Paborito ko noong estudyante ako ang asignaturang “Sibika at Kultura” o iyong Araling Panlipunan. Siguro nagsimula lang iyan sa maiba sa Filipino at recess. Pero alam mo may mga punto rin na naitanong ko sa aking sarili kung mahalaga nga ba pag-aralan ang Kultura o Philippine culture?
Nabasa ko kamakailan an “Agung” XIX No. 4 (back issue). So far, ito ang pinakagustong-gusto kong issue ng lathalain ng National Commission on Culture and the Arts (NCCA). Ang pinakaespesyal sa akin ay ang artikulo na Envisioning Heroes, The Mythic Hero ni Prof. Felipe M. De Leon, Jr. (former NCCA chairman). Dito rin ako na-inspire para sulatin ang sanaysay o artikulong ito.
Sino at ano ang kahulugan ng bayani para sa iyo?
We need heroes because they help define the limits of our aspirations. We largely define our ideals by the heroes we choose, and our ideals—things like courage, honor, and justice – largely define us. Our heroes are symbols for us of all the qualities we would like to possess and all the ambitions we would like to satisfy.”
U.P. Professor Felipe M. De Leon sa kanyang artikulo.
Oo nga naman, sino ba sa atin ang walang hinahangaan o ehemplo. Sa huli kong pagsasaliksik, ang bayani ay hindi kailangan patay na, makasaysayan, o kaya sikat na sikat na tao. Siya ay maaaring sa tingin mo ay taong may katangi-tanging karakter na nagbibigay inspirasyon o dapat tularan. Kung ganito nga ang kahulugan ng “hero” ay malamang nga ay iba-iba ang mapipili natin depende sa ating kultura.
Kung ako ang tatanungin, ang hero sa akin bilang…
- Estudyante ay si Gat. Jose Rizal (the Philippine National Hero) . Dati ay iba ang nagustuhan ko pero na-appreciate ko yung pagiging non-conventional n’ya, ang paggamit n’ya ng mga talento para sa kanyang mga laban sa buhay, at kanyang unwavering love sa kanyang bansa.
- bilang Anime fan, si Kenshin Himura – marami na akong napanood na shows, pero sa palagay ko s’ya yung may sense dahil sa kanyang rason para magbago at ipaglaban ang kanyang prinsipyo.
- bilang Cinephile, sina Toni Stark or Iron man at Peter Parker or Spiderman kung mula sa superhero films.
- Reader- Amado Hernandez ( Mga Ibong Mandaragit), Louisa May Alcott ( Little Women), at K. Rowling ( Harry Potter)
- Music fan ay halos iyong mga singer-songwriter gaya nina Yeng Constantino, Rico Blanco, at Jose Mari Chan
- Mamamayang Filipino – Mga nakaka-inspire na OFWs, negosyante, artists, at iba pang ordinaryong tao
Ikaw, ano ba ang kultura mo?
Kung paano ka kumilala ng titingalain mong tao ay nakabase sa kultura mo o sa lawak ang iyong pang-unawa sa iyong sarili at lipunan na ginagalawan mo. Ano nga ang kultura na kinalakhan at kinikilala mo?
Ang ibang termino ng kultura ay kalinangan at paraan ng pamumuhay. Ito ay kinapapalooban ng sining, wika, musika, tradisyon at iba pa. Ayon nga kay Phil Bartle, PhD, “culture is composed of everything symbolic that we learn.” Subalit, hindi naman daw lahat ng natutuhan ay kultura.
Ang mahirap kasi sa modernong pamumuhay ay masyadong malayo ang tingin natin agad patungo sa ating nais na destinasyon. Hindi natin muna iniintindi ang ating kinatatayuan at lalakaran para tama ang hakbang na magagawa at siguradong pagsulong. Dagdag na lang rito kung magkakakaroon ba din tayo ng kamalayan sa ibang kultura (Kaya gusto ko nga rin ang mag-travel to know other cultures firsthand).
Hindi ba’t kung ang kulturang kinalakhan mo ay manood lang ng TV o mag-social media maghapon, chismis is life, at pagpapakita ng kagaspangan ng pag-uugali ay ano ba ang simbolo mo ng pagpapakatotoo? Hindi ba’t ang hirap-hirap intindihin:
- na hindi pangit ang pagiging maitim o pagkakaroon ng pangong ilong
- na hindi kaplastikan ang pagiging sweet at pakikisama
- na hindi validation ng self-worth mo ang laman ng wallet mo, gara ng bahay n’yo, o sasabihin ng ibang tao sa iyo
- na hindi ka bobo agad kung mahina ka man sa wikang English
- na hindi ka minamaliit o inaaway ng taong nagbigay sa iyo ng constructive criticism
- na posible ang mga bagay sa iyo na imposible para sa iba.
May nakausap ako na ang paksang binuksan n’ya ay ano nga bang “negatibong force” na humihila sa mga Pinoy na kung bakit sila parang hirap umasenso. Siyempre maraming salik d’yan at kasama na ang karanasan, kinalakhan, at karakter. By the way, ang taong kausap ko ay isang OFW na lumaki sa hirap at nagsumikap mag-aral. Kung iisipin ay bakit ang mga kagaya n’ya ay nagawang umalagwa sa klase ng buhay na naranasan at kinalakhan din naman ng iba.
Sa kuro namin ay maaaring nagkakatalo sa self- analyzation. It takes guts to fight your inner demons or negative self. At hindi mo malalaman how positive/negative your life is and the changes you desire, kung if you’re not aware of your own culture.
Ang Philippine culture ay makulay, mayaman, at patuloy sa pag-imbulog (evolve). Pero oo, gaya ng ibang bansa ay mayroon din itong kapangitan depende sa kung ano gusto mong kilalanin at sundin. Dagdag pa rito, ang Philippine culture ay resulta ng galawan at kaugalian ng natin. Kaya natin itong panatilihin, baguhin, o linangin. Pero ang first step ay alamin muna natin ito.
Ang Japan kahit ilang beses nang nilindol at nasalanta pero maituturing pa ring mayaman na bansa. Bakit? Nasa kultura ng mga Japanese ang disiplina sa sarili at hindi magpaawa. Subalit, may mayayaman na gaya nila at umuunlad na bansa na gaya ng South Korea ay ang taas ng suicidal rate? Ayon sa World Atlas, one factor daw ay culture or cultural attitude.
“And because the ideals to which we aspire do so much to determine the ways in which we behave, we all vested interest in each person having heroes, and in the choice of heroes each of us makes.”
-Felipe M. De Leon, Jr.