Keeping or changing your Parenting style is perhaps one of the hardest things to do in parenthood. For me, parenting is a lifetime roller coaster journey of nurturing your kid’s well being. If you are a parent now, what’s your parenting style would be? How will you know if you’re giving enough, less or too much child care?
Ako I grew up in a big complicated family so I am aware that every person has own approach when it comes to giving or receiving care. Lalo na sa pagiging magulang, ang hirap kwestyunin yung istilo sa pag-aalaga dahil may kanya-kanya tayong pinanggagalingan, prinsipyo, at hangarin para sa ating anak.
You can’t solve problems by using the same solution
My father died when I just eight years old and my mother was a working single mom sa buong tanan na nag-aaral ako. So, I wasn’t conscious kung anong istilo nila at klaseng magulang sila noon. Basta ko ay mga nakakatanda kong kapatid at kapag big problem ay saka mag-i-step in si Nanay.
Ang naaalala kong ilang bonding moments namin ni Nanay noong toddler ako ay noong sinasali n’ya ako sa mga (usually dance) contest, dinadala sa iba’t ibang clinic, at pinapainom nang mapapaklang gamot at herbs. Oreganohhhh!
Noong bata kasi ako ay parang matindi ang Allergic rhinitis (hanggang ngayon sa alikabok) at iba pang surprise-surprise allergies. Na-experience ko na rin yung nagbalat at nagka-rushes nang matindi. One of the reasons doon ay pagsuot ng damit basta-basta. So be very careful sa damit especially for kids. What happened kasi…
• Pag nagmamamadali pinapasuot agad yung bagong damit nang hindi pa nalalabhan. Imagine yung amoy factory at plastic, tapos hinawak-hawakan ng ibang kamay yung damit.
• Ginagamit ang parehong klase ng sabon kahit sobrang tapang para sa balat
• Nilalagyan ng mabangong fabric conditioner ang damit na sobra at nakaka-irritate para sa mga bata.
So kung may iba pang pangangailangan ang anak, better din talaga to try special solution para mismo sa kanilang pangangailangan. Sabi nga ni Albert Einstein:
We can’t solve problems by using the same kind of thinking we used when we created them.”
Gaya nga nitong sa akin dati, na may sensitive skin at maselan na pang- amoy. Share ko lang din na kasabay nang pagsubok ko lately sa iba’t ibang variants ng Perwoll Liquid Detergent ay ang ‘pag gamit din namin ng Perwoll Baby. Since maselan din ang isa ko pang pamangkin ko. So far naman ang napansin namin ay mabango rin naman ang Perwoll Baby pero di over the top. Malambot sa tela na parang naka-fabric conditioner ka na rin, hindi nag-iiwan ng residue (kasi liquid detergent), at sabi nga sa label ay hypoallergenic ito.
Recognizing your kid’s need is a key
Accordingly, there are four known parenting styles which are Authoritative, Neglectful, Permissive, and Authoritarian.
• Iyong neglectful ay yung tipong palaging rason sa mga drama series kung bakit nagkawindang-windang ang buhay ng batang bida. Puwedeng present naman si parent physically, pero parang busy sa ibang bagay to give care.
• Ang permissive or indulgent ay yung sa sobrang pagbibigay sa hilig ng anak ay humuhubog na pala ng isang “brat” (sunod sa luho, pagdating ng araw sakit sa ulo).
• Samantala, ang Authoritarian ay ang complete opposite ng indulgent. Sila kasi yung sobrang istrikto na tipong yung sila lang nasusunod at hindi naman talaga tinitingnan kung ano ang dapat para sa anak nila.
• Among the four, authoritative is the ideal parenting style. It’s the balance between indulgent and authoritarian na even though parents discipline their kids they’re also show respect, care, and adapt to what their kids really need.
Sa nanay ko, magkakaiba talaga parenting style n’ya hindi lang sa amin magkakapatid, kundi sa paglipas din ng panahon. For my other siblings kasi before she’s so strict (authoritarian) at sa akin parang tama (indulgent to authoritative) lang. Siguro kasi ang bait-bait kong bata sakiting bunsong anak ako dati, hehehe. Noong mag-retire na s’ya parang bumawi sa amin lahat at lalo na sa apo n’ya. Authoritative pa rin naman s’ya pero may touch na medyo ng permissive or indulgent.
Kung ako naman siguro tatanungin siempre gusto ko na ang parenting style ko ay maging authoritative din. Gusto ko ang disiplina ng isang bata na kahit walang magulang na katabi ay ginagawa n’ya ang tama at alam i-enjoy ang buhay. Gusto ko yung ituturing n’yang yaman o blessings ang good health, care, at pagmamahal ko bilang magulang, naka naman!