Nabasa ko na ang libro ng radio host and motivational coach na si Chinkee Tan na How I Made My First Million. Ayon sa book, it’s the ‘complete guide to make millions through your direct selling business.’ Base ito sa kanyang mga natutuhan sa ibang tao at personal na karanasan na magpapatatunay na may kumikita o yumayaman nga sa pagdi-direct selling, networking or multi-level marketing.
Kahit nung nangangahalati pa lang ako sa pagbabasa nito ay marami na akong natutuhan at namo-motivate ako talaga. Ganito kasi yan…
Allow me to share my own experiences sa direct selling and networking. Naging bahagi ako ng mga maituturing na direct selling companies na gumagamit ng multi-level marketing. Subalit, aminado ako na kahit “dealer” ako ay mas nagko-concentrate ako sa pag-aalok ng product o halos sa pagiging “retailer.” Hindi naman sa ayaw at walang balak na ipagpatuloy, iniisa-isa ko lang yung priority at strategy ko, ang isa kasing frustration ko ay yung mga taong…
“…Eager to earn, but neglecting to learn. We need to learn before we can earn.”
“You have to know what you are doing in order for you to know what you are building.”
Chinkee Tan
May ayaw um-attend ng seminar pero ang daling magpalagay na scam o wala naman mangyayari. Buti na lang kamo ay que trabahuin ko o hindi, maganda ang products and services kaya okay na ang kita sa retailing o direktang pag-o-offer sa clients.
Pagiging upline sa Networking. Sa ibang banda, medyo natamaan ako sa mga nabanggit ni Mr. Chink Positive regarding ‘upline.’ Iyong kailangan mapili mo yung magaling na upline kasi s’ya ang magpu-push at magme-mentor sa iyo. Yung upline ko kasi sa first multi-level marketing business ko ay never kong nakita. Suwerte n’ya sa akin kung sino man s’ya hehehe. Pero okay naman ako sa next upline ko sa second biz ko. By the way, parehong may kinalaman sa prepaid loading ang mga ‘yon.
Sa experience ko naman sa pagiging upline ay sa lahat ng na-encourage ko na magnegosyo ay bilang mo lang iyong nagpursigeng pag-aaralan nang husto ang kanyang manual o kit.
- May isa akong na-encounter na halos ako na ang umaasikaso ng kanyang mga transactions.
- Mayroon din na gustong mag-stage ng seminar pero siya mismo tamad pag-aralan yung platform o tool.
Actually it’s easy to speak about the business, ang mahirap ay kung paano niya iha-handle at i-lead ang kanyang downline. Bakit nga ba s’ya nagnegosyo? At paano n’ya palalaguin kung hindi n’ya alam kung ano ito? Ang basic nga na payo ni Chinkee ay…
“Never invest in something you do not know, no matter how profitable maybe.”
Despite of these problems, I still believe that entrepreneurial Filipinos can have extra or better income with direct selling. They just need to be informed and have the right mindset tungkol sa bagay na ito. Alam ko na marami ang “allergic” sa term na “networking” and “multi-level marketing.” Pero kahit magbasa pa tayo ng advertising, marketing, and business books walang masama dito lalo na ‘pag pinaghihirapan. Sa totoo lang din ay maraming negosyo na gumagamit din ng ganitong istratehiya sa style ng leveraging.
Ang nakakakaba talaga ay ang nangangako nang malaking kita nang wala kang ginagawa maliban sa pagbibigay ng malaking pera. Hindi (pa) ako magaling na upline at expert sa direct selling kaya gusto kong matuto kaya swak itong How I Made My First Million at baka sa mga susunod na blog post ko ay ang article ko na ay tungkol sa How I Made My First Billion Through Direct Selling.
“It’s hard to look for something if you do not know what you are looking for. Even if the opportunity could be staring at you in the face, you might not even recognize it.”
Sa book din na ito ay pinagkumpara ni Chinkee ang kagandahan sa direct selling sa franchising, entrepreneurship, at employment. Samantala, ang How I Made My First Million ay isa lamang sa mga libro na nabasa ko mula sa Money Kit ni Chinkee.
Thank you so much for sharing your story. I am a distributor of world class quality beauty and wellness product of a big networking company. I also bought already chinkee money kit. I want to learn more para makamit ko ang first million. Home base lang ako kasi full time mom. Aaminin kong nahihirapan akong kumita online.
Hi Janelyn and welcome sa hoshilandia!
welcome at thankful ako nakakuha ka ng something sa pagbabasa mo rito. I think because of the phobia and stiff competition na rin kaya mas lalong mahirap. Pero wala naman hindi nakukuha sa tyaga at determinasyon. Yung direct selling for me kailangan ng combination of strategies hindi lang traditional, online, at guerilla marketing, kundi higit sa lahat relation-based marketing. malaking tulong yung word of mouth 😉
Mabuhay sa iyo at sana’y soon makamit natin pareho ang ating goal. kita-kits na lang sa pictorial Entrepreneur or Forbes Magazine 😉
Pingback: Essay: Kahalagahan ng Edukasyon sa Panaginip, Pangarap - aspectos de hitokiriHOSHI
Pingback: Solopreneur: freelancer, self-employed or independent worker?