These days my inspirations are Filipino contestants in Asia’s Got Talent especially Junior New System and El Gamma Penumbra. Of course I also admire Gerphil Flores at Gwyneth Dorado. Why? (May I address these to those asking why Filipinos always say “I’m proud to be Filipino”) Because I appreciate talent and triumph through hardship and perseverance.
We know that majority of Filipinos are very talented in singing, acting and dancing kaya nga madalas kailangan na lang natin ng panggulat factor para um-appeal sa atin ang mga sumasali sa talent show. Hindi na kakaiba rito ang mga Pinoy na sumali sa AGT. Tingin mo ba papansinin ng iba ang Junior New System kung may Streetboys at G- Force? Wala akong kini- criticize alin man sa mga ito. Ang pagsikat ay nakabase sa maraming elemento na bukod sa talent kailangan ng tiyempo, suwerte at pagtanggap ng pagkakataon.
Junior New System of Asia’s Got Talent
Nababalitaan ko lang ang AGT at nagsimula lang akong makapanood noong mag-share sa Facebook sa Len Armea nang tungkol dito at Junior New System. Doon ko nalaman na kilala ko rin pala ang mga judges dito na sina Melanie C (Sporty Spice of Spice Girls), Vaness Wu ( F4), at songwriter and hit maker David Foster ( The Prayer, Through the Fire, You’re the Inspiration, It’s hard to Say I’m Sorry etc). I don’t know Anggun before, but I’m now curious who she is. Anyway, gaya ni Vaness na may palo pa sa lamesa habang winawasak ang upuan niya sa pagtalon-talon ng paupo, ay napa-wow ako sa mga batang ito.
I believe maraming Pinoy at ibang foreign dance group ang makakagawa ng kanilang tumbling or steps. However, dun sa kanilang number for semi-final wala ka ng magiging paki sa iba because they truly owned the stage. Espesyal na part na doon ay nung nag-golden high heels sila na even pro and veteran dancers can attest that it’s hard to groove wearing this kind of shoes. Siempre ang talagang wow sa wow sa kanilang performance ay yung solo tumbling na pa-back sa tamang beat ng song at lighting. Yun, yun ang inspiring dun at nakaka-move dun.
You know in life, there are situations that you have an opportunity to show your talent. Sometimes even you’re prepared, if you didn’t do your best or can’t perfectly execute your ideas- the chance is gone in seconds. I believe that’s the inspiring part of Junior New System – these boys dance multi-genre steps in sync and gracefully.
May nabasa akong comment na I don’t know kung Pinoy or foreigner sa Youtube nakakasawa na raw ang mga Pinoy na magsabi ng “I’m proud to be a Filipino” dahil sa mga kagaya ng victory na tinatamasa so far ng Filipinos sa Asia’s Got Talent. I agree kung paulit-ulit nga naman pero yung mga sumunod na comment na isang indication iyon ng pagiging weak ng mga Pinoy I strongly disagree. Susundan ko ang sinabi ni NCCA chairman Felipe de Leon sa paliwanag niya sa word na “kita” gaya ng sa ‘Mahal Kita.’ Sinasalamin natin ang sarili sa ating kapwa na para bang karugtong sila ng ating pagkatao. Kung paano ang lungkot na nararamdaman natin kapag may namatay ( sa SAF 44 at typhoon Yolanda) at nagwawagi.
Masasabi ko bang weak ako kasi na-appreciate ko ang tagumpay ng El Penumbra, JNS, Gerphil Flores and Gwyneth Dorado? Alam kong mahirap sumali sa contest at patunayan ang galing mo. Ganun din sa buhay kahit alam mong magaling ka pero kailangan mong lumaban, patunayan ang iyong galing at i-push ang iyong sarili.
Out-of-the box El Gamma Penumbra
Nakapanood na ako noon ng iba’t ibang klase ng shadow dance. Madalas kwela lang ang tema at siguro hindi pulido pero dito sa El Gamma Penumbra hindi lamang perfect ang execution kundi may sense ang message. Iyong first performance nila sa AGT ay may kinalaman sa love and travel then yung second naman nila ay love and peace. Sa nangyayaring giyera at bakbakan sa loob at labas ng bansa. Sino ang hindi maaapektuhan sa kanilang production number?
“I just want to say that I live in a box, where I make music in a studio. And tonight, I got to come outside of my box and see something that was so, so moving and magical. It’s just amazing.”
Komento ni Foster pagkatapos mapanood ng El Gamma sa unang pagkakataon.
“I’m just extremely moved by what I just saw. It was really emotional. You made me really proud tonight. I’m sure you made Filipinos proud tonight. Thank you. That was flawless.”
Saad ni Agggun na nag-press ng Golden Buzzer para ma-elavate kaagad noon sa semi -final ang Pinoy group.
Karamihan ng mga Pinoy na sumali sa Asia’s Got Talent ay sumali na rin noon sa mga local talent show gaya ng Pilipinas’ Got Talent at X Factor Philippines. I read comment about Gerphil na natalo noon sa PGT, isn’t amazing na hindi siya naduwag na lumaban sa AGT. Agree rin ako sa mga sinabi ng judges kay Gwyneth na oozing sa confidence ang 10-year-old singer.
Again, why they are inspiring? Why it’s so common to hear “ I’m proud to be Filipino”? Dahil dahil great pa lang we’re MABUHAY! Yeah know!
Pingback: Filipino singers na sumikat, mula sa Talent Shows