy Pride. 

Dayaw 2014: Gathering of Indigenous People

Nung nakaraan linggo  tinanong ako ng mga pamangkin ko kung ano ang tamang pagbigkas ng Ita o iyong mga katutubong Pinoy na nananahan sa liblib na pook, bandang Mount Pinatubo. Sila iyong maitim, kulot ang buhok at maliit. Siempre magkaiba ang pagbigkas depende kung sa English o Pinoy, aeta ito sa English.

Noong bata ako isa sa itinutukso sa akin ay mukha raw akong Ita dahil maitim at kulot ang buhok ko ( di nila alam may lahi akong Latina, chuz). Kaya parang ikaw na bata, ayaw mong ma-identify o mag-iiba ang tingin mo sa mga Ita kasi pinagtatawanan ka eh.

Pero naka-encounter na ako ng mga totoong Ita na nanghihingi ng damit kapalit ng mga dala nilang saging na saba.   Dati taun-taon sila rito na dumaan sa lugar namin ,madalas bago mag-Pasko, kaya pinaghahandaan namin yung mga dami na maibibigay pero bigla hindi na sila nagpupunta. Sana ang ibig sabihin nun ay hindi na nila kailangan kaso okay na ang kanilang estado.

Ang hindi ko maintindihan sa ilang mga Pinoy lalo na sa mga taga-Maynila ay kung bakit mababa o mapanglait sa mga katutubo (o kahit na sa maiitim, di marinong mag-Tagalog, o mag-Ingles). Hindi lang alam ng iba baka mas magagaling pang mang-Ingles ang mga Igorot o Ifugao sa mga Konyo sa lungsod.  Iyong  mahusay kong English professor ay Igorot.  Gayon din ay mayroon ding mga katutubo sa Bisaya at Mindanao na magaling sa Español. O nga pala ang Nanay ko ay  Waray.

Para sa hindi  pa nakakaalam ay mayroong Presidential Proclamation 1906 na nag-aatas na ang Oktubre ay Pambansang Buwan ng mga Katutubo o National Indigenous Peoples’ Month.  Mula dito  ay nabuo ang konsepto ng Dayaw o pagdiriwang  para kilalanin ang mga katutubo sa buong panig ng Pilipinas. Dito ay napag-uusapan ang mga hinaing at isyu na kinakaharap ng mga  katutubo, gayon din ang mga aral na kanilang naipapasa sa madla.

Itneg in Costume of Namarabar, Penarrubia ABRA150

Itneg in Costume of Namarabar

Nahuli ako ng pagpaskil sa tungkol sa Dayaw ( hello November na), nakaikot na ang  ito sa Luzon at Visayas. Sa mga puntong ito ay nasa last leg na sila sa Mindanao na Gaganpin sa Nobyembre 6- 7 sa Zamboanga City.  Inaasahan na makikilahok dito ang mga kilalang katutubo sa lugar gaya ng Maranao, Maguindanao, Tausug, Manobo, T’Boli, at Higaonon. Pero maliban sa kanila ang iba pang katutubo na welcome na welcome sa Dayaw ay mga Yakan, Subanen, Mandaya, Mansaka, B’laan, Sangir, Teduray, Arumanen, Mamanwa, Iranun at iba pa.

Patalastas

note: photos by NCCA

ManilArt 2014 features Philippine Contemporary Visual Arts

Napasyalan ko na ang Nemiranda Arthouse Gallery,  Blanco Museum, at iba pang art museum, pero takam pa rin akong makapunta sa mga Filipino visual arts here and abroad (why not?). Kaso sawi ako na makarating sa nakaraang Manila Art na ginanap sa SM Aura Convention Center  noong October 16-19. Mabuti na lang at available sila Axl and Patrick kaya may nagsilbi akong bubwit este mapagtatanungan ng mga kaganapan doon.

Teka ano  ba ang Manila Art? Ngayon 2014 ay ang ika-anim na edisyon ng international art exhibit na ito na unang-una ay nagtatampok ng  Philippine Contemporary Visual Arts. Ngayong taon ay mayroon din ditong mga art works mula sa Europe at iba pang bansa sa South East Asia.

Narito ang ilang kuha ni Powerhouse Clique founder and Manila by Night photowalk co-mastermind   Axl Guinto (dito ang post n’ya) …

 

 

 

 



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.