The Steps to Financial Peace 14


Randell Tiongson

Honestly, hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa sa pagsi-share ng mga interesting and inspiring lessons na natutuhan ko sa Steps to Financial Peace 2012 conference na ginanap kahapon sa Victory Greenhills Center, 4/F Virra Mall  Greenhills.

Pero una sa lahat I wanna thank Mr. Kenji Solis of PEBA sa opportunity na ibinigay n’ya na maka-attend ako. Nagtanong siya kasi sa FB na ways to save for your future na pinatulan ko talaga. Una kasi ay ‘yon naman talaga ang interes ko at  ‘yong catch ay ticket na maka-attend sa conference na ang mga magsasalita ay sila business & motivational speaker Jayson Lo, wealth coach Chinkee Tan at ang pina-follow ko sa blog na si life & personal coach Randell Tiongson (RFP) na siyang head speaker.

Chinkee Tan

Where money matters

Puwedeng  hindi lahat ay interesado sa Personal Finance at sa mga ganitong klase ng conference. In fact may katabi akong ale na medyo inaantok ng una pero maya-maya ay nagno-notetaking na

Sa event, hindi ka aantukin o mabo-bore dahil hindi lamang interesting ang topic kundi magagaling sa explanation and practical jokes ang mga speaker. You know that they practice what they preach and they associate wealth sa discipline, mind-set, skills, etc. Hindi lamang ito pera-perang usapan because in a way, they also teach how to develop your personality and how to be appreciative in God’s blessings.  In between pa nga ay they share bible verses- mga wisdom na mag-i-inspire sa ‘yo to be prudent and  positive thinker in life.

jayson lo more than enough

Jayson Lo

Ang masaya pa sa event ay mga libre siempre like kape from Coffee Bean (hindi po ako nag-try kasi haba lagi ng pila), photo souvenir, copies of reading materials (View Magazine, Business Mirror, Philippine Daily Inquirer and ang lagi kong inaabangang Money Sense magazine). Hindi nga lang ako nakapagpa-picture sa favorite blogger ko sa finance na si Fritz Villafuerte.

Mayroon din silang free financial consultation mula sa Registered Financial Planners (RFP) Philippines at help desk mula sa Banco de Oro (BDO) na major sponsor ng event. By the way, ipinaliwanag din ni Madam Ma. Lourdes T. De Vera, BDO Unibank Inc.’s Senior Vice President-Trust and Investment group, ang tungkol sa Unit Investment Trust Funds (UITF) at ang  Easy Investment Plan (EIP) ng kanilang company. Nakakaengganyo ito dahil sa halagang 1000 pesos every month (or sa trip mong frequency) ay automatic puwede kang mag-save at mag-invest.

The Steps:

Narito ang outline / program ng Steps To Financial Peace conference na dapat abangan din sa May 26 sa Parklane Hotel Cebu at sa June 2 sa somewhere sa Davao.

Step 1. Increase Your Cash Flow

Step 2.  Create Emergency Funds

Money Mindset by Chinkee Tan (superb ‘to)

Step 3. Get Out of Debt by Jason Lo (very inspiring speaker & author of YOUnique)

Step 4. Ensure Proper Protection

Step 5. Build Long term Savings

BDO on Investments by Ma. Lourdes T. De Vera

Step 6. Preserve Your Estate & Others.

(abangan sa mga susunod ang iba ko pang natutuhan sa conference na ‘to. )

Life & Personal Finance Coach (RFP)


About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Online Publisher, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Technopreneur, frugal Traveler, Cinephile since birth, natural Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial, and Multipotentialite or Yuccie? Common socialize with me!


Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

14 thoughts on “The Steps to Financial Peace