Kwentong Luneta Park: Pasyal at Balik-Tanaw


Halos Rizal Day pa nang huling mapadako ako sa Luneta Park o Rizal Park , iyon din ang pagsama ko sa Manila By Night Photowalk . Dahil lagpas 12am na kami naroon, parang feeling first time ko ulit dito napunta—ibang-iba kasi yung vibe.

Luneta Park by Day, Before

Ilang beses pa lang akong nakapunta sa Rizal Park. Kung tama ako ang first time ay nung mga edad 3-4 years old ako. Buhay pa noon si Daddy at  ang naalala kong landmark ay ang istatwa ng kalabaw (o Carabao Statue).  Dahil bata pa ako noon, memorya ng puso ko ang umiira, na according sa Pare ng St. Peter Shrine ( Commonwealth) ay tinatawag na “gratefulness.” Iyon ‘yong saya ng paglalaro sa playground, pagkain ng sorbetes sa daan, picnic sa damuhan sa ilalim ng haring araw, yung paglalakad hawak ni Daddy yung munti kong mga kamay at generally yung saya ng bonding moment.

I don’t know kung gaano na ba makabago ang mga kabataan ngayon pagdating sa pagpasyal sa mga parke. But so far naman lalo na noong gabing ‘yon nakakatuwa na hindi naman lahat ng kabataan ay gumagawa lang ng mga sports na – movie marathon and surfing the net.

Marami naman makikita sa paligid ng Luneta apart Rizal Monument ( and the bomber) at Tamaraw Stature gaya ng Kilometer Zero, Quirino Grand Stand, Chinese Garden, National Library of the Philippines, Binhi ng Kalayaan Garden, Botanical Garden, Manila Ocean Park, National Museum, at marami pang iba.

Ang  totoo hindi ko pa nagalugad nang todo ang Luneta pero naging laman ako dati ng National Library lalo na noong nagte-thesis ako. Iyon yata yung first time akong napagkamalan na nag-aaral sa U.P. na sa tantya ko ay dahil sa maganda kong sandals.

Pero ang isa pang memorable sa akin ay yung sa breakwater. Kung hindi ako nagkakamali dito na ngayon  nakatayo ang Manila Ocean Park. Nagpunta ako sa place na iyon kasama si Syngkit. Malungkot ako that time ( di ko na maalala kung bakit- kalimutan ang sad memory) at nakatulong yung dampi ng hangin, hampas ng tubig at mga tao sa paligid para makapagmuni-muni ako —

Na ang buhay ay Parang isang malawak na Luneta… maraming space – maghanap ka ng area kung saan masaya!

Luneta by Night 

Prayer Vigil for Jose P. RizalDahil sa nga sa Manila By Night ay nakarating ako ng gabi o madaling araw sa Luneta Park. I am amazed to see that there were people – doing the usual stuff  kahit moon na ang naka-up there. Sa bagay, kung wala lang ang term na “puyat” at ” delikado sa gabi” ang sarap kaya mamasyal.  Malamig ang simoy ng hangin, stargazing and watching moonlight ang drama at iba kasi ang usapan pag gabi na hehehe.

Patalastas

Between 11pm-1am kami naroon so medyo abot kami sa celebration ng Rizal Day. Naabutan namin dun yung mga nagdadasal para kay Dr. Jose P Rizal. I don’t know kung sila iyong tinatawag na Rizalista. Pero ang tagal nila doon na nanalangin at ang daming bulaklak sa puntod/ monumento ni Pambansang Bayani.   Saka hindi masyo naaninag yung photobomber.

Huge Philippine Flag at Luneta ParkMaliban sa ganda at lilim ng gabi, ang mga nigh owl ay magiging ligtas naman kahit papaano kasi maliwanag naman ang kapaligiran at may establisyemento naman sa paligid na bukas 24 hours.

Ibang-iba sa mga nakasanayan nating view na ipinapalabas noon sa mga news programs. In fact, yung mga nakita ko sa paligid ay hindi naman puro lovers  kundi mga magbabarkada na nagsasayaw o naglalaro, pami-pamilya na ang trip ay  gawing sofa ang damuhan at gawing TV ang kalangitan.

Mabuhay, sana marami pa akong mabuong magagandang kwentong Luneta.

[hana-code-insert name=’Manila Travel Book’ /]



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

2 thoughts on “Kwentong Luneta Park: Pasyal at Balik-Tanaw