Movie Review: My Bebe Love starring AlDub, Ai-Ai, and Vic Sotto


My Bebe Love _Hoshilandia 2_FotorFirst of all congrats to Maine “Yaya Dub” Mendoza for winning the best supporting actress award sa Metro Manila Film Festival (MMFF) for her performance in My Bebe Love: Kilig Pa More. This is her first ever film and acting award. Secondly, i-open ko yung biases ko … I am fan of filmmakers who can do script and directing like Jose Javier Reyes and I have high respect kay bossing Vic Sotto. Lastly, I’ll be objective in this review kaya aalisin ko muna ang biases na  yan.

 

Why Watch My Bebe Love

 

Noong papunta sa sinehan,tinanong ko ang pamangkin (na nanlibre sa akin at fan ni Maine) ko kung ano ang expectation n’ya sa My Bebe Love. Simple, gusto n’ya matuwa at matawa. Sabi naman n’ya sabihin ko raw sa kanya kung ano sa palagay ko sa performance ni Maine. Ngayon…

 

Ang masasabi ko manood ka kung fan ka ng AlDub especially si Maine. For a first timer she can deliver sa mga realistic na banat. I just don’t like yung paulit-ulit na line with “hashtag.” Hindi rin naman catchy. Ang cool ay yung mga direct to the point na banat  ng karakter n’yang si Anna Carillo kay Dondi Tala-Tala(Alden Richards), dun may kilig factor. Ang ilan sa nagmarka na eksena ni Maine sa akin ay nung pinagkukumpara n’ya  ang namayapa n’yang mommy kay  Corazon Tala-tala (Ai-Ai delas Alas) at yung sinabihan n’ya si  Dondi ng  holding hands while tsika-tsika. Dun siya nag-shine I guess the rest chillax lang.

 

Speaking of Ai-Ai and no offense… Siya ang ‘di ko nagustuhan sa film na ito. I don’t know if yung acting n’ya ay according to direction or instruction sa script, but she simply just Ai-Ai in her most hysterical mode or what Eugene Domingo’s term TV Patrol acting. Halos consistent ang pagsigaw at galit-galitan nya sa film…sakit sa tenga. Di ko rin gaanong maramdaman ang pagiging tyahin na ma-care n’ya kay Dondi bukod sa mga dialogues n’ya.

 

Napapatanong tuloy ako…ito na lang ba maibibigay n’ya sa role or acting? Nagsasawa na ba ako sa acting n’ya o naghahanap lang ako ng bago? So for me, kulang sa artistic value at OA ang dating. Ibig bang sabihin nito ay nakadepende ang comedy n’ya sa dialogue or script? Parang wala sa timing o di lang mabenta sa akin kaya di ko na-feel. Pero kasi hindi s’ya ganito dati sa ibang film nya na napanood ko puwera don pa sa mga noon-noon pang baguhan pa lang siya.  So I hope sa next movie nila ( kung may part 2)  may maipakitang bago si Ai-Ai o hindi si Ai-ai ang mapanood naming kundi yung karakter na ginagampanan n’ya kahit comedy pa yan.

 

As for Vic (played Vito Carillo)…cool lang ang approach! Yes, ganun pa rin acting style n’ya pero nakikita ko ang acting n’ya  bilang ama ni Anna at yung konting amor  n’ya kay Corazon. Di ko ma-feel na love yun kundi pagkakaibigan with you know Pag-ibig Benefits. Ang maganda sa character n’ya ay na wala s’yang confrontation scene with alden, bagay na umay factor sa ganitong klaseng istorya. Parang lahat ng galit n’ya naka-direct either kay Anna or Corazon.

 

As for Alden…lovable s’ya at very pa-Bae na Alden I guess. Hindi ko masyado ma-weigh yung  acting n’ya kasi feeling ko kino-complement ( or support) n’ya ang atake ni Maine o nung karakter na ibinato sa kanya. Wala namang pangit, sarap nga maghanap ng Dondi sa totoong life yung iti-take ang relationship naming seriously ajijiji 😉  Siguro hindi lang masyadong challenging ang role or matagal ng panahon nung huli ko syang mapanood na umarte…yung tandem pa nila ni louise delos reyes.

Patalastas

 

Story and Best picture…My Bebe Love

My Bebe Love Movie TicketKung sense ng istorya meron naman, pero hindi ito eksaktong pambata kung ang trip ng mga magulang ay basta ipanood ito sa mga nila dahil PG Patnubay ng Magulang ay kailangan. Una may “tumbong” chat at pangalawa may “one night stand” sa film. Hindi ako conservative o moralista at puwedeng-puwedeng mangyari yun sa totoong buhay  pero need natin i-explain ang implikasyon na iyon…na kasi matanda na sila kaya okay lang gumanon? Ewan yun ang explanation nila e.

 

I ask Rica and myself kung ano ang moral values sa story ng film. Medyo pareho kami at yun na yun… “follow your  heart.”  Nababawan lang ako sa koneksyon at rason nito ng love affair nina Vic at Ai-Ai (pag matanda ka na kaya dapat maghanap ka ng kaligayahan) at sa pagtanggap na naiintindihan nila ang love affair nina AlDub kasi nagkaroon sila. Pero sige okay lang, actually yung film at si Maine ay sumobra pa sa expectation ko.

 

And I do understand na for box office and I respect the decision of MMFF (may magagawa ba ako) …pero I don’t think it deserved the 3rd place Best Picture award and Gat Puno Antonio Villegas Cultural Award.  I’m not saying this dahil nagkukumpara ako sa mga kalaban nito pero sa mga uri ng pelikula na nakatanggap ng parehong award dati.

 

Try this Game: Kapag nanood kami ng TV, ang isa sa laro namin ng mga kapatid ko dati at ngayon ni Rica ay hulaan ang mga lalabas commercial. Pampasaya habang nanood kami ng MBL, nagbilang kami ng products na inilabas sa film hehehe.

 

Next Review: Honor Thy Father

Coming Soon: Walang Forever

Next Coming Soon: Beauty and the Bestie



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

5 thoughts on “Movie Review: My Bebe Love starring AlDub, Ai-Ai, and Vic Sotto

  • Balut

    I’m drafting a post about the MMFF people’s reaction – fans, social media addicts, bloggers. critics, epals at lahat na ng mga pakialamerang makabulahan at “mema” lang but I stopped because I’m weighing if its worth the time lalo na ngayong half-hiatus ako sa blogging (ang gulo ng mga terms ko no?) lol.

    Lalo na akong tumigil nung nabasa ko pa yung kay erik matti (tama ba pagka-spell ko ng name nya? lol ulet). But I admit that I am very intrigued right now sa mga pangyayari but parang ayaw ko nang maki-sawsaw lalo.

    Anyways, kaya ako nag comment ay dahil sort of isa ka (as a blogger I mean) sa medyo na-touch ko dun sa post (na hindi ko naman itutuloy yata. lol na naman).

    Anyways, thank you for this article not because of the content per se but because nakabawas ka sa mga taong nakaka-ewan na mema na lang eh hindi naman nakapanood man lang kahit isang film dun sa MMFF pero talak ng talak ha (nakaka-urat sila). Wish ko lang sana inuna mo na ang HTF kasi gusto ko talagang makabasa ng blogger’s review nun. Post mo na dali 🙂

    • Hitokirihoshi Post author

      una naka-post na yung honor thy father review ko heheh. basahin mo na dali!

      2nd. nanood ako ng MMFF since di ko na maalala pero mas solid noong since 2001. I don’t think din na may right na mag-comment ang isang tao kung di pa pala nya napapanood.

      3rd – okay lang naman kung matamaan o hindi ako sa post mo 😉 I respect people’s opinion especially kung may sense. ang bashing yun ang non-sense. at the end of the day, mayroon tayong kanya-kanyang trip.

      4th- ang nilalaban ni erik matti at sinusuportahan ko ay patas na exposure, rules at trend. walang kinalaman sa laban nya ang box office hit, my bebe love at ano pa man. although lately nagbanggit na siya ng production behind na tsemetsenes daw hehehe.