Career Tips: Paano i-handle ang struggle with self-doubt   updated!


Ang hirap ata na hindi ka makaramdam ng struggle with self-doubt and insecurity kahit pa sa matatalik mong kaibigan o malapit na office-mates, especially kung matatagumpay sila.  Pero dapat laban lang ‘di ba para maging positibo at progresibo ang sarili.

Ang sumusunod ay tips ko kung paano mare-redeem ang sarili para muling maniwala sa sarili. Ito rin ay mga sagot, in chronological order,  ko sa nabanggit factors kung bakit nagkakaroon ng self-doubt:

may doubt ka sa pagtulay sa dilim patungo sa liwanag?
  • Be humble and accept criticism – Ang totoo medyo di ko trip ang pabalik-balik sa bagay/trabaho na natapos ko na.  Mainam ito kung naibigay ko ang 100% ko ‘di ba? Pero siempre may bagay na na-take mo lang ng light pero ang laki pala ng impact kapag may nagawa kang mali. Puwede ring hindi pala yung inaakala mong tama ang naangkop para sa sitwasyon o trabaho.

Sa pagdaan ng panahon natutuhan ko na malaking bagay na ma-accept or i-acknowledge mo na may pagkakamali ka rin gaano man ito kaliit o kalaki (also called accountability). Hindi madali magbaba ng pride at makaramdam ng positibo pagkatapos kang mapagsabihan. Ang iniisip ko na lang ay kailangan ko magpapakumbaba. Nagkamali ka, tanggapin mo ang consequence. Kung hindi ko malalagpasan ito ay hindi ako makakapunta sa next step. Kung hindi ko rin naman malalaman ang mali ay hindi rin ako malalaman ang tama. Kung hindi ko malalaman ang tama, eddie ang anlabo ng direksyon ko.

  • Focus on your own happiness or competency, not on competition or comparison– Ang recent kong ginawa para matanggal sa sistema ko yung insecurity ko ay nag-social media detox ako. Ayokong mag-isip ng nega sa mga tao lalo wala naman silang ginawang masama sa akin. Saka bakit ko naman ikukumpara ang sarili ko sa iba, gayong may sarili akong laban at gusto sa buhay.

Kahit mild social media detox,  the result is tremendous. I appreciate yung self-worth ko nang hindi ko na kailangan mag-compare o  makipag-compete. Dagdag pa roon yung, “hindi ko obligasyon o makakadagdag sa pagkatao ko kung palagi akong nag-update ng status ko.” Hindi naman ako celebrity.

 If anyone thinks they are something when they are not, they deceive themselves. Each one should test their own actions. Then they can take pride in themselves alone, without comparing themselves to someone else, for each one should carry their own load.  

Galatians 6:3-5

If you decide to give up, let go and don’t regret. Isa sa reason ba’t ako magku-quit sa isang sitwasyon ay kung nararamdaman ko na hindi na kaya in terms of skills, talent, emotion, o powers ko. Labas dito iyong tyaga o patience kasi may mga bagay naman talaga na kayang matutuhan. Pero kapag masyado ng malalim yung doubt ko (not fear) ay nagde-decide na ako na mag-give up. Whether I made the right or wrong decision, I just let go all the things na hindi ko na mawo-work out and I try my best to move on. Ang best advice na sinusundan ko ay:

“As I look back on my life, I realize that every time I thought I was being rejected from something good, I was actually being re-directed to something better.”

Steve Maraboli

Patalastas

“Your work is going to fill a large part of your life, and the only way to be truly satisfied is to do what you believe is great work. And the only way to do great work is to love what you do. If you haven’t found it yet, keep looking. Don’t settle.”

Steve Jobs

Hindi naman palaging kailangan na hintayin mo pa na pagsarhan ka ng pinto para  may magbukas ng bintana para sa iyo. Puwede namang ikaw na kusang lumabas para makapaghanap ng panibagong pinto at bintana na puwede mong mabuksan.  Noong itatak ko sa kokote ko ang mga ito—so liberating! Yung doubt pala minsan ay puwedeng bunga sa idea na wala ka  lang sa tamang lugar at kulang ka pa sa panahon.

Be true to yourself and be with genuine people. Noong nag-aaral pa ako ay never kong in-aim na maging part ng group ng sikat, matatalino, mayayaman o fashionable. Thanks to Anime (kung saan ako mas nakatutok 😉 at sa iba-iba kong kaibigan outside sa school or work.  So yung pagdududa ko sa ilang aspeto ng aking buhay ay naiiwan sa campus or office. Hindi naman dahil mahina ako sa math, hindi na ako yayaman o magkakaroon ng maraming kaibigan. Hindi rinn kumo’t mali-mali ang grammar ko ay hindi ko na kayang makipag-communicate. Ganern!

Pray so you can handle ang struggle na ‘yan

Que ang bigat–bigat na o kaya pa ng pang-unawa ko, basta may pagkakataon dadaan ako ng simbahan ay gagawin ko. Hindi ko alam pero hindi ako basta-basta umiyak at iba ang nababawas na bigat kapag umiiyak ako habang nanalangin. Gaya nang nabanggit ko sa Kahalagahan ng Pananampalataya, iba yung kumakapit ka sa hope/ faith. Kasi pag mayroon ka nyan kaya mo ring lagpasan anumang doubt mo sa buhay.

Faith is the confidence that what we hope for will actually happen; it gives us assurance about things we cannot see.’

Hebrews 11:1



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

2 thoughts on “Career Tips: Paano i-handle ang struggle with self-doubt