Freelancing 101: Paano makipag-deal sa client o boss?


I guess mas easy na ang freelancing ngayon kasi marami nang nauna at uso na ang mentorship. So if you’re new sa field na ito I recommend that you find support group or keep on attending seminars about telecommuting or solopreneurship.  Pero may ibang aspect na mahirap masabi kung kailan o paano makipag-deal sa client or boss na mas madali?

Before I proceed, magdi-disclaimer na ako parang ‘no therapeutic claim’ lang… ang susunod na mga tsika ay base sa sarili kong opinion, observation, and experience.  Hindi ako expert at wala akong pinariringan na personal, gusto ko lang mag-share ng insights para sa ekonomiya – Chuz!

hugh williams

Be honest analyzer/ identifier

Hindi naman pang-psychiatrist or psychologist level, pero it’s good if you know how to analyze personality. Pero kung hindi ka mabilis (gaya ko), basta sa first meeting n’yo be modest and pleasant, and don’t joke. Say your background or expertise, but be true if you don’t know something they’re asking. For me, I rather be rejected ng company or clients because I’m honest than we become both frustrated due to broken promises. I am super thankful if they accept me for who and what I am.

Rule of thumb- Know their culture

Whenever I answer this job interview question “do you have question about the company?” My default answer is ‘can you tell me about your important rules, deadline, or culture.’ It works kasi feeling nila  (at saka for your na rin ) gusto mong maging “belong.”

Saka don’t be scared to ask or share your insights, then be open-minded sa kanilang concerns. Iyong  matino n’yong usapan ay guide n’yo pareho. Sa freelancing, dehado ka rin if you don’t know how to speak up.

Huwag maging complacent

Siempre dapat follow the rules at gawin mo ang trabaho mo, don’t settle sa okay naman na kayo. Kasi may mga businessman na oo lang ng oo pero ‘pag tapos ng pag-uusap n’yo ayyyy kaloka ang daming demands. O ‘di talaga kayo nagkakaintindihan. Sasakit ang bangs mo kapag feeling mo inabuso ka na or sila ang sasasakit ang ulo sa iyo kasi pasaway ka.

BBQ Night Cook and Cashier Mary Ann Gonzales.

The truth is, in freelancing and solopreneurship, you need to level up your adapting mechanism na makipag-deal sa client o boss. Mahirap if you’re temperamental or too sensitive…dito ‘di uso ang written notice and 3-day suspension – hello and goodbye lang ata!

Patalastas

Mag-background check

If you can do simple background check, gawin mo ora mismo!  Ang lagay ba sila lang ang masaya na i-check  para pagtawanan ang laman ng resume/profile mo. This is for your security and assurance na you’re dealing with real professional people. Dito mo ngayon patunayan ang galing mo sa social media at internet researching (na isang klase rin ng trabaho online).  Magtaka ka na kung yung company ay walang matinong website at lalo na ni walang Facebook at Twitter accounts.

Check mo rin yung comments about dun sa mismong boss/ contact mo, kung may makikita ka. May theory ako na dalawa lang ‘yan para mapa-comment ang isang empleyado sa amo;

  1. galit o
  2. gustong-gusto kuno.

Isa pang matinding clue, magtaka ka kung bakit palaging naghahanap ng staff yung company/boss – maliban na lang kung recruitment agency yun. Dalawa lang din yan e –

  1. maraming kailangan na staff o
  2. papalit-palit ng tao

dun sa papalit-palit kwestyonable yun kasi puwede na…

  1. masyadong picky yung amo (puwedeng good or bad sign ito)
  2. Hindi nagtatagal ang mga tao dahil sa isa o maraming matinding dahilan (super bad sign).

Believe in your gut feel and learn when to let go

30-70 rule in saving

Ang hirap naman sabihin na i-let go ang opportunity dahil sa sabi-sabi  o pagiging judgmental. Sumubok ka kung wala naman mawawala at kung kaya mong may isakripisyo ( daig ng malakas ng loob ang magaling lang). Pero utang na loob bumitaw ka na kung:

  • Di tama ang schedule ng pasahod at kulang pa. Tama na ang isa, sobra-sobra na ang pangalawa, at nagpapaloko ka na sa pangatlo.  Ang problema kapag paulit-ulit ay maling sistema na!
  • Ang dalas at mabilis ang pag-iba-iba ng rules. Moody or may magulong utak sa management?
  • Masyadong maliit ang bayad para sa iyo para sa iyong effort. IMHO, hindi magandang papasok ka lang sa company dahil sa malaking sahod. Masarap magtrabaho kung gusto mo talaga ang ginagawa mo or you find it challenging dahil may natutuhan ka. For part time jobs, I don’t mind mas less ang bayad basta hawak ko yung oras at gusto ko ang work. PERO may tinatawag na underpay na rule of thumb.  Kung wala ka pang tiwala sa talent mo, pahalagahan mo ang time ang mo.

I think isa sa cool advice na nakuha ko na applicable sa  lahat ng namamasukan, que freelance, part time or full time ay think of yourself as  an entrepreneur than mere employee.  Dapat alam mo yung value mo at paano mo i-negotiate yung service na kaya mong i-provide. Ikaw may tip ka pa ba kung paano makipag-deal sa client o boss?

Mabuhay!



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

4 thoughts on “Freelancing 101: Paano makipag-deal sa client o boss?

  • Nortehanon

    Actually, kung pwede nga lang talaga ay mag-freelance na lang ako. Mahirap din kasi yung nakapako ka sa silya elektrika ng isang opisinang maraming amo hahaha. How I wish puwedeng-puwedeng basta-basta na lang mag-retire into freelancing 😉

    Magandang araw sa iyo, Hoshi. Natutuwa akong basahin itong blog mo dahil nakikita ko how it has evolved.

    • Hitokirihoshi Post author

      hi Nortehanon! Merry Christmas and Happy New Year!

      salamat sa iyong pagbati, pagbisita at lalo na sa iyong komento. nakakatuwa!
      malay mo matupad mo rin pero siempre kapag handa ka na at nahanap mo yung eksatong paraan na magwo-work para sa iyo. iba -iba rin kasi ang takbo ng freelancing base sa tao, background, at goal. pero habang nandyan kapa enjoy ;). ang hirap din sumugod sa freelancing ng wla kang gaanong experience.

      mabuhay!