Sa pagpapatuloy ng aking Movie Review ng A Second Chance, gusto kong tutukan ang pagganap nina John Lloyd Cruz and Bea Alonzo bilang Popoy at Basha Gonzales. Babalikan ko rin ang kanilang karera base sa aking memorya at sariling sentimiento tungkol sa kanila. Para sa akin kasi na-surpass na nila ang awkward stage ng mga artistang sumikat mula sa love team.
A Second Chance: Lloydie as Popoy Gonzales and Bea as Basha
Minsan pa ay hindi ako binigo ni Lloydie, sa pag-revive niya kay Popoy at sa kanyang mahusay na pagganap. Gaya ng nabanggit ko sa unang part ng Movie Review I ay naramdaman ko yung inis, hirap at frustration ni Popoy. Ewan ko kung made-deliver yun ng ibang actor, but so far siya pa lang sa mga napanood kong Pinoy na artista ang may ganoong depth.
Hindi ko alam kung paanong ang simpleng pagtapon ng bill ng kuryente, pagyuko n’ya sa halik ni Ara (Arci Munoz), ang paghagis n’ya ng plato, at ang pagtingin n’ya sa marker ng kanilang opisina ay ang lakas ng dating sa akin. Alam mo yung hindi lang dumaan yung mga eksenang iyon kundi nagparamdan na may something sa kanya yun. Ganun katindi! What more pa sa mga eksena n’ya na nagbitaw na siya ng matitinding dialogues?!
At ilang beses kong uulit-ulitin na humahanga ako sa actor na kapag pinapanood ko sa movie, hindi siya ang nakikita kundi ang karakter n’ya. As Popoy ganun siya sa akin at kahit na as Sir Miggy (A Very Special Love, You Changed my Life, and It Takes a Man and a Woman). See! Siya pa lang ang artistang naalala ko nakakagawa ng ilang movie sequel at nakapagmarka ng 2 classic characters at parehong box office hits pa!
Sa part ni Bea, habang pinapanood ko siya dito sa A Second Chance ay hindi siya ang Bea na GF ni Zanjoe Marudo o yung dating Teen Star ang nakikita ko, kundi si Basha na kasangga ni Popoy. Yung kahit lintik naman, sarap iwan ng ka-tandem n’ya dahil sa ang hirap-hirap nitong intindihin ay nariyan pa rin s’ya. Makikisimpatya ka sa pinagdadaanan n’ya at kahit ayaw mong iwan nya si Popoy, maiintindihan mo rin kung in case na gawin n’ya.
Favorite kong eksena yung ipinagmamalaki n’ya si Popoy sa pinsan nitong si Pedro ( Billy Crawford), yung pinisil niya ang kamay ni Popoy para pigilan ang client, at yung pag-aayos niya ng bahay nila, at pagbili niya ng gamit na may nakasalubong siyang classmate. Actually ipag-plus-plus mo yung mga eksenang iyon pero ibibitaw niya lang ang suma total sa hagdanan ng bahay nila. Teka napaisip ako… kung episode ito sa Maalaala Mo Kaya dapat title nito ay Hagdan o Altar. Chuz!
John Lloyd, Bea and Their Love Team
Hindi ko nasundan masyado ang love team nina John Lloyd and Bea pero yung sa kanila ay ang ideal love team. Kasi kahit never na naging sila, nandoon yung spark at yung spark na yun nanggagaling sa kanilang galing sa pag-arte. Yung arte na hindi panloloko kundi artistry. At hindi yung sikat sila kasi dahil sa kung anu-anong pinaggagawa nila off-cam.
Sa dami nga ng projects ni JLC, na-appreciate ko lang talaga siya nung napanood ko ang Maging Sino Ka Man. Dumura lang s’ya doon (ekseina with Christopher de Leon) pero wow pati iyon ay may acting? Napanood ko rin yung film series niya with Sarah Geronimo, then yung sa kanila ni Toni Gonzaga at Angel Locsin. Yung mga movies na iyon rom-com na rom –com pero nevertheless ipinamalas pa rin ni JLC yung acting prowess n’ya. Okay din ang galing n’ya sa The Trial na kahit marami na ang gumanap sa ganung papel ay iba pa rin yung atake n’ya. And Come to think of it, JLC is not a hunk, singer or dancer pero solid na ang kanyang career sa showbiz dahil sa kanyang galing lamang sa acting. He’s a proof that you don’t have to be a multi-talented basta you deliver and love your craft.
Kay Bea, ang nagmarka siya sa akin bilang isa sa katangi-tanging artista ng Dos na pinapaganap ng mas matanda kaysa edad niya ( like what they’re doing kay Julia Montes) and I think na-survive niya iyon dahil kaya niya at patuloy naman niyang pinatutunayan. Well she once tried na maging recording artist at nagsasayaw din sya dati pero good thing na nag-concentrate siya kung saan sila magaling ni John Lloyd.
Kung ako ang tatanungin, ang ultimate recipe of longevity sa showbiz ay hindi fame and love team, kundi talent. Kaya I commend those longing to master their craft because there will never be second Bea Alonzo, John Lloyd, Piolo Pascual, Christopher de Leon or Fernando Poe Jr. Nakakalimutan ng iba commercialism is a big factor, but you can’t commercialize sa mahabang panahon ang star na walang talent at kulang sa paghandle ng sarili. Tandaan sana ‘yan ng mga young actors ngayon.
Verdict: So for me, it’s 5 stars out of 5 stars for A Second Chance. People behind this movie deserved awards and recognitions including another record-breaking box office hit.
Hay nakoo diko pa napapanuod… ang haba ng pila nun sunday … i love john lloyd cruz talaga ewan ko ba…
panoorin mo girl… makakhugot ka ng maraming quotes at superb ang acting nila especially siempre si Lloydie.
ayan a, hindi pa ako fan talaga ni JLC nyan ha pero ilalaban ko talaga ang acting nya. hehehe
Pingback: Movie Review: A Second Chance - aspectos de hitokiriHOSHI