I…You Piolo Pascual!!! 8


Hindi ko pa napapanood  ang latest flick ni Piolo Pascual na OTJ  kung saan kasama n’ya sina  Gerald Anderson at  Joel Torre , pero  gusto ko i-try . Magaganda ang mga film reviews na nahahagip ko tungkol sa  pelikula. Sana ganun na lang ang intriga sa showbiz ano? Nakabase sa  talent, fashion, and inspiration.

Stardom of a Hunk Actor

Sa lahat ng miyembro ng The Hunks (Piolo, Diether Ocampo, Carlos Agassi, Bernard Palanca, and Jericho Rosales before (ito na naman ako) kay  Echo ako humahanga.  ‘Wag na sa usapang  macho, talent na lang. At doon na  niya  mahigpit na naging  karibal si Piolo. Ang actor na macho na, guapo pa, magaling umarte at sunod –sunod ang proyekto.

Okay , nakita ko na s’ya noon sa At iba pa , children’s show na nakalaban later on ng Batibot at sa movie na Batang PX starring Patrick Garcia. Pero gaya  ng karamihan, mas  napansin ko  s’ya sa mga project nila ni Judy Ann Santos.  Sa dami noon, ang nakita ko lang naman ng buo ay Bakit Di Totohanin.  Bukod d’yan napanood ko rin ang movie nila ni Claudine Barretto, Milan, at 9 Mornings kung saan leading lady niya si Donita Rose.

Pero sa Dekada ’70  nagmarka ang kanyang pagiging actor, epic flick nila ni Vilma Santos na hayun ‘di ko pa rin napapanood . Interesado rin ako na ma-sight yung episode n’ya sa Maalaala Mo Kaya na isa s’yang  teacher na nabaliw.

See, hindi  s’ya basta sumikat, pinatunayan niya  ang kanyang sarili bilang star, actor  and  performer.  Kung ‘di mo pa alam, sa indie or not so mainstream film Lagarista s’ya nag-umpisang mapansin. Hindi man siguro tumabo sa takilya ito, doon naman umangat s’ya unti-unti or else   hindi sisigaw si Toni Gonzaga ng____! Sa commercial na ‘to.

I don’t Love Piolo but…

I admire him as an actor and as a star. I’m aware of the intrigues na pinupukol sa kanya. To tell you honestly , wala akong paki kung totoo o hindi.  Ang nagma-matter sa akin ay ang Piolo na nasa TV at movie. Aanhin ko ang celebrity na  lalaking-lalaki nga pero bano nama umarte  at aanhin ko rin ang magaling nga  umarte ang pangit naman ng personality. So far , bukod sa  gay issue  na pinupukol sa kanya wala pa naman  akong nabasa na  nagsabing ang sama-sama  n’yang tao.

Piolo Pascual & HoshiAt ito pa, na-meet ko s’ya in person noong 2007. Gaya sa TV ay guapo s’ya at makisig, pero isa lang ang umiikot na ideya sa kokote ko  habang pinagmamasdan s’ya ng  malapitan. Kakalimutan mo ang intriga tungkol sa  kanya,  basta s’ya si Piolo Pascual– ang sikat at award-winning  hunk actor,  bibihira ‘yan nowadays.


About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Online Publisher, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Technopreneur, frugal Traveler, Cinephile since birth, natural Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial, and Multipotentialite or Yuccie?


Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

8 thoughts on “I…You Piolo Pascual!!!