Essay: Bakit Mahalaga ang Paniniwala, Pananampalataya?


Sinusulat ko ang essay( sanaysay) na ito na may personal akong mabigat na pinagdadaanan pero ganun pa man para sa akin mahalaga ang paniniwala o pananampalataya.  Ito ang aking sandigan sa panahon na gipit ako, nalulungkot, at kung parang walang malinaw na pag-asa. Hindi ko sinasabi na all out ang aking pagiging faithful, lalo na kung usaping relihiyon pero sa rami ng pagsubok na sinuong ko kay laking bagay ang paniniwala at pananampalataya.

rica and the candles

Naniniwala ka bang may Diyos? 

Isa sa hindi ko makakalimutang job interview  ko ay iyong nagtanong sa akin kung naniniwala ba ako sa Dios. Pinapili pa nga nila ako sa 10 Utos ng Dios kong alin dun ang  tingin kong importante at alin sa tatlong iyon ang pinakamahalaga.  Sinabi nung isang interviewer na baka haka-haka lang talaga ang Dios at base lang ito sa Science.  Kung tutuusin ay  ang awkward na ng mga tanong pero pumapayag ako na magpatanong. Sa isip ko ay hindi na mahalaga kung matanggap ako sa work na ito, gusto kong tuklasin din kung paano ko ito sasagutin mula sa kaibuturan ng aking kaluluwa (charr) iyong pag-uusig nila. Siguro nasu-surprise din kasi ako sa sarili ko kapag natatanong  biglaan at mabigat.

Kwestyunin mo na ang pagiging relihiyosa ko, at siguro hindi ako  nakakasunod sa tamang paraan, pero nananiwala pa rin akong may Dios. Kung hindi ka kasi naniniwala sa Dios, ‘wag ka na lang maniwala na may pag-asa.

Iyan mismo ang lumabas sa bibig ko in French (charrot) at pinanindigan ko ‘yan hanggang ngayon.

May magkakaibang paniniwala o relihiyon tayo pero may isang common denominator,  naniniwala tayong may Dios at ang paniniwala sa Kanya ay nagdadala sa atin ng pag-asa, ng positibong pananaw sa buhay at sa huli ay ikaw mismo ang makapagpapatotoo na may himala.

Ang hirap isipin na may taong walang pananampalataya. Kung hihiling ka, kanino ka ba humihiling? Kahit ba simpleng “sana may ice cream na pasalubong mamaya,”  “please naman magka-dyowa na ako now,” o mabigat na “sana gumaling ang magulang kong may sakit”  ay that is wish, dream, at prayer na ang pinatutungkulan ay Someone unseen. Kahit ‘di mo pa nakikita, nahahawakan o lubos  na nakilala alam mong  may nakikinig sa iyo at sa puntong iyon ay hinahayaan mong magkaroon kahit na kapiranggot na positibong bagay sa iyong puso at pagkatao.

Anu-ano ang epekto ng pagkakaroon ng pananampalataya ?

Patalastas

Ate Tet Prays
Ate Tet Prays

mas palaban ka– kahit ang bigat ng problema ay alam mong tumutulong sa iyo at tutulong sa iyo. Ito man ay tao, sitwasyon at pagkakataon.

  • positive mindset – kaya mong pag-aralan ang iba’t ibang sistema at theory pero mananatiling lesson lamang ang mga iyon kung di ka maniniwala at aaksyunan.
  • maniniwala ka sa pag-ibig – maraming anggulo at proseso kung paanong natutong magmahal ang tao. Subalit, kung wala kang paniniwala, mahihirapan kang maniwala na  pag-ibig na nakalaan sa iyo o pagmamahal sa paligid mo. Ganun din ang himala, kabaitan at pagkakaibigan.
  • may direksyon ang buhay mo – ang hirap ipaliwanag nito dahil may iba na mukhang successful at happy sa buhay kahit walang pinaniniwalaang Dios. Pero subukan mong isipin na wala kang pinaniniwalaan, baka mawala ka rin ng ganang bumangon sa umaga, mag-isip at makadama kung gaano ka pinagpala sa buhay. Kung gaanong pinasasaya ka ng iyong pamilya, kasintahan at kahit na alagang puno at hayop. Kung paanong may masaya pang mangyayari at posibilidad na kaya mong maranasan pa.
  • Mabuhay at manampalataya! Kung may pagkakaiba man sa paniniwala, may tinatawag din na respeto at pakikipag-kapwa tao. 😉



    About Hitokirihoshi

    Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

    Leave a comment

    Your email address will not be published. Required fields are marked *

    This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

    2 thoughts on “Essay: Bakit Mahalaga ang Paniniwala, Pananampalataya?