♠♣♥ (Part 1) Dahil ang time and freedom ( work-life balance) ang dalawa sa mga bagay na mahalaga sa akin at hindi gaya ng kotse though gustong-gusto ko noon. If i have to choose between success and happines, sa happiness ako dahil para saan ang tagumpay kong di ka masaya. Ayon nga Kay Kara David “happiness is success” (Powerhouse). Hindi rin ito ang usual definition of success, na nakabase sa tingin ng ibang tao sa iyong persona at estado.
Dito ang No More Birthday Blues part 1
No more “despite,” just acceptance and positive thinking
Isa rin sa ayoko ng gawin ay paggamit ng word na “despite” mentally, emotionally and spiritually. Dati kasi parang kahit kapag nanalangin ako ay ‘di ko maiwasan na balikan pa yung dati at magkumpara (frustration) so I use the word “despite” or “kahit na.” Alam mo yung dapat pa-thank you portion pero, biglang may sundot na “kahit na di ko pa…”
Ngayon kung if ever na mababanggit ko yun dapat ibang kahulugan na… Kasi kung gusto ko talagang matapos na ang isang pangit na bagay, dapat hindi ko na binabalik-balikan. Gusto ko pagtuunan kong ano ang mababago iyon at sana gabayan ako ng Panginoon sa mga susunod kong mga hakbang. Siguro sa principle na ito, malaking tulong din yung acceptance or embracing my identity. I accept that I’m imperfectly perfect with a heart. chuz!
Grittier Than Pink: Power of Instinct
Isa sa life goal ko ang ma-achieve ang financial freedom malayo pa naman pero aabutin ko! Minsan nag-usap kami ng nanay ko- naitanong ko kung anong gagawin ko ‘pag halimbawa senior citizen na ako, ang naisip ko ay mag-travel nang mag-travel. Talagang ‘di sumagi sa isip ko na maghihirap ako pagtanda ko, ganern!
Minsan din ay nagkaroon ako ng in-depth one-on-one conversation with my older male cousin. Siya yung kuya ko na nakasama ko sa paglaki o halos nagpalaki sa akin. Yung tanong niyang ang ayaw kong sinasagot… kailan ako mag-aasawa at magpapamilya? At dahil close kami sinagot ko with all my heart and understanding…
People of the Philippines this is my official statement chuz!
Siguro iniisip ng iba that I am choosy hindi naman juicy. Based on my confidence level, naniniwala akong maganda ako kaya hindi yun ang dahilan. Kung attitude doon mo ako idebate pero hindi ako masamang tao. Saka hindi ko man alam kung gaano ako kahanda, pero tingin ko kakayanin ko na masaktan sa pag-ibig (pero sana wag din) muli at ipaglaban ang lalaking worth it ipaglaban.
Naniniwala ako sa instinct ko, alam kong sa lahat ng lalaking nagparamdam sa akin ay wala pa talaga sa kanila. O kung hindi naman, di rin talaga kami para sa isa’t isa (no regret accept the fact of the past). Bukod naman sa divine intervention, naniniwala rin ako sa kapasidad ko na mamili, na tipong kahit ang maselan kong nanay ay mapapa-agree ko .
Sabi ko sa pinsan ko ay hindi naman ako naghahanap ng mayaman, matalino at sobrang mabait ( note yung di ko rin binanggit hehe). Ang ayoko ay magse-settle sa taong papakasalan ko lang kasi kailangan kong magpakasal at magpabuntis. I deserved a better man in my life if I want to change my forever (hugooot!) so I have to choose.
2 bagay ang kinakatakutan ko sa pag-aasawa:
- Yung hirap na hirap pamilya ko. Yung tipong matagpuan ko na lang na nakatira kami sa ilalim ng tulay, walang mapakain sa mga anak, at hindi mapag-aral. Sapakan na lang kami!
- Yung hindi ko na nga mahal ang asawa ko, hindi pa ako masaya (not in materialistic ways). Baka matiis ko na hindi ko mahal basta barkadahan (partnership) kami at good provider siya sa mga anak. By the way, ayoko rin maging theme song ito ng buhay ko “It’s sad to belong to someone else, when the right comes along.”
O siya tama na ang drama… Batiin at ipag-pray mo na lang ako hehehe.
hehe pamilyar yung card sa part 1 mo hehe di ako makacomment dun kaya dto nlng
oo pamilyar nga rin sa akin. chuz!
Happy birthday MJ. Sometimes, what you want is already in front of you. I hope this 2016 will allow you to achieve all that you desire to accomplish.
Thank you very much po Ma’am Janet! You’re big part of the realizations and lessons I have in digital world. I hope this year ma-execute ko paisa-isa. Mabuhay!
Pingback: No more Birthday blues 1:Mind-setting defines wish, success | kwento't paniniwala ni hitokiriHOSHI