What makes most people like or dislike about Star Cinema’s latest offering Etiquette for Mistresses is Kris Aquino. Plus the fact that it’s another kabit story that some moviegoers want to stop patronizing. I am part of those people too, but I choose to watch because I am curious and because it’s Chito Roño’s film. And one more thing, it has interesting ensemble cast that includes Cheena Crab, Iza Calzado, Claudine Barretto, and Kim Chiu.
Etiquette for Mistresses: who’s the hatak, the charmer, the pitik, the punch, and the lucky moon
Maraming extra or special participation na sikat dito na naalala ko like Sam Concepcion (I don’t know why him pero Ok lang naman), Arci Muñoz, Pilar Pilapil, Helen Gamboa, Eddie Gutierrez, Zoren Legaspi, AJ Dee, JC Parker, Piolo Pascual, Derek Ramsay, Jenny Miller, Dan Fernandez, Sherwin Gatchalian, Tirso Cruz III, Cherry Pie Picache, Freddie Webb and Aiko Melendez. But of course, alam na natin kung kanino talaga iikot ang istorya.
The lucky Moon – More or less, predictable ang papel ni Cheena Crab sa movie. Pero ako clueless din kung bakit siya ang kinuha for this role pero sa hula ko at sa opinyon ko na rin- it’s time to feature naman ng new face. As Charley Mariquit, the mistress of Business Tycoon Wang Jie (sic) light si Cheena. Hindi siya over the top na ‘pag binigyan ng eksena gusto kamkamin ang exposure. S’ya yung tipo ng masarap na ikaibigan kasi maalaga at galante sa pagtulong. Pero oo, masuwerte talaga si Cheena sa movie na ito.
The Catch – I don’t think Kris offers new sa film na ito, pero kung ang basehan ay ma-feature ang finesse na klase ng kabit ay na-deliver naman n’ya. Kinikilala ko rin na may “hatak” factor pa rin si Kris sa mga tao at sa opinyon ko alam ni Direk Chito ‘yan.
Naisip ko lang bigla si Cristine Reyes nung s’ya ang gumanap sa No Other Woman– naging powerful ‘yong role n’ya, hindi dahil sa sobrang galing at ganda n’ya kundi nagawa yong role na sobrang layo sa image at personality niya. Pero let’s go to the basic na lang Kris is Kris, period.
The charmer– alam din natin na kung isang networking ang movie na ito ang downline ni Kris ay si Kim. At kita rin yun sa film at kung nabasa ni Kris ang script bago pa ang casting mukhang perfect ang kanyang idea. Gusto ko yung pagka-singer dito ni Kim lalo na yung Cebuana song niya… sarap sa tenga. Sana gawa pa siya ng ganyan para ma-push din ang mga regional song or dialect.
And it brings back yung palagay ng loob ko sa kanya. I believe kung hindi pa ito ang level up- ang Etiquette for Mistresses ay puwedeng stepping stone ni Kim na kumawala sa rom-com genre. IMHO I see the potential na para s’yang doll na puwede mong ayusan sa kung anong gusto mong style o arteng gusto mong palabasin. I don’t think ready na siya sa heavy drama, but who knows what else Kim can offer. Kailangan lang n’ya ng kakaibang project like this at mahusay na director like direk Chito.
Tsika ko lang I find it interesting pero may something sila ni Jake Cuenca sa drama, feel ko yun sa Ikaw Lamang at dati sa Tayong Dalawa. Pero siempre KimXi Tayo sa kiligan.
The pitik – for me ang puso at essence ng story ay nasa mga kararkter nina Iza Calzado at Claudine Barretto. For Claudine- welcome back sa drama world because you give justice and your role is fantastic. Super powerful ng conversation mo with Gabriel (Eddie) ‘s wife (Pilar Pilapil) na I guess maraming kabit at number 1 ang naka-relate. Sa akin ang dating nito ay nakakaawa actually ang mga babaeng na-involve sa lalakeng hindi makontento sa buhay (sarap nilang lipulin). Naramdaman ko yung sakit- shakit-shakit nga eh huhuhu! Ayoko mangyari yun sa akin- sobra!
The Punch– Noong una kinakabahan ako kasi akala ko hindi mabibigyan ng better exposure sa movie si Iza, which is nakapapanghinayang kung oo kasi knowing her may angas s’ya sa drama. Bat day ang taray ng mga linya niya about ”defining yourself as a woman” at ang klasik pa nito lawyer ang career niya as Stella Garcia. Sobrang nasuntok ang diwa ko sa bigat ng linya at ganda ng delivery n’ya ha- not preachy pero full of wisdom and emotion. Parang it’s hard to explain na ang masasabi mo na lang ay “nagmahal e” pero hindi s’ya tanga kundi tinanggap n’ya.
Etiquette for Mistresses’ Other elements
Dahil ang lakas ng pagka-character-driven ng story ( based on novel written by Julie Yap Daza) halos hindi mo na rin papansinin ang ibang element. Pero kung may napansin ako yun na yung mga kanta ni Kim sa lounge, sa sala ni Charley at sa studio. lakas maka-Good Vibes lalo na yung lakad nya na sa altar with Papa P… hay nangarap tuloy ako. Of course hindi rin pahuhuli dyan ang kantang You don’t Own me na inawit ni Madam Helen Gamboa sa movie at manay Lani Misalucha sa studio.
Sa story parang napansin ko na lahat ng may kinabitan ay oldies. Ganun ba talaga sa buhay- Palaging older na older ang guy ang naghahanap ng kabit o common yun? Sa mga kakilala ko kasi wala sa age e, nasa ganda at personality talaga.
Overall , I like this film because it brings meaning sa pagpapahalaga mo sa sarili mo bilang babae. It’s liberal din kasi it doesn’t actually preach you about single ideas but let you know the world na papasukin mo. Tama naman sila na iba ito sa typical mistresses movies. Mabuhay!
Pingback: Movie Review: A Second Chance - aspectos de hitokiriHOSHI