What to do with your first salary?


Nanood ako ng isang old episode ng isang defunct TV show. Tapos iyong bidang girl ay nagse- sentimental dahil iyon ang kauna-unahang sahod n’ya. With my work experiences through the years, these are my suggestions for fresh grads (and even my younger self) in what they have to do with their very first sahod/ salary/ hard-earned money.

Konting drama muna> Gusto kong halughugin ngayon yung lumang diary ko. Gusto kong sariwain yung feeling at ano yung mga plinano kong gawin noong wala pa  iyong sahod ko at nung nakuha ko na. Ang totoo n’yan disappointed ako noon sa first job ko. Kasi tinanggap ko yung work na yon for the sake na may trabaho lang,  malayo sa gusto kong gawin at sa sahod na pinapangarap ko.  Secretly, nahihiya ako sa parent ko dahil ang mahal ng tuition fee ko noong college t’as iyon lang.  Pero hindi pa sahod lang ang nagpaalis sa akin, kundi yung nagkakasakit na ako. Alam ko talaga sa sarili ko na hindi iyon dahil mahina ang katawan ko, kundi dahil sa mental stress.  Ayon two weeks lang ako dun.  Kahit nakalipat na ako sa sobrang magandang company after at  mataas-taas na ang sahod, lagi ko pa rin napapanaginipan yung work ko doon. Siguro paalala na rin na ayoko na balikan yon, at kaya kong mag-step up.

Konti pang trivia: Ayon sa nabasa ko noon ang first salary ni Martin Nievera ay pina-frame n’ya. Malamang tseke yun eh kahit naman tseke ang tatanggapin ko noon ay ayoko pa rin puwede naman kuhanan ng picture di ba?  Sa ate ko naman, ang sabi n’ya sa unang sweldo niya ay kakain sya sa  gustong –gusto n’yang restaurant. Nasaksikan ko rin yung mga estudyante meals niya kaya alam ko kung bakit yun ang iniisip nya.  Ako ang naalala ko talaga ay di ko ginastos tapos pinagsama ko sa next sahod na ang kalahating amount ay inintrega ko sa Nanay ko. Mula noon nag-iintrega na ako na hindi pala ginagawa ng iba. Kung alam ko lang, charr!

Buy the food that you crave.  Alam ko this is impractical pero hindiii because it’s a kind of personal celebration for me. Of course wag naman piyesta at magarbo basta simpleng dinner lang or lunch time with your special someone. It will remind you that your hard work can produce winning moments in other areas of your life.  Ako kalahating gallon ng ice cream nilantakan ko mag-isa ahehehee.

Toppings for Crepe

Toppings for Crepe

Keep money in your savings account and create emergency fund. Gusto kong sabihin na mag-invest kayo agad kasi para kasama nyong naggo-grow yung pera. But most likely kasi yung mga first sahod ay hindi kalakihan at pangbayad utang. So kung ganun better, as first step,  ay matutuhan muna ang pagbabangko.  Sa last check ko, may mga yuppies talaga na walang personal bank account at walang balak. I don’t want to go in details pero sa economy and personal finance may good effects ang banking. Save muna then create emergency fund and try investing… sa dulo wealth creation na. Pero kung carry na ng sahod, I recommend to invest sa stock market and mutual fund yung small portion ha.alkansya

Treat your parents/ guardian – puwedeng kagaya sa akin na pera pero okay din na isama mo na sa item no. 1.  Simple token appreciation sa magulang ay malaking bagay sa kanila at kahit sa iyo. Ito yung pagkakataon na masasabi mo na “ikaw naman” at kapag nagbigay ka sa taong mahal mo, iba ang parang level up sa accomplishment or achievement.

Give something sa church/ institution-   Not only when you get your first salary,  but even sa first day mo sa work dapat nagdadasal ka.  If you’re always praying about your job nako-kondisyon ka na maging grateful and positive sa buhay.  Aside sa pagpi-pray at pagpunta sa gusto mong simbahan, okay na okay din ang pagbibigay sa simbahan. In fact, matagal na yung  pagpa-practice ng “ika-pu” or tithing.  Hindi mo man  magawa monthly, magawa mo man lang sa unang beses na sumahod ka. Puwede rin na tumulong ka sa isang non-profit organizations gaya ng Habitat for Humanity.  Yung isang pinsan ko sa mga unang buwan nya sa work ay namimigay ng bible.

Attend a worthy event/ seminar– Feed your mind kaagad. Maaaring may  matagal ka ng book na gustong bilhin o klase ng seminar na gusto mong masubukan.. puwedeng ito ay tungkol sa communication  skills, personality development, business or other career enhancement seminars.

Panel discussion on Freelancing in The Philippines

Panel discussion on Freelancing in The Philippines

Sa mga bagong graduates, congrats and mabuhay!

 


About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Online Publisher, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Technopreneur, frugal Traveler, Cinephile since birth, natural Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial, and Multipotentialite or Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *