Honor Thy Father Review Part 2: Film of John Lloyd Cruz, Erik Matti


High pa ako sa A Second Chance so baka may something kaya ko gusto mapanood at sinusuportahan ang Honor Thy Father… pinabilib kasi ako muli ni Lloydie  dun pero nong napanood ko yung character n’yang si Edgar. Natakot at natuwa ako sa kanya…ang Lolo n’yo nagpakalbo so “bald and shoulder” ito. Chuz!

Read Part 1 of my Movie Review Honor Thy Father

John Lloyd Cruz in his most Fatherly Unromantic role

Nakakatuwa na as an actor ay hindi siya natakot magmukhang pangit sa kamera. Hindi sya nakadepende sa kung sino ang kanyang kapareha at kung hihilera ba ang kita nito sa mga past films n’ya? Hello, pinagtulung-tulungan siyang itumba ng mga 5-6 na kalalakihan dito, magminero sa ipisan estero, at nagpasabog ng kubeta, ahihihi!

If this is not his most award-winning performance, this is possibly his most physically-emotionally-mentally challenging role so far. Ni- revolutionize yung lalim ng acting n’ya sa paglalagay sa kanya sa hindi mo nakasanayan at maaksyong senaryo. Hindi lang luha ang pumatak, kundi dugo, pawis, uhog, buhok at pati halos acting spirit n’ya lumuwa na.

Favorite kong mga scene ay yung last scene yung nasa tabi n’ya si Kaye (Meryl Soriano) na bugbog -sarado, yung wala na s’yang nagawa nung ginahasa ang bahay nila, yung family gathering niya sa Bontoc, at yung ipinagtanggol n’ya ang asawa n’ya sa kuya n’ya kahit aminado s’yang may kasalanan iyon.  Yun ang tunay na sweet ano! Actually, ipinakita ni JLC dito ang tunay na lalaki, ama, at  asawang Pinoy na nagmamahal.

By the way, magaling din dito si Meryl (deserve nya rin manalo), Perla Bautista, ganun din sina Dan Fernandez ( ewan ko ba sa dura nya), Khalil Ramos,  at Boom Labrusca.

 

Honor thy Father, Demand for better films!

Nabasa ko ang acceptance speech statement ni direk Erik Matti

Patalastas

“Sa lahat naman ng Pilipinong hindi pa rin nagsasawang manood ng mga gawa namin dito, salamat sa inyo. You deserve better. Kaya tulungan niyo naman kami. Demand for better films! Demand for more choices in the cinemas! Kaya pa natin baguhin ‘to. Hindi ako titigil kung hindi rin kayo titigil.”

At ang sagot ko ay

“Please wag po kayong tumigil gumawa ng magandang films. At sang-ayon ako sa sinabi nyo ni Cesar Montano about sa kalakaran ng film festival dito. Yan tuloy pati mga filmmakers nag-a-abroad na rin para makasali sa international film festival.“

Balik tayo sa tanong…deserve bang mapabilang sa Best Picture? Namen! Kung ‘di dito sa ibang film festival at sana sa puso rin ng mga manonood.”

Bakit ba mahalaga sa filmmakers and moviegoers ang Film Festival?

IMHO at sariling pag-aanalisa…

  • Maganda ang  date ng MMFF (Metro Manila Film Festival) dahil December, bakasyon at may extra na pera ang mga tao kaya willing silang manood ng sine.
  • Ang MMFF ang pagkakataon para maipakilala naman ang mga pelikulang Pinoy, kahit anong genre, sino ang gumawa, at kahit sino ang artista.  Dapat nga sa panahon na ito, nakapapanood tayo ng mga tipo ng film na bihira natin napapanood sa regular date. Sa side naman ng mga filmmakers, ito ay extra mileage para sa kanila para ma-promote ang kanilang pelikula kahit kulang sila sa budget. Ang iba ay hindi naman after sa box office, kundi sana panoorin din sila. Sapat na kita na halos balik-puhnan at makilala ang kanilang sining. Parang business address na nailagay sa business directory at classified ads.
  • Bakit naiiba ang MMFF ngayon – Naalala ko lang noong magsimula akong maging aware sa MMFF…ang hindi kumikita ay  alam mong  ‘di  rin kagandahang pelikula. Magandang example d’yan ay nung 2001 ang available films ay Tatarin ( an adaptation of Nick Joaquin’s novel), Hubog (by Joel Lamangan), Bagong Buwan (By Marilou Diaz Abaya), Yamashita The Tiger’s Treasure, Bahay ni Lola, Susmaryosep, at Di Kita Ma-reach.  Iyong last two ang di kumita. Nung pumasok ang Enteng Kabisote film series (started in 2004), doon medyo unti-unting naiba ang trend. No question dun pambata e, saka I believe Vic Sotto is after sa entertainment value (and of course kita let’s face it) at hindi sa awards. Saka nandoon pa rin naman ang Sakal Sakali Saklolo (tumalo sa Enteng Kabisote 4 sa Box Office), Panaghoy sa Suba, Baler at Crying ladies (Sharon Cuneta)  Ngayon? Super ‘di na balanse. Palpal na ang may sinasabing films dahil dehado na sila sa box office,  “baka” sa awards at exposure.  Aminin natin, itsapuwera na talaga. Kung tutuusin para saan ba talaga ang film festival?
  • Ano magagawa ng MMFF– as simple as sana ay maging patas kasi yun ang hindi nararamdaman ng mga filmmakers.  Bilang moviegoer  nararamdaman ko rin e. No offense din, but marami movie outfit ang kaya naman mag-produce sa regular date at bakit nandito? Kung may say ang MMFF sa dami ng sinehan go,give at least 1 week para sa lahat ng pelikula at sana maging mapili pa sa mga tatanggapin na entry. Bahala na ang audience kung ano ang trip nila sa mga entry at ilabas sana ng talaga ng one or two weeks ang mga entry. Tinanggap n’yo na rin lang yung mga entry simula’t sapol.

 

  • Ano ang magagawa ng mga moviegoers – manood din o unahin ang pelikulang may kalidad. Yes you deserve better and you can set the trend. Para yang eleksyon, may say ka kung anong klaseng gobyerno mayroon tayo -umpisa sa iyong boto. And watching a  good film is an investment too for your personality development, artistic/ cultural appreciation, and Philippine industry. Kung hahayaan natin na iilan lang ang kikita, tinatanggalan natin ng trabaho ang iba, nagkakasya tayo kung ano lang nandyan (mediocrity) at itinitigil natin ang pag-unlad ng sining at kultura ng Pinoy. Kung ikaw ganito sana huwag mong ipamana sa anak mo. Peace and Happy New Year 😉

 

Here’s John Lloyd’s opinion in doing Honor Thy Father

 

Update! Jericho Rosales pinuri si John Lloyd at Honor Thy Father



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

2 thoughts on “Honor Thy Father Review Part 2: Film of John Lloyd Cruz, Erik Matti