Movie Review: All You Need is Pag-ibig


Sa lahat ng napanood ko so far sa Metro Manila Film Festival ay sa All You Need is Pag-ibig ako na-surprise. Hindi ko inaasahan na ganun pala ito kaganda. Akala ko sala-salabat ang istorya, yung tipong masyadong tagpi-tagpi at konting pa-cute. Pero hindi, ang bawat kuwento ng pag-ibig  ng mga karakter nina  Kim Chiu, Xian Lim, Ian Veneracion, Jodi Sta. Maria, Pokwang, Ronaldo Valdez, Nova Villa, Bimby Aquino Yap and Kris Aquino ay may ibubuga. And bonga ang promotion dito ng Coron, Palawan at Estero Binondo huh!All you need is pag-ibig kimxi

All You Need is Pag-ibig: Kilig na nakakangiti nina Jodi and Ian 

 

Aware ako sa tandem nina Jodi at Ian bilang Amor Powers at Eduardo Buenavista. Pero maliban sa early video clips sa Youtube nila ay wala na akong alam  tandem nila. Kaya hindi ko alam kung sugal o hindi ang pagsama sa kanila sa pelikula. Pero kung sa pagganap at karakter nila ang usapan – I like it!   Well sa mga unang part pa-tweetums si Mel na given na given na type niya ang boss nyang si Eric. Ang maganda lang kay Mel ay landing pamamaraan  ang taktika n’ya, may finesse at dignity pa rin. At ayos yung “password idea”  n’ya (whether this is original or hinalaw concept) dahil nagagandahan ako kung paano naipaliwanag at na-execute ng mga characters.

Katunayan, nawala sa utak ko na these are Jodi at Ian  at umaarte lang sila. Iyong kwento nila bilang sina Mel na may crush  kay Eric na sawi sa love life ang nakikita sa big screen.  I admit   guapo and charming si Ian dito, na deadma ka na lang kung ilang taon na ba ang karakter niya o siya sa totoong buhay. Best scene nila for me ay sa kotse  nung kinanta nila ang Bilanggo ng Rizal Underground at lahat ng sequence nila na may kinalaman sa password ( ngiting-ngiti talaga sa mga iyon –sign of kilig).   Nakakakilig din siyempre ang tandem ng KimXi, Ronald at Nova mas marami  lang akong kilig-ngiti moment sa JodIan (chuz tama ba?).

Nga pala gusto ko na OPM ang ginamit sa movie -kasama na ang same title song ni Yeng  Constantino – All you Need is Pag-ibig

Dramang real na real ang hugot – KimXi, Nova & Ronald, and Concio Sisters

 

Maraming beses din akong halos mapaluha dahil natamaan, naka-relate, naantig ang puso at napukaw ang aking kaisipan ng mga eksena.  Isa-isahin ko:

All you need is pag-ibig posterKimXi moment – Hindi super rom-com type ang character nina Kim at Xian dito sa All You Need is Pag-ibig. Surprisingly, wala akong maalala na kahalintulad ng kanilang karakter na sina Anya at Dino.  Well maraming story na mag-ex na nagkabalikan at di makapag-move on pero dito sa movie parang sila rin sa real life- walang label at wala rin naman yung tinatawag nilang ex with benefits other than understanding and deep connection siguro.

 

Bilang Anya, nadale ako ni Kim dun sa pagka-echusera ng mga kaklase niya. Yung akala niya sila ang nakapanloko para maiparaan lang ang reunion, yun pala ay inuungas siya ng mga kaklase nila. Masakit yun ha in real life! Pero nai-represent ni Anya (mabuhay sa screenwriters) at acting ni Kim yung pag-alagwa ng damdamin ko (halos medyo mangiyak ako ha). Totoo naman kasi na may mga tao na itataas ka kasi  ganitong lifestyle ang nakikita nila sa iyo. Pero hindi inaalala yung nagawa mong tama sa kanila dati at mabuting pakikisama mo sa kanila ngayon.  Pero sa lahat gusto kong line ni Anya ay iyon nung kausa n’ya ang daddy n’ya.

Patalastas

“Open-minded ka ba?… Powerful!” “Sana ganyan din ako magmahal, hindi madamot.”

Sa side ni  Xian okay sa akin ang acting niya sa kotse. Hindi ko masabi na nag-improve pero maganda ang delivery  n’ya ng mga lines lalo nung sinabi niya ang quote na ito (sana tama ako). “ Oh my God stop blaming the others… you always have a choice.” Tama lahat ng sinabi ni Dino sa eksenang kotse na ‘yun kay Anya. Mabuting advice sa sinumang pabebe, pa-victim, at pa-kawawa.

 

Sundan ang karugtong sa Part 2…

  • Kung saan part ako mangiyak-ngiyak
  • Musta ang performance ni Kris
  • eh sa part ni Pokwang
  • Estero nina Jaime at Loisa
  • Antoinette Jadaone

[hana-code-insert name=’Palawan Travel Book’ /]

 

 



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

One thought on “Movie Review: All You Need is Pag-ibig