Top 5 Stunning Churches for Weddings


Ano naiisip mo ‘pag pasok ng June?  Baka pareho tayo ng mga ideya, pero para maiba naman sa common at nega doon tayo sa June is the most popular month to marry or wedding month. May iba lang siguro nag-iba na ng sked dahil sa maulan, traffic, may pasok, at masarap matulog kaysa magpakasal. Charr! At para masaya, narito ang ilang simbahan na napuntahan ko pa lang na sa tingin ko ay My Top 5 Picture-Perfect Churches for Weddings.

San Sebastian Church (Basilica Minore de San Sebastian)

San Sebastian ChurchNakilala ko ito bilang wedding church nina Donna Cruz at  Dr. Yong Larrazabal.  Noong makarating at ilang beses na akong nakabalik, hindi pa rin mawala-wala ang paghanga ko sa instraktura nito.  Bukod din naman kasi sa record nito bilang kaisa-isang simbahan na gawa sa bakal (na inangkat pa sa Belgium ) ay itinaghal na rin itong Philippine Historical Landmark  at National Cultural Treasure.

Buhay na buhay rin ang choir group nila kaya awesome ang live background music kapag naglalakad na ang wedding entourage.  Kung usapang photography tayo, tingin ko kailangan nang mahusay na wedding photographers para talagang ma-capture ang magandang moment at ambiance sa loob at labas ng simbahan. Maganda ang ceiling, doors, altar, painting, aisle at lalo na ang chandeliers. Pero kung mali ang timpla ng lighting makakaapekto sayang lang.

St. Jerome Parish, Morong Rizal

3_Morong_facadeIsang beses pa lang ako nakapunta sa simbahan na ito pero hindi ko pa rin nakakalimutan yung pagkamangha ko.  Façade pa lang ay bentang-benta na sa akin na animo’y nakita mo na ito sa mga lumang movie o litrato.  Ayon sa marker, 1850-1853 nang gawin ni Bartolome Palatino na taga-Paete ang front-piece at belfry nito.  Subalit, ang unang impraktura nito ay nagawa noong 1586 at pagkatapos ng 1612 (after masunog) ay sinimulan itong itayong muli.  May mga Chinese craftsmen umanong tumulong  dito na ang patunay ay ang dalawang batang lion na nakaukit sa entrada nito.

Bongga ang hagdan paakyat sa pintuan. Magkakaroon ng effect at saysay ang mahabang tela sa likod ng wedding gown pag nagkataon. Medyo may kasimplehan na ang retablo rito pero magara at solemn na kung tutuusin, sakto para sa mga seryosong magmahal. Naks!

Rekomendado ko rin puntahan ang St. Joseph Parish, Baras Rizal  at Sta. Ursula Parish, Binangonan kung usapang classic at old wedding church ang trip mo.

Majayjay Church, Laguna

facade_majayjay church, laguna_hitokirihoshiAng totoo n’yan maraming klasik at panalong simbahan sa Laguna kabilang na ang Liliw at Nagcarlan, -pero talagang nabighani ako sa Majayjay Church o San Gregorio Magno Parish Church. [papayag ako na dito ako ikasal hehehe kahit taga Kyusi ako].   Taong 1571 itinayo ang unang bamboo version nito pero 1616 naman ang original stone version.

Ang façade nito ay ‘di tulad ng gara ng Morong at San Sebastian pero may feel na simple elegant and classic. Sa pagpasok sa loob doon mo mapi-feel ang pagka-solemn na habang papalapit ka na sa  altar ay masasabi ayyy grandyosa ang kasal mo.  Sa ibang banda, maraming paliguan sa paligid ng Majayjay partikular na ang mga cold spring resorts kaya kung gusto mo ng Chill na wedding receptions-this is it!

Our Lady of Mount Carmel Shrine Parish (Broadway)

Our Lady of Mount Carmel Shrine Parish facade 2Nag-iisip ako kung alin ang mainam na simbahan na pangkasal sa mga napuntahan kong Churches in Quezon City, kung di man ito ang pinaka ay isa ang Our Lady of Mount Carmel Shrine Parish.  Bukod sa façade,  sa altar, sa haba ng aisle; malaking factor din ang tahimik at malaking parking space sa paligid nito.  Malapit din  ito sa Broadway Centrum at Robinsons Magnolia so madaling magsabi ng landmark sa mga kakilala, ‘wag lang silang matuksong manood muna ng Eat Bulaga at mag-sine muna.

Sa  ibang banda, ang pinakamalapit na papasa sa criteria na nabanggit ko (parking, reception, at searchable) ay ang Santuario De San Vicente Paul. Nakadalo na ako ng kasal rito, at ang reception ay sa likod lang ng simbahan din at pleasant naman yung lugar.

Santuario De San Vicente Paul facade

Santuario De San Vicente Paul [Tandang Sora]

Paco Park Church o St. Pancratius Chapel

Paco Park Church bv Hoshilandia (5)Ang Paco Park Church o St. Pancratius Chapel na sentrong simbahan  sa loob ng  Paco Park. Kung trip mo ang intimate wedding pero classic at medyo creepy rin ang dating?  Bagay sa inyo ang magpakasal dito. I think one-of-a-kind ito dahil sa nakapaligid na lumang libingan at mala- Intramuros istraktura.  Dito unang [patagong] inilibing si Dr. Jose Rizal at tatlong Pareng Martir na sina Father Jose A. Burgos, Father Mariano C. Gomes, at Father Jacinto R. Zamora.

Kung tama ako dito ikinasal si Kamikazee vocalist Jay Contreras at former child star Sarah Jane Abad.  Bakit intimate? Maliit lang ang loob ng sinbahan  na may kapasidad na lagpas isang tao.

Sa ibang banda, paboloso rin ang arkitektura ng  Paoay Church  o  St. Augustine Parish Church sa Ilocos Norte at Bantay Church o Shrine of Our Lady of Charity sa Ilocos Sur.  Ang Paoay Church, na may Baroque style, ay isa  sa nadeklarang UNESCO World Heritage site at National Cultural Treasure.  Ang Bantay Church naman ang pinakamatandang simbahan sa Ilocos at kagila-gilalas ang Bell Tower nito na nakahiwalay sa simbahan at literal na maraming kampana na ang mga tunog at purpose ay depende sa okasyon gaya ng pangkasal, pang-patay at iba pa. Sinasabing dito raw kinunan ang ilang eksena sa Ang Panday 1981. Sa dalawa mas bet ko ang Bantay Church.


About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Online Publisher, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Technopreneur, frugal Traveler, Cinephile since birth, natural Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial, and Multipotentialite or Yuccie? Common socialize with me!

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *