Movie Review: English Only, Please


English Only, Please starring Jennylyn Mercado and Derek Ramsay is a romantic-comedy film that’s, for me, better than other romantic films that came out this year and  one-of-a kind among the entries in Metro Manila Film Festival.

English Only Please- Jennylyn

 For my age and taste,  this film is almost realistic and not cheesy. Hindi ito yung pilit na pilit yung mga eksena na magpaka-romantic para ma-please lang ang audience.  In fact,  yung pagka- comedy n’ya mula pa lang sa dialogue na  naibato nang tama ng mga artista- Hindi lang nina Jen at Derek pati na rin nina Cai Cortez at Kean Cipriano.

I agree na manalo si Jen ng best actress award kung base sa pagkaka-portray niya sa karakter ni Tere. Napanood ko na dati ang mga shows ni Jen pero rito iba na siya. I think I look at her as Tere, not as Jennylyn- the Starstruck Female Ultimate Survivor. Wala na masyado iyong common mannerisms niya ( kunot ng noo at hawi ng buhok) na tuloy dama mong umaarte lang siya. Para sa akin siya ang nagdala ng movie at nasabayan siya ni Derek (Julianne).

Ang pinakagusto kong eksena nila ni Derek ay iyong wala ng choice si Tere kundi kay Julianne magkuwento ng sawi niyang love story. Feel na feel mo iyong katangahan niya kay Rico (Kean) at yung timing niya sa drama and comedy.  Saka dito si Kean sobrang effective kasi ako napapangiwi na ako sa mga  nakakabuwiset niyang hirit.  Naisip ko lang din parang nata-typecast sa ganitong role si Kean (ganito rin siya sa Bakit Di Ka Crush ng Crush Mo). 

Better than other Romantic Films because…

English Please OnlyDagdag ko rin sa maayos na dialogue at mas makatotohanan na love story, iyong smooth na flow ng movie. I think dito na papasok ang interpretation ng direktor ( Dan Villegas) at editor. Kakatuwa yung  mga definition, iyong pag-cut ng eksena at yung maayos na flow ng story. Kung agree ka, ang dali naman talagang sabihin na sila Tere at Julianne ang magkakatuluyan in the end or this is another rich boy meets poor girl story.  But since may tienes ng English to Filipino translation at smooth ang pagpapakita kung paano nabi-build up yung relationship ng mga lead characters, doon ka magpo-focus.

Siguro isa lang sa napansin ko rito na minus point, iyong mas maraming Tagalog si Jen para sa isang interpreter ( at mabigyang justice yung title ng movie). Sa akin kasing observation– kahit sanay ka sa balbal na pananalita ( ako yun), kapag lagi kang may kausap sa English lalamang pa rin yung pagsasalita  mo sa lengguwaheng ito o kahit papaano equal. Iyon ay maliban na lang kung bago pa lang si Tere bilang tutor, eh kaso tatlo yung sabay-sabay niyang  tinuturuan in English plus kausap pa niya palagi si Derek.  But then again it just a minor thing.

 

One of a kind movie in MMFF

Kung hindi ako nagkakamali ang last na pumatok na romantic-comedy film na naglakas-loob na humilera sa MMFF ay ang Kasal Kasali Kaso nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. The rest ay pambata na, comedy, horror at action na.  Bet ko rin iyong isang horror film na kasali pero pinili ko munang panoorin itong English Only Please kasi gusto ko muna ng light.

Patalastas

Isa pa ito yung uri ng movie na hindi nakadepende sa love team, pinag-uusapan  at super veteran sa acting kasi ang mga bida .  So ako, bilang moviegoer it’s a risk for me to watch this movie especially hindi naman ako fan ni Jen o Derek. Welcome idea rin na ibang timpla naman at manonood ako dahil sa kabuuan ng movie.

Sulit na sulit naman ang aking bayad. 😉 Mabuhay!



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

One thought on “Movie Review: English Only, Please