Because I feel and think that I need to be knowledgeable also in accounting, I attended a workshop about basic bookkeeping and accounting for non-accountants. And I realized na may pagka- bookkeeper din pala ako and it’s not easy maging accountant. Well I confessed I’m not good in mathematics. However I value of fact checking, tracking records, and inventory especially now that I’m now into business.
Double Entry Bookkeeping system: When you receive something, you give up something
Sa mga legal adults, ang isang perks na tinatamasa natin ay kalayaan. Kalayaan na mag-decide para sa ating sarili. Pero hindi ito puro saya, pagkat kalakip din nito ang pagsasakripisyo para matustusan kung ano man ang ating gusto. Sabi nga ni Uncle Ben “with great power, comes great responsibility.” Halimbawa ay kung gusto mo na mag-leave para makapag-out of town travel ay tatapusin mo nang maaaga ang iyong work load. Kung kinakailangan na mag-advance at mag-overtime ay gagawin mo hindi ba? So kung susundan natin ang basic equation of accounting
Asset | Liabilities | Equity | Description |
Freedom to travel | Finish work load quickly/
Overtime work |
Freedom to travel | Value Receive (VR): Approved leave with Pay
Value Give Up: time and energy |
Ganito rin naman sa ibang bagay at hindi naman sa pagkaka-negative ay oo walang “libre” pero may nanlilibre out of generosity or out of something. Blessings na lang ni Lord ang libreng –libre at wag din nating kakalimutan na “Nasa Diyos Ang Awa, Nasa Tao ang Gawa. “
Ang pagtitimbang ng na-debit at na-credit ay ang tinawag na double entry bookkeeping system o double-entry accounting. Pero siempre sa mga field na ito ay kailangan may kinalaman sa numbers at traceable transactions (as in with receipts, contracts, and other documents).
Sa ganang akin, mainam na piliing matutuhan ng magbi-business ang basic ng mga ito. Kasi kung mag-o-operate ka na ay ti-triple ang iyong alalahanin o trabaho kung hindi ka marunong. Sa ibang banda, mabuti rin matutuhan ang double entry principle ng mga :
- Mga nangungutang – na iyong perang hinihiram nila ay pinaghirapan ng iba. At kapag hindi sila nagbayad ay isinasawalang-bahala nila ang kanilang “credit score,” reputasyon , at good connection (including friendship and kin relationships.
- Mga ambisyoso – na ang feeling ay matutupad ang kanilang pangarap sa salita o pag-iisip. Matutupad ito kung ginagawan ng aksyon at pinagsusumikapan.
- Mga reklamador– na pinapansin kung anong mali at pangit pero wala naman din ginagawang tama at maganda :p peace!
The Importance of knowing your Net Worth and Self Worth
Ang pinakamahalagang purpose ng bookkeeping and accounting ay malaman ang standing ng iyong finances o negosyo. Sabi nga “accounting is the language of the business.” Dito mo rin matutukoy kung ano tunay mong kita. In connection to this, makukuha mo rin siempre kung nadaragdagan ang assets mo o nagiging liability mo, in short your Net Worth.
“Net worth= Assets – Liabilities”
Sa akin mainam na alamin ang iyong Net Worth ng sarili mo para malaman mo nga kung ano ba talaga ang iyong financial health. Ayoko ng math at inis ako sa madedetalyeng bagay pero kapag usapang money and business management naniniwala ako na mainam na alamin mo ang ganitong bagay. Halimbawa ay ang halaga na meron ka, kaya mong mai-produce, at kakayaning maitabi. Kung hindi mo rin kasi aalamin ay magiging unaware ka sa iyong estado lalo na kung may trabaho at kumikita ka. Bakit nga ba maraming nagtatrabaho ang lubog sa utang at gipit na gipit? Wala pa doon iyon kung may nagkakasakit, kundi talagang consistent na every month, every week or every day. Ang pag-alam din sa iyong financial health ngayon ay ang magsasaad kung
- How much is your emergency fund,
- Investing appetite, at
- Iyong ang ideal retirement fund
Subalit, hindi ibig sabihin na kung mababa ang iyong net worth, hindi ka na successful o magiging successful. Hindi kumo’t mababa ang iyong sweldo, wala kang kotse, wala kang bahay, ay wala kang masasabing ari-arian ay wala ka ng kwenta. Ang iyong personal worth ay walang kinalaman sa iyong kinikita at trabaho. Bagkus ito ay batay sa iyong totoong kasiyahan at pagpapahalaga sa iyong sarili.
At walang magdidikta dapat sa iyo o idedepende mo ang iyong kasiyahan sa ibang tao. Automatic pa nga na kung pinapahalagahan mo ay self-worth ay posibleng tumaasa ng iyong net worth. Maniwala ka maraming mayaman na dala ng Lakas ng loob at paniniwala sa kanilang kakayahan.
Wow very nice! Napadaan lang ako dito sa blog mo, natuwa ako. 🙂
salamat sa iyong pagbisita at ikinagagalak ko na natuwa ka sa iyong (mga) nabasa 😉