Movie review: Honor Thy Father part 1 2


Aware ako sa issue ng Honor Thy Father sa pamunuan ng Metro Manila Film Festival at

nakikisimpatya ako sa kanila  including John Lloyd Cruz, Erik Matti, at Michiko Yamamoto…gusto ko na ring umalsa noon, pero nagbalot-balot muna ako ng barya para makanood  bago dumakdak.  Baka mamaya di rin naman pala deserving ng support, mag-best picture at … I-movie review ko na nga.

Honor Thy Father is unconventional for today’s trend but…

 

It’s worthy of your money and time kahit dehins mo pa know sina John Lloyd, direk Erik at Yamamoto-san ay the material itself ang selling point nito.  If you’re hunger for, suspense, realistic scenery, at family oriented film kahit na unconventional approach this is it.  Kahit nga sa mga independent film festival ay mahirap makahanap ng ganito na atakeng mainstream yung mga shots pero yung directing, acting at script walang habas lamang na ala-independent film- MAPANGAHAS!

 

Pero ito naman talaga ang uso dati pa… nung buhay pa sina Ismael Bernal, Lino Brocka at Fernando Poe Jr. Mabuti na lang may mga sikat na nagta-try din ng independent film para kahit papano makilala yung iba.  Nag-try din naman yung mainstream producer hindi nga lang kinakagat ng tao so at the end of the day moviegoers din yan na kung maganda ang film panoorin nila. Yung mag-i-invest ka  na rin lang ng time and money sa quality films na and Speaking of investment…

 

Honor Thy Father features timely sensitive issues

Honor Thy Father john lloyd cruz…isa ito sa ilang isyu na malaking factor sa film. I think Yamamoto artistically discussed ang masalimuot na koneksyon sa pagitan ng money management at religious belief.   Alam mo yung nag-i-invest ka kasi ayon daw sa sign at hindi sa calculated risk? Alam mo yung pagdating sa pera ay kwestyunin mo na yung paniniwala mo? Pero wala naman dun yung isyu kundi sa desisyon na ginagawa mo. Feel ko yan mga yan  habang harap-harapang  binuburaot ang mga gamit nina Edgar (John Lloyd) at Meryl Soriano (Kaye). At umabot sa point na madamay ang kanilang anak na si Angel (Krystal Brimmer) at ma-trauma ito.  May nakilala akong batang ganyan sa totoong buhay. She thinks she’s ugly because of mockery out of debt and poverty.

 

Ang pinaka- sensitive issue sa film naman ay yung about sa religion. Napaisip tuloy ako kailan nga ba ako nakapanood ng pelikula na  may kinalaman sa religion? Himala (Nora Aunor), Santa-Santita (Angelica Panganiban & Jericho Rosales) at LaVisa Loca (Robin Padilla)? Sa movie, wala naman ipinako sa krus o napagaling, sinusukat lang ay pagharap sa milagro at totoo. Papabor ka ba sa gumawa ng masama kasi yun ang mabuting gawin o dun ka sa mabuti at hihintayin mong gawan ka ng kasamaan?  Sobrang like ko ang acting at aura dito nina Lander Vera Perez at William Martinez in character sila pareho… As for Tirso Cruz III, as always okay naman siya at parang tailored made yung role sa kanya. Medyo mas gusto ko lang si Ricky Davao sa ganitong role.

 

ang pinakamalaking  mind-blowing and heart pounding  sa film ay pagpapakilala nito sa pagpapapahalaga ng Pinoy sa pamilya.  Touching yung family gathering sa Bontoc na  finally lumapit si Edgar sa kanyang pamilya after so many years… na pag may problema ka kahit may asawa ka na at kaibigan ka  pa sa PAMILYA ka hihinga.  SILA ang dadamay sa iyo kahit  ANO PA MAN ang mayroon sa kanila at naging SINO ka. I think yung pagiging minero gang nila ay thrill factor  pero  yung pagka-solid nila as family ang gist.

Sundan ang part II ng Movie Review ng Honor Thy Father

about John Lloyd and Erik Matti 


About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Online Publisher, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Technopreneur, frugal Traveler, Cinephile since birth, natural Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial, and Multipotentialite or Yuccie?


Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

2 thoughts on “Movie review: Honor Thy Father part 1