Money Mindset: If You Win $100M, What are the first 3 things you’ll do?


100M peso o dollar talaga para intense pero seriously what are the first three things you will do with it? How your money mindset affects your choices and ways to manage this amount? Nag-start itong question ko sa mga housemates ko dahil na-curious ako kung paanong iisa kaming kinalakhan pero iba-iba kami ng generation, personality type, interest, at pananaw sa pera (money mindset).

(If you like to share your answer sa survey, please don’t hesitate to comment below⇓)

The Survey: What are the first 3 things you’ll do if you win $100 million?

Aside sa mga kapamilya ko ay nagtanong din ako sa Facebook at Quora. Pero sabihin na natin na ang mga kamag-anak ko ay representative ng mga Pinoy na may payak na pamumuhay, tradisyunal, at limitadong  kaalaman pagdating sa money management. Sa 6 tinanong ko, 3 sa kanila ang nagsabi na ang uunahin nila ay bahay/ charity, sasakyan at negosyo. Sa anim na tinanong ko ay 5 ay generation X, 1 generation Z, at 1 generation Y. Tatlo rin sa kanila ay nag-OFW, isang PWD, at isa ay junior high student.

Samantala sa Facebook ay 13 ang sumagot sa pa-survey ko. Sa aking kuro ay sila ang mga klase ng Pilipinong may kamalayan sa iba’t ibang klase ng investments. In fact, yung iba ay hindi lang basta nagsabi na magnenegosyo o mag-i-invest, tinukoy mismo kung ano. Ang kanilang “identity” sa table ay base lang sa pagkakilala ko sa kanila sa Facebook. Kung mali po ay I’m very sorry at paki-correct na lang.

Total points if rank 1= 50, 2=30, at 3=20
Charity = 340
Business = 210
Insurance = 170
Investment = 160
House & lot/ Farm = 140
Travel = 120
Study = 80
Pay Debt = 50

Although investment ang pagbi-business ay hiniwalay ko ito sa ibang uri gaya ng stock market, mutual fund, foreign exchange, at iba pa. Ang house and lot at farm ay pinagsama ko na rin dahil gagamitin na pang personal (either asset or liability).

Mayroon naman 11 na seryosong foreigner na sumagot sa Quora.  Ilalagay ko ito sa part two ng post na ito. Sa aking palagay ay mainam din na makuha ang kanilang ideya para maikumpara ko kung anong pagkakaiba natin sa ibang lahi.

Patalastas

The Analysis/Realizations on If You Win $100M survey (part 1)

Medyo malaki ng pagkakaiba ng choices, ranking, at points ng mga sumagot sa Facebook at Quora. Pero magpo-focus muna ako ngayon sa mga realizations at analysis ko sa mga Pinoy base sa sagot na nakuha ko sa Facebook.

Humanity is still alive. Ang akala ko ay iilan lang makakaisip o kaya ihuhuli ang pagkakawang-gawa (charity). Pero iba talaga ang mga Filipino, marahil dala na rin ito ng ating kultura at pang-unawa na marami sa ating kapwa Pinoy na naghihirap. Hindi rin natin palalampasin na makatulong kung may pagkakataon.

Bayanihan! (Painting by Jose Pitok Blanco at Blanco Museum)

Kung babasahin pati ang kung anong klaseng charity works ay karamihan ay pang simbahan at kasunod ay edukasyon. Ibig sabihin nito marahil ay ganoon katindi ang ating pagyakap natin sa ating pananampalataya.

Business is to stay richer or we just not aware of other type of investments? Hindi na ako nagtataka na business ay kasama sa top 3 choices. Alam mo kung bakit? Ang mga Pilipino kung hindi sumasahod ay kumikita sa kanyang kabuhayan o pagnenegosyo. Kung ayaw ng maging empleyado ay pagnenegosyo ang bagsak.

Night Market

Mahirap tukuyin kung ano ang papatok at alin ang bagay na kabuhayan sa isang tao. Subalit, ang naiisip ko sanang next question dito ay gaano ba sila kahanda na magnegosyo? Kung pagnenegosyo ay isang risky investment ay ano ang kanilang alternatibo? Mayroon pa ba silang ibang alam na klase ng investments?

May paghahanda sa “emergency” at “future”. Kung ako ang sasagot sa pa-survey ko, ang uunahin ko ay insurance. Anything na may kinalaman sa mase-secure ako, ang pamilya ko, at kahit mga assets ko gaya halimbawa ng kotse at bahay.

I thought na napakaunti ng mga Pilipino na pinapahalagahan ang insurance pero hindi naman pala. This is good news for the insurance companies at financial companies gaya ng SSS. Ang dami ko ring nakausap na tumanda na lang na hindi nagbabayad ng SSS at kakilalang talagang hilong talilong kapag may emergency.

Getting good  financial advice/ education is unpopular , but it’s very good choice. Unpopular choice ito at mukhang pa-impress ang dating, pero I think ang mag-hire ng isang financial planner/ councilor ay recommendable. I commend yung mga nakakaisip ng ganito kasi it makes you create smart decisions para sa  paglalagakan ng pa iyong ibang milyones.

Randell Tiongson is one of the respected financial coaches in the Philippines

Siempre puwede naman na top 4 or top  15 ito sa ranking ng study/ planner pero personally ay smart move kung ilalagay ito sa top 3. Mahirap na lalo sa isang biglang yaman na makakita ng pera na magagastos n’ya saan man n’ya gusto. Kaya siguro maraming nananalo sa Lotto na nauwi rin sa paghihirap kasi hindi naman tamang investment/ assets ang kinuha, kundi puro liabilities.

Gusto ko rin ibahagi yung nabasa ko na meaningful opinion ni Devon Franklin, isang film produce- speaker- author, sa kanyang interview sa Entrepreneur.

Anya,kapag nakamit ang yaman o tagumpay ng madalian ay madali rin nawawala ito.  Ikinumpara n’ya ito sa pag-akyat sa ika-20 palapag ng isang gusali gamit o hindi ng elevator.

 You might get here (through elevator); but you’re not going to know how to manage it.

Kung aanalisahin ang kanyang sinabi,  totoo na maaaring ang isang tao ay makamit ang tugatog ng tagumpay (sa pagyaman) pero hindi n’ya malalaman kung  paano ito pamamahalaan kung na-miss n’ya ang  importanteng mga steps.  Hindi mo malalaman ang saysay ng iyong tagumpay kung hindi ka nagdaaan sa proseso ng buhay gaya ng nangarap. nagmahal. nabigo.nasaktan. bumangon. sumaya. charr!

How about being debt-free? Hindi ko rin inaasahan na kasama ito sa top 3. Kasi depende rin naman sa mga natanong ko, kung may mga utang ba sila. Pero kung may utang man, commendable din ang mga taong  nakakaisip na unahin na bayaran muna ang kanilan mga liabilities bago gumastos. Ang utang ay bad credit hindi lang sa usapang financial kundi relasyon, tiwala, pagpapahalaga sa pagod ng tao. Nagiging pangit na reputasyon ito at money mindset ang pagmi-maintain ng bad credit history.

Sundan ang part 2


About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.