Angono’s Pride: Nemi Miranda & his Arthouse gallery 15


don nemesio miranda 5Imaginative Figurism ang art philosophy ng painter, sculpture, muralist at ng current head ng visual arts committee ng NCCA (National Commission for Culture and the Arts) na si Mr. Nemesio “Nemi” Miranda.  Nalaman ko ang bagay na ito nung magawi kami sa Nemiranda Arthouse Gallery at nang sa wakas ay malibot ko na kaunti ang Angono, Rizal.

Ayon kay Nemiranda, ang imaginative figurism ay ang pagpinta, lalo na ng pigura ng tao, ng hindi kailangan ng model kundi memorya lang. Sabi n’ya through  attitude, practice at experience niya nakuha ito. Bakit ko naman nalaman ‘yan ay dahil nakita’t nakakuwentuhan ko s’ya. Naku baka dumating ang time na maging National Artist siya at least, na meet and greet ko na ‘di ba?

Art House

Nipa hut na hanggang fourth floor (ata) ang kanyang art house gallery. Ayon sa kanya, dream house niya ang bahay-kubo na  gusto niyang maging studio. Subalit dahil sa mga kabagayan  gaya ng regular clients, artists din ang kanyang mga anak, tinutulungan din niya rito ang iba pang  artists, at mayroon din ditong workshops and sessions   kaya lumaki na nang lumaki ito. Sa ngayon, art works niya at ng kanyang limang anak ang narito habang may ibang gallery building at art camp na para sa mga apprentice, trainee at co-members niya sa  Angono- Angono Ateliers Association.

pinta ni don nemesio miranda

 Nemi Miranda

Artist since birth, sabi n’ya ay 5-years-old pa lang s’ya ay pagdo-drawing na ang alam n’ya. Imbes na notes ay drawing ang makikita sa kanyang notebook, at nung college ay Fine Arts major in Painting ang kanyang kinuha kahit ayaw ng father n’ya.

don nemesio miranda 2

“Kasi ‘yon lang passion ko na puwede kong gawin,” sabi pa ni Sir Nemi na siyang gumawa ng mural ng EDSA revolution sa loob ng EDSA Shrine at mural sculpture sa Philippine Army sa Fort Bonifacio. “Iyong iba sa threat niya mate-threaten na e, hindi na mag-aaral. Ako hindi, so be it!  If I’ll take up another course, maybe I will not become successful.”

Hoshi: Pero may time ba na nagsisi kayo na naisip n’yo na sana ay sinunod ko na lang ang father ko?

Nemi Miranda: Never! There was a point that I was down pero money was never a priority in my life. It’s always the passion that I think that makes me happy.”

Dahil na rin sa passion na ito kaya lumago ang kanyang art house, nagturo siya ng sculpture, sumamang magtayo ng organization at magkaroon ng art festival. Sabi rin niya na ang objective ng art camp at art festival ay upang dalhin sa masa ang art.

“Ordinary people like carpenters, fishermen, farmers, or workers- maiisip mo ba ang mga ‘yan pupunta sa mga gallery? They would not go, alam nila ‘pag gallery mayayaman lang puwede pumasok d’yan. But if you put it in a gymnasium or in any local exposure papasukin na nila ‘yan.

“Especially the children, magkakaroon sila ng awareness sa art and that’s the reason why Angono has been known the artist community because of the people has made the art the way of their life and life way of their art.”


About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Online Publisher, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Technopreneur, frugal Traveler, Cinephile since birth, natural Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial, and Multipotentialite or Yuccie? Common socialize with me!


Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

15 thoughts on “Angono’s Pride: Nemi Miranda & his Arthouse gallery