Cinema Rehiyon: The Low Profile Film Festival na may Impact


Cinema Rehiyon, now on its 8th year, will be show in De La Salle University-Dasmariñas (Cavite) from November 28 to December 2, 2016.  Are you familiar with Cinema Rehiyon and its significant in movie-making in the entire Philippines ?  Let’s start with the idea, it’s a very Film festival in the Philippines should support.

Cinema Rehiyon 8: What you ought to know about Filipino Film Festivals in Provinces

Sa matagal na panahon ang alam natin ay ang kontrobersyal na Metro Manila Film Festival (MMFF). Subalit  may ilang taon na rin nang magkaroon ng  Cinemalaya or independent film festival, Cinema One Originals,  QCinema at iba pa. Ang Cinema Rehiyon ay film festival kung saan ipinapalabas ang obra ng mga filmmakers mula sa iba’t ibang probinsya at lalawigan.

May filmmakers sa mga probinsya at lalawigan?

Tumpak! Katunayan ay mayroon na ring mga pista ng mga pelikula sa iba’t ibang probinsya ayon pa kay National Committee on Cinema (NCC) Vice-head Teddy O. Co. Ibinahagi rin n’ya na may pista ng mga pelikula sa Davao, Cebu,  Baguio, at iba.  Ako naman ang alam ko ay taunang festival din ng mga pelikula ang sa Pampanga.cinema-rehiyon-8-ncc-vice-head-teddy-co-by-hitokirihoshi

Ang masaya sa Cinema Rehiyon ay marami tayong matutuklasan na mga filmmakers na kikiliti sa ating imahinasyon.  Wala ritong parikular lamang na genre, walang mahahati sa komersyal at independent, kahit anong lengguwahe o diyalektong gamitin,  at puwede kung full-length o  short film. Ito ay ayon na rin sa lahat ng panelists na kinabibilangan din nina Archi R. Adamos (NCC Executive Committee member), Rosanni Sarile (Cinema Rehiyon Festival Director), Liza Diño -Seguerra (Film Development Council of the Philippines or FDCP chairperson), and NCCA OIC Executive Director Marichu G.  Tellano.   Kaya kung  usapang variety ala sari-sari store  ay ito yung festival na hindi dapat palagpasin.cinema-rehiyon-fdcp-chairperson-liza-dino-seguerra-by-hitokirihoshi

Kung hindi naititindihan, bakit pa panonoorin ang mga pelikulang gawang probinsya?

Ika nga ng emcee ng media conference ng Cinema Rehiyon (NCCA lobby, Intramuros) na si Ms. Vangie Labalan ang pelikula ay repleksyon o salamin ng buhay. Sa pamamagitan ng panonood ng mga regional movies ay matutunghayan naman natin ang buhay-buhay sa probinsya.

Veteran actress-Radio Drama personality Vangie Labalan

Veteran actress-Radio Drama personality Vangie Labalan

Sa totoo lang ang sarap makapanood movie na may ibang lengguwahe kaysa naka-translate na. Nandoon ang pagka-authentic, crispy ng bitaw ng mga dialogues, at ambiance.  Marami ngang kabataan na sanay-sanay sa pagbabasa ng subtitles sa mga anime at Asianovela.  So far, ang napapanood kong movie na may local dialects ay Dukit (Kapampangan) at Panaghoy sa Suba (Boholano).   Mas madali naman ma-process kaysa French at Chinese siempre. Medyo nakakaano nga lang minsan na bakit madalas gawing kakatwa sa ilang pelikula ang mga nagbi-Bisaya na madalas ay sidekick o extra ang roles. Ano naman kung may accent? Ang may accent, may kakaibang character agad di ba?

Cinema Rehiyon may spark new Philippine Cinema Revolution with people’s support

Ayon pa kay Vice-head Co ay hindi alam ng marami ay matagal nan tumutulong ang NCCA sa mga regional filmmakers.  Tinatayang 60 films at Php 40 million na ang nai-grant nilang financial support para sa ganitong proyekto.  Tama naman si NCC member Adamos  na mabibigyan ng saysay ang mga nagawa o gagawing ng pelikula sa pamamagitan ng film festival. Kapag  napo-promote ay mas marami ang mahihikayat na manood. Kung may susuporta ay tiyak na mabubuhayan na ang mangangarap at magpupursige na lumikha ng magagandang obra.

Patalastas

NCCA OIC and Executive Director Marichu Tellano

NCCA OIC and Executive Director Marichu Tellano

Regional Film Festival sa Cavite

Accessible. Isang magandang rason nagpagdaos ng Cinema Rehiyon sa Cavite ay malapit at accessible ito sa Manila.  Halos isang oras lamang ito mula sa SM MOA at maraming masasakyan. November 18 ay nagpunta rin kami sa Dasmarinas at mula Commonwealth (Quezon City) ay inabot lang kami ng lagpas two hours (viaje ko papuntang Ortigas).  Sekreto? Iwasan ang EDSA – sumakay papuntang Lawton at may sakayan doon (FX at Bus) papunta na ng Dasma. Sa Ayala Ave may nakikita na rin ako pa-Cavite I am not sure lang kung papuntang Dasma.

Cavite’s Film Icons. Sino pa bang maiisip natin na artista na taga- Cavite?

  • Una na d’yan ang mga Revilla sa pangunguna na ni Ramon Revilla Sr. Di ba nga may movie pa sila ni Fernando Poe Jr. na Sa iyo ang Cavite, Akin ang Tondo.  So Taga-Tondo pala si FPJ?  Hehehe, anyway…  Ang sabi ay suportado siempre ng Revilla clan ang Kapistahan na ito at sa Disyembre 2 ay  dadalo si former Senator Revilla bilang personal na matunghayan ang hinandang tribute para sa kanya.  Sumikat siya sa mga action-fantasy movies na nardong putik (based on true-to life story) at Pepeng Agimat. Pero ako naalaka kong movie n’ya na napanood ko dati ay Joaquin Bordado na nagkaroon ng TV adaptation at pinagbidahan ni Robin Padilla.

    nardong-putik-movie

    Credit: NCCA/ Cinema Rehiyon 8

  • Subalit, isa pa palang batikang alagad ng sining mula sa Cavite ay si Leopoldo Salcedo. Ang actor ay bumida sa 1961 film ni National Artist Gerry De Leon na The Moises Padilla and 1976 film ni Eddie Romero, ang  Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon. Si Mang Salcedo two-time FAMAS best actor at kilala raw sa bansag nitong The Great Profile.

    moises-padilla-story

    Credit: NCCA/ Cinema Rehiyon 8

Streamline and Solidify Support for the Filmmaking Industry in the Philippines

Kung tama ako,  unang pagkakataon na naki-partnera ng FDCP sa NCCA para sa Cinema Rehiyon. Kaya magandang simula ito sa dalawangn ahensya at kanilang hiling ay maging tradisyon na ang regional film festival. Bukod pa rito suportado rin ito ng University of the Philippines Los Baňos Foundation Inc. (UPLB FI) at ng host ng venue, ang De La Salle University – Dasmarinas (DLSU-D).  Nawa’y mapalawig, mapatatag, lumaganap, at magkaroon ng katuparan ang tema ng pista ngayong taon “Creating Cinema Communities, Celebrating Cultural Legacies.”

(L - R) Teddy Co, a  CR8 member/ officer,  Vangie Labalan, Rosanni Sarile, Liza Dino, Marichu Tellano, and Archi Adamos

(L – R) Teddy Co, a CR8 member/ officer, Vangie Labalan, Rosanni Sarile, Liza Dino, Marichu Tellano, and Archi Adamos

Para sa iba pang info, abangan  ang mga i-upload kong videos tungkol sa Cinema Rehiyon 8 at paggawa ng Pinoy Movies sa aking Youtube channel–Hitokirihoshi.

 

Mabuhay ang Pelikulang Pilipino!

cinema-rehiyon-8-tarp



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.