Nasabi ko na many times ba’t ako nagba-blog at nailadlad ko na rin ang aking mga lihim bilang freelancer pero iyong journeyabout small and medium-sized enterprise, serial entrepreneurship, retail business (dealership) ay hindi masyado o sabog-sabog. Hindi ko rin alam kung saan ako humuhugot ng lakas ng loob na kahit nahihinto paminsan –minsan ay ‘di pa rin ako sumusuko na maging thriving Pinay Entrepreneur.
Concerns in Running a Business
Ang current struggle ko sa business ay ang sari-sari store na ipinaubaya ng nanay ko. Puwesto lang naman so ako ang bahala kung ano ang ilalagay ko. Wala pa akong konkretong plano pa pero hindi ko pakakawalan ang chance ko na magnegosyo. Next problem ay time money and energy – tuloy pa rin ang freelance jobs at iba pang hilig.
Dumating nga iyong time na I gave up all my sideline business in favor of my works. May time na mula 6am to 11 ng gabi ay nagtatrabaho ako, at may kasama pang Sabado at Linggo. Ayoko sanang iwanan ang momentum ko sa pagnenegosyo pero hindi na kaya ng katawang lupa ko, at ilan din kasi sa natutuhan ko sa pagnenegosyo ay…
- Don’t give up easily your source of income – puwede naman pero dapat kaya mong pangatawanan as in may savings ka, emergency fund, backup plan kapag nasairan ka ng pera. Bilib ako sa mga naglakas -loob at lalo na sa mga nagtagumpay kasi hindi madali magpalit ng lifestyle lalo na kung sanay ka na kinsenas-katapusan ay sumasahod ka.
- Be resilient during dry spell – alam mo yung term na matumal ( less to zero sales)? Darating yun hindi lamang sa simula ng pagnenegosyo kundi kahit operating na ang business mo. Sa negosyo, malaki ang challenge depende sa produkto o service at mga kausap mo. May mga barat, mahilig mangutang, item na madaling ma-expire at prone na mabagal mabenta.
- Choose your business partner wisely –
- Try serial entrepreneurship – I don’t know if it works sa iba pero sa akin gusto ko ang serial entrepreneurship kasi nababato at kabado ako kapag isa lang yung paninda ko. Though minsan nakakalito at masakit sa bangs, pero for me sagot ito para makabawi ka agad sa lugi at mahanap mo agad kung ano ang patok.
- Stay thrifty and follow cost-effective approach – Okay medyo matipid Frugal Pinay ako pero minsan hindi. At nadadala rin ako sa mga fancy ideas, pero may mga kakilala ako na bibili kaagad ng brand new equipment pero hindi pa nila nata-try ang negosyo o kaya naman sila mismo parang di pursigido. Result? Nakatambak na gamit, luging negosyo
Confession: Why I’m dreaming to become a successful Pinay entrepreneur?
Marami akong rason bakit gusto kong magnegosyo at maraming beses na akong sumubok. Pero paano nga ba nabuhay ang aking ideya na magseryoso?
Around 2007 or 2008 nang magsimula na akong mag-isip na ayokong maging habang-buhay na empleyado. Nakakausap na rin kasi ako ng ilang negosyante at nag-start akong magbasa ng Entrepreneur Magazine. Nakatulong din iyong aspeto na kuripot akong tao at naeenganyo na sa pagkuha ng mga sideline jobs. Nakakaipon ako ng pera pero hindi ko alam kung saan maganda ilagak at palaguin. Hindi ba nga big lesson din sa akin iyong hindi maganda ang mag-time deposit.
So nag-start akong magbenta ng load ( Loadxtreme) hangang sa maging sari-sari store sagigilid ako sa office namin. Bukod pa doon ay nagbebenta rin ako ng special bottled tea at peanut butter. Okay naman ang lahat at ang bonus pa roon ay marami akong naging kaibigan dahil feeling hulog ako ng langit sa kanila. Kaya lang due to physical stress at nakakapekto na sa work ko kaya, huminto ako maliban sa loading. Iyong loading ang long-lasting never kong binitawan since 2009 dahil kahit mga managers sa akin na nagpapa-load. Hehehe!
Noong 2013 when I decided to resign from being a full time office girl doon ko ini-isang i-try yung mga naiisip kong business ideas. Risky pero sa akin kasi kung hindi ngayon, kailan? Lagi kong kalaban ay pagkakataon at oras so ako na ang gagawa ng chance ko. Nag-invest ako sa Unified Products Services, nag-dealer ng Pampanga’s Best, nag-retail business ( itlog, asukal, drinks), nag-barbecue, ready to go snack at dealer ng KettleKorn. Makikita sa HOSHI MARKET page kung ano ang natira at palalaguin ko pa.
Bakit nga ba ako nag-iisip na magnegosyo kung kumikita ako ng sigurado at sapat sa homebased jobs ? Bukod sa ayoko lang maging empleyado for life, naniniwala ako sa maraming perks ng pagiging negosyante –
- Financial freedom
- Boosting other companies – business connection – helping more individuals to have work – uplifting Philippine economy
- Maiba – apart from I’m not keen on working outside the country, alam ko yung pakiramdam ng mga Kapatid kong OFW na uwing-uwi na.
- Galawgaw lang talaga ako – Gusto ko magawa ang gusto ko, makapagserbisyo sa tao, kumita at masubukan ang iba’t bagay gamit ang aking kakayahan.
- Matulungan din aking kapamilya
- Lumaki ako sa hirap – papasa ng pang Maalalaala Mo Kaya o Magpakailanman (pag movie gusto ko ala Hunger Games)
Bow!
Sakto itong article sa akin, magsisimula palang po kasi ako ng negosyo. Nasubukan ko na rin maging empleyado pero hilig ko kasi talaga entrepreneurship. Thank you for inspiring me. 😀
hi Prelel!
Thank you sa iyong pagbisita at masarap sa pakiramdam na na-inspire kita. enjoy mo lang ang journey kahit ups and downs ay maarami kang matutuhan na magagamit mo rin sa iba’t ibang aspeto ng iyong buhay.
at appear mainam ang taong may entrepreneurial spirit mabuhay! By thew way, inalis ko yung isang link mo dahil napupunta sa spam. don’t worry naka-link na yung name. 😉
A true confession from sawa na sa pagiging empleyado! I feel you… I know having a crazy shift schedule at work, daily commute and a boss to endure. Now, I’m finally Free! =)
HI Einz! Thank and welcome sa hoshilandia!
Honestly, masarap sa pakiramdam yung may maka-relate sa akin. Nakakabang pangatawanan ang ganitong path (pero ayoko na balikan ang pagiging office girl) pero so far worth it naman yung experience.
Mabuhay sa atin 😉
Kung passion mo talaga, I think magfo-flourish siya. Slowly, but surely. I think magiging successful kasi napagdaanan mo yung mga challenges sa entrepreneurship and alam mo na pa’no gumalaw according to circumstances!
Good luck ate!
🙂
-Steph
http://www.traveliztera.com
Salamat Steph and welcome sa Hoshilandia!
Sana nga at pagsisikapan ko na matupad ito. enjoy lang ang ups and downs 😉