Aware ako sa issue ng Honor Thy Father sa pamunuan ng Metro Manila Film Festival at nakikisimpatya ako sa kanila including John Lloyd Cruz, Erik Matti, at Michiko Yamamoto…gusto ko na ring umalsa noon, pero nagbalot-balot muna ako ng barya para makanood bago dumakdak. Baka mamaya di rin naman pala deserving ng support, mag-best picture at … I-movie review ko na nga.
Honor Thy Father is unconventional for today’s trend but…
It’s worthy of your money and time kahit dehins mo pa know sina John Lloyd, direk Erik at Yamamoto-san. The material itself ang selling point nito. If you’re hunger for suspense, realistic scenery, at family oriented film kahit na unconventional approach this is it. Kahit nga sa mga independent film festivals ay mahirap makahanap ng ganitong klase ng pagkakagawa na mala-mainstream kung usapang shots. Pero yung directing, acting at script walang habas na animo’y independent film- MAPANGAHAS!
Pero ito naman talaga ang uso dati pa… nung buhay pa sina Ismael Bernal, Lino Brocka at Fernando Poe Jr. Mabuti na lang may mga sikat na nagta-try din ng independent film para kahit papano makilala yung iba. Nag-try din naman yung mainstream producer hindi nga lang kinakagat ng tao– so at the end of the day sa moviegoers din yan na kung maganda ang film panoorin nila. Yung mag-i-invest ka na rin lang ng time and money ay maganda sa quality films na and Speaking of investment…
Honor Thy Father features timely sensitive issues
…isa ito sa ilang isyu na malaking factor sa film. I think Yamamoto artistically discussed ang masalimuot na koneksyon sa pagitan ng money management at religious belief. Alam mo yung nag-i-invest ka kasi ayon daw sa sign at hindi sa calculated risk? Alam mo yung pagdating sa pera ay kwestyunin mo na yung paniniwala mo? Pero wala naman dun yung isyu kundi sa desisyon na ginagawa mo. Feel ko yan mga yan habang harap-harapang binuburaot ang mga gamit nina Edgar (John Lloyd) at Meryl Soriano (Kaye). At umabot sa point na madamay ang kanilang anak na si Angel (Krystal Brimmer) at ma-trauma ito. May nakilala akong batang ganyan sa totoong buhay. She thinks she’s ugly because of mockery out of debt and poverty.
Ang pinaka- sensitive issue sa film naman ay yung about sa religion. Napaisip tuloy ako kailan nga ba ako nakapanood ng pelikula na may kinalaman sa religion? Himala (Nora Aunor), Santa-Santita (Angelica Panganiban & Jericho Rosales) at LaVisa Loca (Robin Padilla)? Sa movie, wala naman ipinako sa krus o napagaling, sinusukat lang ay pagharap sa milagro at totoo. Papabor ka ba sa gumawa ng masama kasi yun ang mabuting gawin o dun ka sa mabuti at hihintayin mong gawan ka ng kasamaan? Sobrang like ko ang acting at aura dito nina Lander Vera Perez at William Martinez in character sila pareho… As for Tirso Cruz III, as always okay naman siya at parang tailored made yung role sa kanya. Medyo mas gusto ko lang si Ricky Davao sa ganitong role.
ang pinakamalaking mind-blowing and heart pounding sa film ay pagpapakilala nito sa pagpapapahalaga ng Pinoy sa pamilya. Touching yung family gathering sa Bontoc na finally lumapit si Edgar sa kanyang pamilya after so many years… na pag may problema ka kahit may asawa ka na at kaibigan ka pa sa PAMILYA ka hihinga. SILA ang dadamay sa iyo kahit ANO PA MAN ang mayroon sa kanila at naging SINO ka. I think yung pagiging minero gang nila ay thrill factor pero yung pagka-solid nila as family ang gist.
Sundan ang part II ng Movie Review ng Honor Thy Father
about John Lloyd and Erik Matti
Pingback: Movie Review: My Bebe Love
Pingback: Honor Thy Father Review Part 2: Film of John Lloyd Cruz, Erik Matti - aspectos de hitokiriHOSHI